NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 22 Mandy’s POINT OF VIEW “Hindi ako salat ng pagmamahal James para gawin magmakaawa sa iyo. Marami ang nagmamahal sa akin, nandiyan ang pamilya ko, nandiyan ang mga kaibigan ko na dumistansiya lang sandali dahil sa iyo. Alam kong handa silang tanggapin ako hindi tulad ng pagturing mo sa akin. Ngayong nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin hinding-hindi na kita guguluhin pa." Nanatili siyang nakaupo sa kaniyang kama sapo ng dalawang palad niya ang kaniyang ulo. Bago ako tumalikod ay nakita ko ang bigla niyang pagtayo din na parang hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Basa ang gilid ng kaniyang mga mata. Nakita ko ang pamumula no'n. Ngunit sa tulad kong nasaktan, hindi ko na binigyan pa ng kahit anong paliwanag at pag

