END OF FLASHBACK..
Nakatulog akong umiiyak dahil sa usapan naming ni kayven kanina hanggang sa panaginip ko nandun paren si mama at ate pero parang ang saya namin sana ganon den kami dati.
Pagkagising ko una kong nakita mukha ni kayven na sobrang lapit na sa mukha ko siguro isang step nalang wala na kaming space. Ng Makita niya akong dumilat na bigla siyang napa tayo at tumingin sa kung saan man siya pwede tumingin “ah eh.. ganda nung ano yung ilaw oo ang ganda nung ilaw noh hehe” sabi niya habang nililibot yung paningin sa kung saan man, natawa ako sa ginawa niya at tumayo na ako para pumunta sa banyo at mag hilamos ng mukha nag toothbrush na den. Kayven was waiting for me sa harap ng pinto ano ginagawa non dun? HAHAHAHAH bumaba na ako para kumain kasabay si denver “Goodmorning!” bati saken ni denver habang kumakaway kaway saken “goodmorning din”batik o pabalik. Pagka tapos ko kumain hinatid na ako ni denver sa klase bago siya pumunta sa klase niya. Itong si kayven naman kinikilig sa gilid happy na happy ka teh? Nag goodbye na ako kay denver at kumaway sakaniya after nya umalis tinitigan ko ng masama si kayven ano kaya balak nito dito sa school di naman siguro makiki upo toh noh “paupo.. hehe”tinignan ko siya habang naka simangot siya naman tong nagpapa cute “umalis ka nga dyan” sabi ko habang naiirita “Hi ms.. sino po kausap mo?” nagulat ako ng may biglang nag salita sa likod ko “ah.. sorry ano po wala yun hehe wag mo na alalahanin di ako baliw sorry talaga kung maingay kame” sagot ko habang naka tingen kay kayven na ngayun naka ngiting wagi na “kami? Sino yung isa eh ikaw lang naman nandyan” tanong niya “ay- ako! Ako yun sorry” nag nod nalang siya bago umalis. Pahamak kang kayven ka!! Lagot ka saken mamaya! Pagkatapos ng klase nakita ko si kayven na naka tayo sa labas ng pinto naka simangot kaya nilapitan ko na “tago tayo” sabi ko sabay takbo sa room kung saan wala masyadong tao “bat naka simangot ka?” sambit ko habang natatawa ng unti “ih kasi! Kanina pa ako nag sasabi na gutom na ako tas di moko pinapansin pahinge pera!!” tinry ko iabot sakaniya yung pera pero tumagos lang sa kamay nya natawa agad ako habang mas lalo namang kumunot noo niya “ayan kasi magic world pa sige” tumawa ako ng malakas kaya agad naman nya akong sinigawan ng tama na. pikunin ka ren pala nicee hehehe. Tinakbuhan ko nalang siya at sumunod naman HAHAHHAHAH pagkadating naming sa canteen bumili na ako ng pagkain ko at kinain ko naman yun sa harap niya habang si kayven naman nag lalaway na kumain. Umuwi na kami pagkatapos ko kumain habang si kayven naman naka simangot. “im home denver!” wala akong narinig na reply sakaniya nag taka ako dahil ang alam ko wala siyang pasok ngayun kaya nandito lang siya. Nilibot ko naman ang buong bahay nagbabakasakaling Makita ko siya kaso wala tinulungan naden ako ni kayven pero wala den siyang nakitang denver. Dumiretso ako sa kwarto para mag bihis ng pambahay hihintayin ko nalang siguro si denver baka may pinuntahan lang. “nood tayo?” aya ko habang nakatitig sakaniya. Nag nod naman siya pumili na siya ng papanoorin may b***l na scene don kaya agad akong napa sigaw“AHHHH?” sigaw ko habang umiiyak “ano nangyari?” tinago ko ang sarili ko sa ilalim ng unan “hoyy” tinry niya tanggalin yung unan nagulat ako ng magawa nyang hawakan yung unan ko “nahawakan mo?” tanong ko sakaniya habang naeexcite tumingin din siya saken na para bang gulat na gulat “pero paano?” tinry nya den ako yakapin at nag tagumpay siya “nayayakap kita!?” nag nod naman ako at parehas kaming na excite pero bat ganun? Kaninang pinahawak ko sakaniya yung pera ko tumagos lang sa katawan niya bakit ngayun nayayakap ko na siya?? “ay!! Gets ko na!” “paano?” “pag alam nilang may mga tao sa paligid tumatagos sa katawan ko pero pag tayong dalawa lang nagiging totoong tao ka!!” explain ko sakaniya habang naka ngiti “mawawala ka lang bigla pag alert na yung curse na may ibang tao” parehas naman kaming natuwa narinig ko agad yung pinto sa front door na bumukas biglang nawala si kayven na parabang ako nalang ulit makaka kita sakaniya “andyan na si denver” sabi nya kaya tumayo na ako at nag lakad sa kitchen “hi! San ka galling?” tanong ko habang naka ngiti ng matamis “irish kukunin na ako nila mama sa states sorry..” “ha?” “kailangan eh” “kelan ka aalis? “bukas” “agad agad?!” “oo” paano na tohh. Tinignan ko sya habang paiyak na mata ko what if tama nga hinala naming ni akisha na si denver ang partner ni akisha sa business? Lumingon ako kay kayven at nag nod lang naman siya saken “kain kana denver lalabas ako pahangin lang saglit lang toh” ngumiti naman ako sakaniya nag nod lang siya kaya tumakbo na ako palabas ng bahay papunta sa bakuran umupo ako sa may puno malayo sa bahay nakita kong papalapit si kayven bigla siyang bumalik dun sa katulad nung kanina siguro dahil malayo kame kay denver at sa mga tao na tanging kame lang ni kayven ang magkasama ngayun “okay lang yan irish” tinignan ko siya bago iyuko ang ulo ko “aalis si denver eh” “nandito pa naman ako oh” “kasama niya si akisha” tinignan niya ako na para bang naka kita ng multo “ayun lang. ako bahala irish promise babantayan ko” nag nod nalang ako ilang pag tanggap ng sagot niya tinignan ko ang langit “ganda noh?” tanong niya saken gustuhin ko man siya tignan ayaw ata ng mata ko kasi ang labo na ng paningin ko dahil sa luha di ko siya sinagot at tumingala pa ren sa langit bukas aalis na si denver.
Kinabukasan….
Nandito na kami sa airport hinatid ko si denver dito “sure ka magiging okay kalang?” tanong niya saken habang naka titig saken “oo naman ako paba” he touched my hair at agad na siyang nag lakad tumingin pa siya sa likod para mag wave ng goodbye nag wave na den ako habang nasa likod ko si kayven nilingon ko sya at dun ako nagka kataon para umiyak wala na umalis na siya. Tinry ako hawakan ni kayven kaso tumatagos lang ang kamay niya sa katawan ko. Halos isubsub kona ang katawan ko sa kama gawa ng paglakas kong umiyak “kain na irish” sigaw ni kayven pero di ako sumasagot dahil paos na ang boses ko kakaiyak. Naka alis na den si akisha nung isang araw pa, ang sabi niya iuupdate niya daw ako sana nga gawin niya. Pinuntahan ako ni kayven sa kwarto dala dala niya ang pagkaing niluto niya mukhang masarap pero wala akong gana kumain kaya pagka alis niya sa kwarto tinabi ko nalang muna yun sa malapit na lamesa dito. Ilang oras den siguro ang naka lipas wala akong ginawa kundi manood at umiyak ano ba nangyayari saken “irish may nag hahanap sayo” tawag saken ni kayven kaya tumayo ako at binuksan yung pinto sa front door “hi anak.. ang laki mo na.” bumungad saken si papa umiba na ang itsura niya humaba na ang buhok niya at nagkaroon naden siya ng balbas. Isasara kona sana yung pinto kaso pinigilan niya ako “teka lang anak” antagal na den nun nung tinawag niya akong anak kaso wala ng epekto saken ang salitang yun ngayun “bakit kaba pumunta dito?” tanong ko habang di tumitingin sakaniya “nakonsensya na ako sa ginawa ko sainyo dati ng nanay at ate mo.sorry anak kung ganun ang inasta ko dati, di ko sinasadya yun di ko naman ginusto na mag hiwalay kame ng nanay mo” tinitigan ko siya bago mag salita “bakit di mo sinabi yan bago kami umalis dati?” nangingilid na ang luha sa mga mata niya pero di ko pinapansin yun “hindi ko alam kung paano ko sasabihin yun sainyo nak pasensya na, di ko talaga ginusto yun. Nasan nanay mo? Ate mo?” bigla akong nawala sa mood pagkatapos niya tanungin yun “si mama? She passed away after 3 years namin sa bahay na nilipatan namin” sinaraduhan ko siya ng pinto at dumiretso sa kwarto tinawag ako ni kayven pero di ko siya pinansin at dere deretso akong pumunta sa kwarto. Dun ako umiyak ulit kaninang umaga kopa di binubuksan ang cp ko kahit tumawag si denver di ko pinapansin ang tawag non at di ko den pinapansin ang tawag ni akisha.
THEO’S POV
Im in the airport waiting for my flight. Sinabe kona goodbye ko kay irish. And mukhang makaka sama ko si irish sa states ang weird lang kasi kasama ko yung bestfriend ng girlfriend ko pero di ko kasama yung girlfriend ko. i hope she wont overthink.kaya niya naman siguro? Papaalis palang ako kanina pero parang gusto kona bumalik sa bahay namin kaso walang atrasan need ko na umalis. Nasa eroplano na ako ng may biglang umiyak na bata tinignan ko siya and I made faces baka sakaling tumahan siya. Nagtagumpay naman ako nagpasalamat den saken yung nanay nung bata saakin. Pagkadating ko kela mama tinuro nila ako sa kwarto ko at dumiretso naman ako dun di na nila ako inabala pagkatapos non. Tinatry ko tawagan si irish kaso walang sumasagot, tinawagan kona den yung iba nilang kaibigan kaso di den daw sila sinasagot ni irish nasan na kaya yun?? Di ko namamalayan nakatulog na pala ako. Ginising ako ni mommy dahil may pupuntahan daw kame “anak sabay kana samin” sabi ni daddy “wag na po. Mag dr-drive nalang ako thank you” sagot ko habang naka ngiti sakanila. Ilang oras den bago ako matapos mag ayos. Kinuha kona ang susi ng kotse ko at lumakad na sa garahe “kuya pabukas po nung gate salamat” agad siyang nag lakad sa gate at binuksan yun kaya sumakay na ako sa kotse ko at binuksan ang makena ng kotse. Sobrang lakas ng ulan at di kona Makita ang daan. Ilaw lang ng mga kotse ang nakikita ko di ko namamalayan na may kotse na pala sa truck ko.
“KUYA OKAY KALANG?”
“CAR ACCIDENT”
“ANO NANYARI?”
Sari sariling sila ng salita pero di ko maintindihan yun hanggang sa pumikit na ng tuluyan ang mata ko at wala na akong marinig
“traumatic head injury ang nangyari sakaniya ms, possibleng di niya kayo maalala pero di naten maisisgurado yan. Depende kung makikilala pa nila kayo” rinig ko na sa palagay ko ang doctor yun. Narinig ko den ang biglang pag hagulgul ng isang babae di ko lang matukoy kung sino yon. Di ko muna minulat ang mga mata ko dahil di kopa kaya at ayoko ren imulat. Took them a while bago nila maisip na umalis dun ko lang naimulat ang mata ko pinagmasdan ko ang paligid ko puro puti lang ang nakikitang kong kulay wala ng ibang kulay na makikita. Halata namang naka ospital ako kulay palang ng pader putting puti na kinapa ko cp ko nakita ko yun sa tabe ng table na malapit sa kamang hinihigaan ko ngayun pagkatingin ko.
’48 miss calls from irish jane’
‘54 messages from irish jane’
Ayun agad ang bumungad saken kinapa ko ang ulo ko may bandage yun. Binuksan ko ang message ng “irish jane” na pangalan
From irish:
Hi, kamusta kayo dyan ni tita?
From irish:
Goodmorning! Di ka nag update kagabi tinry kita tawagan kaso di ka sumasagot
From irish:
H! k0yA HAHAHAHAHAH nasan ka ngayun?
From irish:
Time check! 4:50 pm
Masyado siyang madaming message kaya di kona Makita yung iba sa taas naisipan ko na den siyang replyan
From me:
Hi? Wrong send kaba? Sorry di kasi kita kilala.
Ilang minute den bago ko nakuha ang reply niya
From irish:
Wag mo nga ako lokohin denver bad trip ako ngayun!
Lokohin? Ha? Di ko nga siya kilala eh
From me:
Huh? Ikaw lolokohin ko? ms im sorry pero di talaga kita kilala atsaka paano mo nalaman ang pangalan ko?
From irish:
Di mo talaga ako kilala? Gf mo toh denver.
Gf? Ko siya? Di ko maalala na may gf ako
From me:
Im sorry but I have to go. Baka na wrong send ka check mo pangalan ng minemessage mo bago mo sabihing gf kita thanks.
Weird girl.
IRISH’S POV….
Isang araw na di nag uupdate saken si denver. Di ko den ineexpect na makakalimutan niya ako eh isang araw palang siya dun dba?bakit kaya? Biglang nag ring cp ko kaya kinuha ko yun at sinagot
“Tita emelda calling….”
Mommy ni denver toh bakit kaya tumtawag saken toh? “hello po tita bakit po?” “[iha naaksidente si denver.]” “ha? Bakit po ano pong nangyari?” “[alamin mo nalang ayoko mag explain]” may pagkamaldita sa tono ng boses niya kaya medyo nairita ako. Pero nagka memory loss ba si denver kaya di niya ako maalala? Tinawagan ko si akisha para maka kuha ng information “[oh irish bat napa tawag ka?] “itatanong ko sana ano nangyari kay denver?” “[car accident bes, binisita ko siya sa hospital kanina sabe ng doctor traumatic head injury daw ang nangyari kay denver and that cause him to not remember anything.] “sige thank you may gagawin lang ako” buong akala ko nag bibiro lang siya kanina nung chinat niya ako kaso hindi pala. Kelan niya makukuha ang memory niya? Nag aalala ako sakaniya na baka may ipakilalang iba sila tita dahil ayaw nila saken kaya kinnukuha nila tong pagkakataon na toh para kumuha ng ibang babaeng maganda at mayaman katulad nila.
AKISHA’S POV
Lagot.. mukhang si denver nga ang makaka partner ko sa trabaho ano sasabihin ko kay irish ngayun? Wala pa namang kilala si denver na irish. “anak! Tara puntahan na naten si denver sa hospital” “susunod na po ako ma teka lang po” bibisitahin ulit naming si denver ngayun dahil gusto padalhan nila mama ng pagkain si denver. Naka dating na kames a hospital ng pinatabi ako ni maam sa upuan malapit kay denver “denver anak bagay kayo ni akisha” nagulat ako ng biglang mag salita si tita emelda tinignan naman ako ni denver na naka ngiti nailing ako kaya tumayo muna ako “ah ma,tita,tito, pa aalis po muna ako lalakad lakad lang po” umoo naman sila at lumakad na ako palabas ilang oras den akong nasa labas bago ko maisipang bumili muna ng pagkain dahil nagugutom na ako kaya lumabas muna ako sa garden area nila at bumili dun kaya pag pasok ko sa bilihan ng pagkain tinignan ko agad ang mga pwede kainin para naman icheck kung ano ang gusto ko. nakita kodon ang ice cream! Kaso biglang tumawag si tita saken na bumalik na daw ako sa kwarto kaya di natuloy ang pag bili ko ng pagkain sa bilihan. Ilang minute den bago ako maka rating sa kwarto ni denver ng bigla akong hinatak ni tita sa gilid “po tita bakit po?” “iha ikaw nalang kaya maging girlfriend ni denver?” “po? Eh diba gf niya si irish…” umiling siya at hinatak ako paloob ng kwarto “denver anak. Alam mo ba na si akisha ang gf mo?” “may gf ako ma?” “oo anak” “ilang months na po kami?” narinig ko ang convo nila ni tita kaso umiilimg ako habang naka titig kay denver kaso parang di niya nagegets ang sinasabe ko bumulong ako kay tita “tita baka po magalit saken si irish ayoko po” ngumiti lang saken si tita at di ako sinagot sa sinabe ko umiiling paren ako habang naka titig kay denver kaso wala talaga. Ilang araw den bago pinayagan ng doctor si denver na umalis na sa hospital. Naiilang ako tuwing magkalapit kami dahil parang nag sisinungaling naden ako sa bestfriend ko. “hi aki! I bought us food!” parang bata si denver na gentleman alam nyo na siguro sinasabe ko oo “ah eh.. di pa ako gutom” “gutom kana aki. Take a sit” he pulled a chair for me para maka upo ako. “say ahh” sabe niya saken sinunod ko naman yun at sinubo niya saken ang fork na may takoyaki. “bad moo kaba? Do you want me to buy you clothes?” tanong niya saken na ikinagulat ko. seryoso ka?! Di ko nga alam bat siya naniniwalang gf niya ako eh. “wag na okay lang ako, excuse me for a minute may tatawagan lang ako” tumanggo nalang siya at tumayo na ako para tawagan si irish “[hi aga mo naman tumawag?]” “irish pinakilala akong gf ni tita emelda kay denver.” “[ohh.. okay lang akisha HAHAHAHAH]” “huy.. wag ka sana mag tampo saken” di na ako naka rinig ng reply kay irish binaba niya na agad ano kaya nangyari dun? Bumalik na ako sa table namin ni denver “kain na tayo” aya ko kaya nag nod nalang siya at sumubo na sa takoyaki.
IRISH’S POV
Yes. Tama ako pinakilala na siya ni tita emelda as gf ni denver. Tumingin ako kay kayven na ngayun ay nag luluto na. nag scroll muna ako sa cp para idistract sarili ko gumana naman siguro. “kain na!!” tawag saken ni kayven kaya nag madali ako sa table di naman siguro halatang pg ako noh hehe. “ano balita mo kay denver at akisha?” “pinakilalang gf ni tita emelda si akisha kay denver.” “okay lang sayo?” “oo naman bestfriend ko naman yun atsaka wala namang alam si denver saken kasi di na niya ako kilala” umoo nalang siya at pinag patuloy ang pagkain. After naming kumain tuwing gabi lagi kaming tumatambay sa labas para magpahangin at mag usap . nagiging close na kami ni kayven actually mas close pa sa close. “ikaw kayven? Paano mo matatanggal yung curse mo?” “pag natulungan kita sa problema mo kay denver, pero pag di ko nagawa yun di na ako makaka alis dito” tinitigan ko siya na may malungkot na mata paano niya kaya nakaya maligaw tapos may need pa siyang harapin para maka alis. Hirap siguro ng ginagawa niya noh? “di kaba napapagod?” “hindi naman” naawa ako kay kayven dahil andami na niyang pinag daanan dumagdag pa yung curse sa katawan niya hayst.
5 years later….
IRISH’S POV
Naka uwi na si denver from states same with akisha. Sa tagal ko silang inintay pagka kita ko sakanila they both look so happy together magka yakap pa and nakita ko den paano ngumiti si denver tila bang ang saya saya na niya kay akisha. And yes nakipag friendship over na saken si akisha pagkatapos niyang sabihin saken na sila na ni denver dahil nakita niya yung good side ni denver. “irish!!” tawag saken ni mama “Po?” tinignan ako ni denver na para bang may naalala siya pinaupo niya muna si akisha sa tabe at lumapit saken hinila niya ako palabas ng gate. “ irish?” “yes, why?” mag sasalita na den sana siya ng biglang dumating si akisha “ano ginagawa nyo?” tanong niya samen nakikita ko kung paano nahihilo si denver “im getting it” sabi niya sabay tingen ng masama kay akisha “ginamit mo ang memory loss ko para makuha ako kay irish diba?” tanong niya kay akisha na ikinagulat naming parehas “n-no? what do you mean sino ba si irish ha?” umikot pa mata niya “yes kilala mo si irish. Ex bestfriend mo na iniwan mo dahil gusto mo na ako. Im sorry akisha but all this time I knew what was going on, kayven helped me.” Lumitaw bigla si kayven at nag thanks si denver kay kayven teka nga ha?! Natulungan na niya ako kay denver which means wala na ang curse niya diba?? “keep on acting inosente akisha. Alam ko naman lahat ng nangyari kasi lagi akong nakasunod kay irish di mo lang ako nakikita” sagot naman ni kayven kay akisha at agad na nainis si akisha nag high five pa nga si denver at kayven eh “what? Di ko inaagaw si denver kay irish kasi una palang may pag tingin naman na saken si denver dba?!” “hm? Who said may gusto ako sayo dati?” she rolled her eyes then left. Natawa ako sa ginagawa nila karma hits. “we can still continue us irish pabayaan mo na si akisha” napa ngiti naman ako sa sinabe niya “as friends nga lang..joke” hinampas ko siya sa kamay niya at umaray naman siya habang natatawa. Sinabe niya na den sa parents niya yun and you know what?! They started liking me na !! few months after non chinat ako ni akisha
From akisha:
Hi.. im sorry sa ginawa ko sayo dati na inangkin ko si denver and I said na di kita kilala sorry na nainggit ako sayo sa relation nyo ni denver! Forgive me please? Want kona ibalik yung bestfriends na kilala nila dati?”
From me:
Apology accepted, tara labas isama naten si denver at kayven g kaba?
From akisha:
G na g!
And after non wala na kaming ginawang apat kundi gumala every weekends. Nililigawan naden ni kayven si akisha kahit di niya binalak dati choz yes they started liking eachother na and im happy for them! The best quadro for me.