NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 21 Mandy’s POINT OF VIEW "Ano James? Bubugbugin mo ako? Sasaktan mo ako? Katulad ng ginawa mong pambubugbog noong college tayo? Iyon ba ang gusto mong gawin? Minsan lang ako magsalita, ngayon ko lang ibuhos ang naipong sakit ng loob ko sa iyo. Ito lang ang masasabi ko sa iyo, wala kang utang na loob! Wala kang pinagkaiba sa Papa mo! Pareho lang kayong makitid ang pag-iisip. Gumising ka James! Tignan mo ang paligid mo! Hindi lang ako ang tao sa mundi na nagkakamali! Hindi lang ako ang tao na nagpanggap para sa mahal nila. Hindi lang ako ang Nakagawa ng hindi maganda sa kaibigan nila. Hindi dahil sa minsang pagkalimot ay iyon na ang kabuuan ng aking pangkalahatan! Sana naman magkaroon ka ng kaunting hiya!" Pagkasabi ko i

