Willow P.O.V.
Kasalukuyan kaming nag lalaba ng mga damit namin ni Jace dito sa balon, Kanina pa ito tahimik at parang may bumabagabag dito
“Huwag mong sabihing iniisip mo pa din ang kobra?” pabiro kong tanong kay Jace
“Hindi ah” Depensa nito “May gusto sana akong itanong sayo” Sabi niya, tumingin ako sa mga ata nito
“Ano iyon?” tanong ko naman dito, nagtataka ako kung ano ang gusto nitong itanong at bumagabag sa kanya
“may Idea kaba kung ano ang US Airforce 24th Special Tactics Squadron?” Tanong nito, Natigilan naman ako sa aking ginagawa ng marinig mula sa kanyang bibig ang grupo ng isa sa mga Special Forces ng US. At tulad namin sa Delta Force ay under din ito sa command ng JSOC o Joint Special Operation Command, Seryoso akong tumitig sa mga mata nito
“Bakit mo naitanog?” Seryoso kong tanong sa kanya
“Bigla kasing lumitaw sa aking balintataw ang Pangalang iyan, nakita ko din ang sarili kong naka uniporme ng pang militar at Montalban ang naka lagay sa aking nametape” Sabi nito, naka titig padin ako sa mukha nito, kung gayon ay isa din itong myembro ng isa sa mga US Special Forces? Tanong ko sa aking isip “Hayaan mo na baka wala lang iyon” Sabi nito ng hindi ako sumagot, tumalikod ito sa akin at humakbang palayo
“Sila ang mga Airforce Elite” Sabi ko , bigla itong tumigil sa paghakbang at humarap sa akin “Ang US Airforce 24th Special Tactics Squadron ay isa sa mga Special Forces ng United States under ng Command ng JSOC” Pahayag ko dito
“JSOC?” Taka niyang tanong
“Joint Special Operation Command” Sagot ko
“Military?” tanong nito
“No, They are ELITES, they are working under the Government, and all of them were been from the Military” Sagot ko dito, tumahimik ito at parang nag iisip, maya maya ay tumalikod na ito at umalis, kung isang myembro ito ng US Airfoce 24th Special Tactics Squadron ay may chansang makasama ko ito sa isang mission. Halos mapa talong ako mula sa aking kinanauupuan ng may nagsalita mula sa aking likuran, agad na lumingon ako dito
“Seems like you're in a thought” tanong ng isa sa mga kasamahan ko na si Jason
“Jason? What matters brought you here?” Taka kong tanong sa kanya hindi naman nito ugaling bisitahin ako, medjo may kalayuan ang kubo nito mula sa amin at may malapit din na bubon sa kubo nila
“George is the matter” Sagot nito
“Why?” tanong ko dito
“He wanted you to be in his hutt this afternoon, he'll be discussing new plans to finish our mission nextweek” Pahayag nito, kung gayon ay next week na din pala ang balik namin sa amerika, sabi ko sa aking isip, nakaramdam ako ng lungkot sa balitang hatid ni Jason, Hindi ko maaring iwan si Jace dito ng mag isa,
“I'll be there later” pagsisisguro sa kanya
“ok, I'll better go now before your boyfriend end up murdering me” sabi nito habang naka titig sa aking likuran, lumingon ako at sinundan ang titig nito, nakita ko ang mga mata ni Jace na puno ng galit habg titig na titig kay Jason, ngumiti ako kay jason at umango, agad naman itong umalis, bumalik naman ako sa paglalaba. Tanghali na nang matapos ako sa aking aming mga labahin, nang maka uwi ay nalanghap ko ang niluto ni Jace na pinakbet, palagi akong nillulutuan nito dati ng aming yaya noong nabubuhay pa ang aking ama, agad akong naka ramdam ng gutom, nguiti ito sa akin
“Tamang tama, handa na ang pagkain” sabi nito habang naka ngiti “kain na tayo” Aya nito sa akin, ngumiti ako at umupo sa bakanteng silya “Pasensya kana kanina ha? May iniisip lang kasi ako” Pag hihingi nito ng paumanhin sa nangyari kanina
“Wala iyon” iyon loamang ang tanging naisagot ko dahil sa gutom na nararamdaman ko.
“Ang sarap ng luto mo” pagpupuri sa niluto nitong pagkain, tatlong plato ba naman ang naubos kong kanin, ngumiti lang ito sa akin. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga kami sa ilalim ng puno ng mangga.
“Gusto ko nang bumalik ang aking mga alala” malungkot niyang sabi, nakaramdam ako ng awa para dito
“malapit mo nang maalala jace, hindi ba at may biglang lumitaw na mga alala sa iyong isip? Indikasyon iyan na malapit mo nang maalala ang lahat” Nakangiti kong sabi sa kanya, naka rakamdam ako ng kalungkutan, alam kong kakalimutan na ako ng lalaking ito kapag bumalik na ang kanyang mga alaala, isnag mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi
“Napagod kaba sa paglalaba?” Tanong nito sa akin
“Hindi naman, nagka sugat sugat lang ang aking mga daliri sa kakakusot kanina” Sabi ko habang tinitingnan ang aking mga kamay na inilapag ko sa aking dalawag binti, kinuha nito ang aking kanang kamay at sinuri ang mga siugat
“Masakit ba?” Pag aalala nitong tanong hinihimas ang mga namamagang sugat sa aking daliri gamit ang hinlalaki nito
“Hindi naman masyado” Sagot ko dito habang naka ngiti. Nabigla kami ni Jace ng may biglang nagsalita sa aming likuran
“Mawalang galang na ho” Sabi ng isang hindi pamilyar na boses, Sabay kaming napatayo ni Jace, agad na binunot ang ko aking swiis knife at humarap sa lalaki, inihahanda ang sarili sa kong ano mang pwedeng mangyari, nararamdaman kong ganoon si ang ginagawa ni Jace, napatitig ang lalaki sa mukha ni Jace sa parang nabigla, maya maya ay itinaas nito ang kanyang dalawang kamay sa ere
“Wala ho akong masamang intensyon, magtatanong lang ho sana ako kong anong lugar ito, napadpad po kasi ako dito dahil naubusan ng gas ang aking motor boat” Sabi ng lalaki
“Ano ang pangalan mo?” Tanong ni Jace dito
“joseph Fernandez” Sagot ng lalaki, pumasok ako sa loob ng kubo at kinuha ang isang galon ng gas at ibinigay sa lalaki
“eto po sir, gamitin mo, nasa isang pribadong isla ka sa parte ng Aurora” Sabi ko sa kanya habang inanabot dito ang isang galon ng gas “kasya na po iyan pa puntang mainland
“naku mam, maraming salamat po” pagpapasalamat nito sa akin, ngumiti lang ako dito, nang maka alis na ang lalaki ay nakita kom si Jace na nakatitig sa kawalan, parang malalim ang iniisip nito
“Jace?” Tawag ko sa kanya
“;Ang lalaking iyon, Pamilyar siya sa akin” Sabi ni Jace habnag pilit na inaalala kung saan iya nakilala ang lalakia, hinayaan ko na lamang ito at pumasok na sa loob ng kubo
Nang sumapit ang ala una ng hapon ay nag paalam ako kay Jace na pupunta sa bahay ni George at may mahalagang bagay kaming pag uusapan, tumango lang ito at na nagtanong, busy pa din ito sa pag iisip. Habang naglalakad ay naalala ko ang lalaki kania, hindi ko nakaligtaan ang pagka bigla nito ng makita si Jace, pamilyar din ito kay Jace, Marahil ay magkakilala silang dalawa, sadyang hindi lang makakaalala si Jace dahil nawalan ito ng kmemorya
“You're in a deep thought again” Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran
“you realy have a habbit of startling me” Reklamo ko kay Jason
“Did I? I am talking here behind you for a couple of minutes already yet you have'nt answered me” Reklamo din ito sa akin, Napaisip ako, wala naman akong narinig na nagsasaliota mula sa aking likuran kanina, sabi ko sa aking isip, nagpatuloy ako sa paglalakad, sumunod naman si Jason sa akin
“you have no Idea who's that man with you, don't you” Biglang tanong ni Jason sa akin
“No, he lost his memory, how can he introduce himself to me” Pilosopo kong sagot kay Jason
“He's one of the Air Force's Elite, a member of US Airforce 24th special tactics squadron” Pahayag ni Jason, napa tigil ako sa paglalakad, kung gayon ay totoo ng na isa itong myembro ng isa sa US special forces,
“Do you know him?” Tanong ko sa kanya habang nakatititg sa mga mata nito
“Yes, his name is ARIES MONTALBAN, we got acquainted once, we're friends with his cousin Eros Montalban back when we're still in the US Navy together with Andrei, Eros invited us for a family party and there I met him (ARIES), his the son of a Billionaire here in the philippines” Mahabang pahayag nito
“you shoul have told me this” Inis kong sabi kay Jason
“I haven't seen him, until this morning, I was surprise seeing him lately while you're busy doing the laundry, then I remembered about the man you rescued months ago from the sea, I want to approach him lately, but then I remember what you've said about him losing his memory” Pahayag ni Jason “besides how can I approach a man who gives me murderous stare out of jealousy?” pilyo niyang sabi, naalala ko tuloy kung paano ito binigyan ng matatalim na tingin ni Aries kaninang umaga
“Does Andrei knew about this?” Tanong ko, kung mag kasama si Jason at Andrei sa family party ng Montalban sa US ay marahil kilala din ni Andrei si Aries, ngunit bakit niya kaylangang ilihim sa akin ito? Taka kong tanong sa aking sarili
“No, They haven't met, because he was too busy ogling Aries's sister” Seryoso nitong sagot
“really?” hindi makapaniwala na tanong ko dito, si Andrei may gusto sa kapatid ni Areis? tanong ko sa aking isip, palihim akong natawa
“I can sense that you already attached to him” Sabi niya habang nag lalakad kami
“And?” Tanong ko naman
“You see, that man you rescued has a record of being the “Ultimate playboy”, well not just him, his brothers and cousins have that record too” Seryoso niyang sabi “a piece of advice willow, if you don't want your heart to get broken then raised your guard” Payo nito sa akin at agad akong nilagpasan, naiwan akong nangmamanhid sa aking kinatatayuan, hindi makapaniwala sa mga nalama, Ultimate Playboy, Billionaure, marahil ay maraming mga babae ang nagkakagusto dito, magaganda at sexy baka nga wala pa ako sa kalingkingan nila, natawa akon sa sarili. Wala sa isip kong tinungo ang bahay ni Manang Belinda
“Iha? Parang ang lalim ng iniisip mo?” Pag aalala nitong tanong sa akin “May problema kaba?” dag dag nito
“May iniisip lang po” Sabi ko dito at naupo sa may bakanteng upuan
“Nag away ba kayo ng boyfriend mo?” tanong nito sa akin
“Naisip ang magulang ko” pagsisisnungaling ko kay manang belinda
“Nasa Spain ba sila ngayon iha?” Tanong nito
“Patay na po ang aking ama manang” Sabi ko sa kanya
“e, ang iyong ina iha? Nasaan na?” tanong nito, habang nagtutupi ng mga nilabhan nito
“hindi ko po siya nakilala manang, bata palang ako ay iniwan nya ako kay daddy, ang alam ko lang ay isa siyang pilipina” Malungkot kong sabi, hindi man lang naalala ang pangalan nito
“talaga? Bakit hindi mo siya subukang hanapin iha?” tanong nito, masarap pala sa pakiramdam nang may masasabihan ka sa mga dinadala mong bigat sa dibdib, nang may nakikinig sayo.
“Baka po kasi ayaw niya akong makita , kaya nga siguro iniwan niya ako kay daddy” sagot ko sa kanya
“Iha? May rason kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay, kung iniwan ka ng mommy mo sa iyong ama, marahil ay may mabigat itong rason kung bakit niya nagawa iyon, walang magulang ang gustong mawalay sa kanyang anak” Seryosong sabi ni manang belinda, ngumiti lamang ako dito, Biglang naalala ko ang meeting namin sa kubo ni George, agad na tumayo ako at nag paalam kay manang.
Habang naglalakad ay naisip ko ang sinabi ni manang belinda, walang ina ang gustong mawalay sa kanyang anak, sususbukan kong hanapin ang aking ina pag magkaroon ng tyempo, ngunit papaano? Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, tanging litrato lamang ng aking ina ang mayroon ako, pangalawang beses ko nang balik dito sa pilipinas ngunit hindi sumagi sa isip ko ang hanapin ito, pareho kasing mission ang dahilan kaya ako maka punta dito. Nang makarating ako sa kubo ni George ay nandoroon na silang lahat, tila ako na lamang ang hinihintay
“What took you so long?” Reklamo ni George sa akin
“I had a conversation with manang Belinda for awhile” Pagrarason ko dito, tinitigan ako nito bago magsimulang mag discuss ng plano aupang mahuli ang pinuno ng Mafia group.
“Are we clear?” Tanong ni George nang matapos itong mag discuss ng plano
“Yes sir” sigaw namin lahat, at isa isa na kaming nagsilabasan sa kubo. Habang naglalakd pauwi ay may biglang sumulpot na lalaki sa aking harapan, agad kong inilabas ang aking swissknife at umatras nang bahagya, sinuri ang itsura ng lalaki, ito ang lalaki kanina
“Ako si Joseph Fernandez, isa akong detective, matagal nang pinaghahanap ng pamilya noiya si Aries, gusto kong tanungin ka kung bakit hindi niya ako maalala?” Tanong nito sa akin, bumuntong hininga ako
“Nawala ang alaala niya, nakita ko siyang palutang lutang sa dagat tatlong buwan na ang nakakaraan, maraming tama ng baril sa buo niyang katawan” Sagot ko dito, tumahimik ito at tila nag iisip sa kung ano ang sasabihin “papuntahin mo ang pamilya niya dito at ipakuha siya” Sabi ko sa lalaki at nilagpasan ito, hindi naman ito sumunod sa akin, deretso akong naglakad pa uwi ng kubo at naupo sa upuan sa ilalim ng mangga, ipinikit ko ang aking mga mata at sinandal ang ulo sa uluhan ng upuan
“Are you ok?” Tanong ng isang pamilyar na boses sa aking likuran, nag mulat ako ng mata at nakita ang mukha ni Andrei na nakatitig sa akin. “what are you planning to do now?” Tanong nito sa akin, malamang ay alam na nito ang tungkol sa pagkato ni Jace
“I don't know” Sagot ko dito, gusto ko nanag umiyak ngunit pinipigilan ko lamang ang aking mga luha dahil ayaw kong kaawaan ng kahit na sino
“how about turning him over to the authority, you go back to states and have a vication, enjoy yourselnf until you forget him” Suhestyon nito sa akin, ramdam kong nag aalala ito sa akin
“But we're still on mission”sagot ko kay Andrei
“we can do it willow, there's no way you can focuse on a mission having a broken heart syndrome” Sabi pa nito
“No, I will finish the mission” sagot ko dito, hindi pwedeng hindi ko matatapos ang mission na ito
“I'm just giving you advice” Nakangiting sabi nito, lumabas ang dimples nito sa pisngi, tumingin ako sa kulay bughaw nitong mga mata nito na kasing kulay ng malalim na dagat, kaya pala maraming nahuhumaling na babae dito, naalala ko ang sinabi ni Jason
“So, you're inlove with Aries's sister” Pilyo kong tanong sa kanya, natigiklan ito sa tanong ko
“where do you get that info?” Taka nitong tanong sa akin
“A litlle birdie gave me that info” naka ngisi kong sagot ko sa kanya “do you wanna see her?” Tanong ko sa kanya
“ofcourse, but he dislikes me” Maungkot nitong sabi
“how can you tell” tanong ko dito
“he hated me back when we first met” mapait na sagot nito sa akin, halatang inaaalala ang mga nangyari noong unang pagkikita nila.ng kapatid ni Aries
“She'll probably be here tommorow” masaya kong sagot dito
'Really?”biglang lumiwanag ang mukha nito
“yes, they'll gonna fetch him” malungkot kong sabi dito
“are you ok with that?” nag aalalang tanong nito sa akin
“do I have a choice?” tanong ko dito, pilit itong ngumiti sa akin. Maya maya ay nag paalam na ito. Pumasok ako sa kubo at nadatnan ang galit na mukha ni Jace, ano na naman kayang nangyari dito?, tanong ko sa aking isip,
“Kumain kana” Galit nitong sabi at pumasok sa loob ng kwarto, minsan talaga ay hindi ko maintndihan ang lalaking iyon, topakin, sabi ko sa aking isip, sinundan ko ito sa loob ng kwarto
“ano bang ikinagalit mo Jace?, hindi na kita maintindihan” Reklamo ko dito, matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin, nakakakilabot ang mga titig nito, dahan dahan itong humakbang papalapit sa akin, napaatras naman ako sa takot, hanggang sa bumangga ang aking likod sa ding ding ng kubo, yumuko si Jace upang maging level ang mukha namin, masakit parin ang tingin na ibinibigay nito sa akin
“Bakit mo hinahahayaan na landiin ka ng Andrei na iyon?” galit na tanong nito
“nag u-usap lang naman kami” Nanginginig na sagot ko
“nagtatawanan kayo, bakit sobrang saya mo sa tuwing nakakausap mo ang lalaking iyon?” Tanong nito sa akin, kung titingnan ay mukha itong nag seselos
“Nagseselos kaba?” wala sa isip na tanong ko dito, I mentaly slap my head for asking nonsense question
“Oo, nagseselos ako” inis na sabi nito, nabigla naman ako sa narinig “Dahil gusto ko akin kalang, akin lang!” matigas nitong sabi sa akin at walang pasabing inangkin ang aking mga labi, napaka agresibo ang paraang ng paghalik nito, pakiramdam ko ay nagkakasugat sugat na ang aking mga labi, para akong pinaparuhan nito sa ginawa kong kasalanan. Mayamaya ay naging banayad din ang pag halik nito, dahil unang beses ko pang makaranas ng hlik ay hindi ko alam ang gagawin, sinunod ko na lamang ang ritmo nito, bigla akong nakaramdam ng panginginig sa aking tunod at pakiramdam ko ay para akong malulunod sa mga halik niya, napakapit ako sa leeg nito dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang aking katawan.
“Mmmhhhmm” Napaungol ako nang biglang pasukin ng kanyang dila ang loob ng bunganga ko. Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam ng isang halik, edi sana araw araw nalang kitang hinalikan, sabi ko sa aking isip