4

2478 Words
Aries P.O.V. "Hindi mas gwapo pa si andrie sayo" Iritang sagot ni willow sa akin, bigla naman akong naka ramdam ng inis pagka rinig ko ng pangalan ng ibang lalaki mula sa bibig niya "Sinong Andrie" Seryoso kong tanong sa kanya, Baka boyfriend nya, sabi ng aking isip, agad akong naka ramdam ng panghihinayang sa isiping iyon "Kasamahan ko dito sa isla, malayo nga lang ang bahay niya dito" Sagot ni nito sa pagitan ng pag nguya, kasamahan sa isla? tanong ko sa aking isip, wala na akong nakitang ibang taong naninirihan dito bukod kay manag Belinda "Kasamahan o boyfriend mo?" Wala sa isip kong tanong sa kanya, nagtataka ito habang tumititig sa akin, parang gusto kong kutusan ang sarili dahil sa naitanong ko dito, nagmumukha tuloy akong desperado "He's my good friend" Sagot nito sa akin gamit ang ingles na lenguahe ng may perpektong accent,, tumitig ako dito. Parang lumuwag naman ang aking pakiramdam ng marinig ang sinabi nito, buti naman kong ganon, sabi ko sa aking isip, nagtataka naman ako sa pagiging bitter ko ngayong araw, di kaya ay may gusto na ako dito? Tanong ko sa aking isip, kong may gusto man ako kay willow ay kaylangan ko pa din itong pigilan, hindi ko pa alam ang tunay na pagkatao ko, baka may asawa at mga anak na ako na naghihintay sa pagbalok ko, huminga ako ng malalim, kaylangan kong iwasan ang babaeng ito, sabi ko sa sarili. Nang matapos kumain ay nagdesisyon akong maligo at agad na nahiga sa kama upang matulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising, nagtungo ako sa hardin upang pumitas ng mga gulay para sa agahan namin. Nang maka balik ako sa kubo ay gising na si Willow "Ang aga mong gumising a" Tanong nito sa akin "Maaga kasi akong naka tulog kagabi" Seryoso kong sagot sa kanya, hindi ko ito tinapunan ng tingin, isa isa kong nilapag ang mga pinitas kong prutas at gulay sa hardin sa mesa, lumapit ito sa kinatatayuan ko upang kunin amg sayote , agad akong humakbang papalayo dito, nagtataka naman ito habang naka tingin sa akin, umupo siya sa upuan habang binalatan ang sayote, ng di sinasadyang nahagip ng kanyang braso ang pinggan na pag lalagyan sana ng nabalatan ng sayote at nahulog sa sahig, agad akong nakaramdam ng inis at hindi sinasadyang masigawan ito " Ako nalang kasi dito, hindi ko naman kaylangan ng tulong mo" Sigaw ko dito, nabigla ito sa aking inasta, kahit ako ay nabigla din sa ginawa ko, plano kong umiwas dito ngunit ang sigawan ito ay wala sa aking isip, pagalit niyang inilapag ang sayote at kutsilyo sa mesa , tumalikod ito at deretsong lumabas ng kubo, gustong sapakin ang sarili. dahil sa kagustohan kong iwasan ito at nang di na lumala pa ang nararamdaman ko para dito di sinasadyang nasigawan ko ito, hindi ko maiwasang maka ramdam ng galit para sa sarili ko, Ipinagpatuloy ko ang pagluluto ng pagkain namin at nang matapos ay sinubukan kong hanapin si willow sa labas ng kubo upang ayain itong kumain at nang maka pag hingi na din ng paumanhin sa inasta ko kanina, ngunit na dismaya ako nang hindi ko ito matagpuan sa paligid ng kubo, sinubukan hanapin ito sa poso ngunit wala din ito doon, saan kaya siya nag punta? tanong ko sa aking isip, naalala ko si manang Belinda, agad akong nag tungo sa kubo nito "Manang Belinda?" Tawag ko kay manang nang maka rating ako sa kanyang kubo "Iho? napa dalaw ka?" tanong nito sa akin habang hawak hawak ang mug na may lamang kape "Mag tatanong lang po sana kung nandito po si willow?" tanong sa kanya "dumaan siya kanina dito, mukhang patungo iyon sa kubo ni Andrie" Sagot ni manang, bigka akong nakaramdam ng inis ng marinig ang pangalan ni Andrei "maaari po bang malaman kung saan matatagpuan ang ang kubo ni Andrie" tanong ko dito, pilit na kinakalma ang sarili, agad naman nitong tnuro ang direction patungo sa bahay ni Andrei, "Ang pinaka unang kubo jan ay pag aari ni Andrie" Sabi niya, nagpasalamat ako dito at agad na umalis upang magtungo sa kubo ng lalaking kinaiinisan ko. Nang maka rating ako sa kubo nito ay nakita kong nagtatawan nilang dalawa no willow habang naka upo sa labas ng kubo na mas lalo ko pang ikinainis, napajuyom ako ng kamao, plano ko sanang sapakin si Andrei ngayon sa harap mismo ni willow ngunit naalala kong may kasalanan pa ako dito, pilit kong kinalma ang sarili bago ako lumapit sa kinaroroonan nila "Willow?" Tawag ko sa kanya, lumingon ito sa akin at nang mapagtanto ang kung sino ako ay biglang sumeryoso ang mukha nito "Kakain na tayo" pag aaya ko dito, hindi ito sumagot at may ibinulong pa ito kay Andrie, ngumiti naman ang lalaki sa kanya, nakatayo lang ako at bakatingin sa kanila habang pinipigilan ang sariling masapak ang lalami, napansin kong bughaw ang kulay ng mga mata nito at kung titingnan ay mahahalatang hindi ito pinoy, maya maya ay tumayo na si willow at nagsimulang humakbang papalapit sa akin, akala ko ay hihinto ito upang sabay kaming mag lakad ngunit nilagpasan lang ako nito at dere deretsong naglakad pa uwi sa kubo, naka sunod lang ako sa kanya. wala kaming imikan habang naglalakad pa uwi, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Kanina lamang ay gumawa pa ako ng script ng mga sasabihin ko dito ngunit ngayong nasa likuran na ako nito ay tila na dadaga ako at hindi ko man lang maalala ang ininsayo kong script. Nang maka rating kami sa kubo ay agad itong naupo sa harap ng mesa at nang simulang kumain, rahimik lamang ito sa pagkain, tinitigan ang mukha nito, napaganda niya talaga, mangha kong sabi sa aking isip. Nang matapos na itong kumain ay tumayo na ito at nagtungo sa loob ng kwarto, maya maya ay lumabas ito bitbit ang isang laundry basket na puno ng labahin naming dalawa, walang pasabi itong lumabas ng kubo patungo sa kinaroroonan ng balon, hindi ako sanay sa malamig na pakikitungo ni Willow sa sa akin, dali dali kong inubos ang aking pagkain at hinugasan ang aming pinagkainan, nang matapos ay sinundan ko si willow aa balon upang tulungan ito sa pag lalaba, naabutan ko itong naka upo sa isang maliit na bangko habang kinukusot ang mga damit, lumapit ako dito "Willow?" Tawag ko sa kanya, alam kong narinig nya ang aking pag tawag ngunit hindi ito lumingon " Willow I'm sorry, hindi sinasadyang masigawan ka, hindi na mauulit iyon, pangako" Pag hihingi ko ng paumanhinsa kanya, ngunit hindi padin ako nito pinansin at nagpatoy lamang s apagkukusot ng mga damit "Willow please" Pagpapakiusap ko dito "Ano?" sigaw nito sa akin "Sorry na, please" Pagmamakaawa kong sabi kay willow "Kung gusto mong patawarin kita ay umalis ka dito sa balon at bumalik kana sa kubo" Malamig niyang sabi "Willow, gusto kitang tungang mag laba, magtunlungan tayo, hinding hindi na kita sisigawan, promise" sabi ko sa kanya, hindi ito sumagot, s**t ang hirap niyang suyuin, sabi ko sa aking isip "willow?"tawag ko ulit dito, hindi pa din ito sumagot, naupo ako sa isang bakanteng bangko at tinulungan itong mag laba. Nang matapos ako sa pag kusot ng pangalawang damit ay kumapa ako ulit ng damit sa palanggana upang kusutin, di ko inaasahang panty nito ang nakapa ko, bilang nanlaki ang mga mata nito nang makitang panty nya ang hawak ko, agad na mula ang kanyang mukha, aagawin nya na sana ito mu sa pagkakahawak ko ngunit nabigo ito ng mabilis ko inilayo sa kanya, sinamaan ako nito ng tingin, ngumiti ako dito "Ako na ang maglalaba nito" Naka ngisi kong sabi sa kanay, namumula paring ang mukha nito, yumuko siya upang matakopan ang hiyang naramdaman, napangiti ako at nag simula ng kusotin ang panty nito. Halos tatlong buwan na kaming magkasama ni willow sa isang kubo, at naging routine namin ang mag tumlungan sa lahat ng bagay, hindi ko na din ito na sigawan po, araw ko din siyang kinukulit, iniinis at pinapatawa, Aminado akong may nararamdaman na ako para sa dalaga ngunit kaylangan ko munang hintayin na ang aking alaala dahil baka may asawa at anak na ako, nakontento akong nakama ito ng hindi nahahawakan ng kahit saang parte ng katawan nito. minsan ay gustong gusto ko na itong halikan ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili dahil ayaw kong masira kong ano man ang meron sa amin ngayon "Ano ang iniisip mo?" Tanong niya sa akin, magkatabi kami naupo sa upuan sa ilalim ng punong mangga habang nag kakape "Wala, naisip ko lang kong sino ba talaga ako" Sagot ko lamang dito "huwag mo nang pilitin, sasakit na naman iyang ulo mo" Sabi niya, habang ngumunguya ng ubas "Hayaan mo nextweek ay tutungo tayo ng mainland at irereport natin sa mga Awtoridad upang matulungan kang mahanap ang pamilya mo" Sabi nito, sang ayon nan ako sa sinabi nito ngunit may parte sa puso ko na parang natatakot na baka pag nakita nahanap na ako ng pamilya ay hindi ko na makikita ulit si Willow. "Hoy! Tulala kana naman?" pang gugulat nito sa akin, ngumiti ako sa kanya "Ok, pero may hihilingin lang sana ako sayo" sabi ko sa kanya "Ano iyon?" Tanong nito "Pag mahanap na natin ang pamilya ko Maaari bang manatili muna ako dito habang wala pa akong maalala?" Pakiusap kong sabi kay willow "Sure, bakit naman hindi" sagot niya habang naka ngiti sa akon, tumitig ako sa mga mata nito, hindi ko na alam kong makakayanan ko pang umalis sa tabi nito, mahal ko na yata ang babaeng ito. Masaya kaming nag uusap ni willow ng biglang sumulpot ang kina iinisan kong tao " Willow?" Tawag ni Andrei kay Willow "Andrei? what matters brought you here?" tanong ni willow habang naka ngiti dito, agad na uminit ang aking ulo dahil sa lalaking ito, naupo ito sa bakanteng upuan sa harapan ni Willow at ngumiti sa akin, tiningnan ko lamang ito ng masama, mukhang makapal ang pagmumukha ng lalaking ito o sadyang bobo lang, hindi pa talaga nito naintindihan ang masamang tingin na binibigay ko para dito, sabi ko sa aking isip. Masayang nag usap ang dalawa, habang naka upo lamang ako sa tabi ni Willow at nakikinig sa mga pinag usapan nila. nag uusap sila gamit ang salitang Ingles, Nagtataka kung bakit naging bihasa si Willow sa pagsasalita ng lenguaheng Ingles gayong dito lang naman ito naka tira sa isang desolated na isla. Maya maya ay tumigil sila sa pag uusap ng buglang tumahimik si willow at nakatitig lang sa isang malaki na pulang Rosas na kakapamukadkad pa lamang, "Do you want me to get that flower for you?" Landing tanong ni Andrei kay Willow, biglang uminit ang aking ulo "Kaya nyang kunin ang rosas na iyan para sa sarili niya" Inis kong sabi kay Andrei "Just in case she want it, I gladly to pluck it for her" Sabi ni andrei habang naka ngisi, pakiramdam ko ay sinasadya nitong inisin ako, "why would you she want it?" Tanong ko dito "because she's staring at it, you know what? if you want one just tell me and I will get one for you too" Pang iinis nito sa akin "No thanks" matigas kong sabi kay Andre, tumayo ako mula sa kinauupuan at pagalit na nag lakad patungo sa mga kakahuyan sa likurang bahagi nh kubo upang pa kalmahin ang sarili, sumandal ako sa isang isang malaking puno at huminga ng malalim habang naka pikit, biglang lumitaw sa aking ang isang military Helecopter, maraming mga taong naka military uniform sakay ng eroplano, nakita ko ang aking sarili na naka upo sa loob ng eroplano, nakita ko ang nametapes sa magkabilang dibdib, sa kabila ay may naka embroid na USAirforce at sa kabila naman ay A. MONTALBAN, biglang sumabog ang helecopter, Napatalon ako sa mula sa aking kina sasandalan at tumingin sa paligid, s**t anong ibig sabihin nun? tanong ko sa aking isip, isa akong myembro ng US airforce? Montalban? ipinikit ko ulot ang aking mga mata at huminga ng malalim, nakita ko ulit ang aking sarili na nakatayo sa isang opisina na may naka ukit sa ding ding na US AIRFORCE 24TH SPECIAL TACTICS SQUADRON, "Hey?" napatalon ako sa gulat, ng biglang sumulpod at mag salita ang gagong si Andrei "Sinusundan mo ba ako?" Inis kong tanong dito. "No" iksi niyang sagot, bigla kaming naka rinig ng kaluskos ng tuyong dahon sa hindi kalayuan, agad kaming napalingon sa pinanggagalingan ng kaluskos "Aahhhhh" Sabay kaming napa sugaw at napayakap sa isat isa ng makita namin na isa itong malaking cobra na nakatayo ang leeg at katawan habang naka titig sa aming dalawa, nagtinginan kaming dalawa ni Andrie "Aaahhh" napasigaw kami ulit ng mapagtantong magkayakap kaming dalawa, agad itinulak ang isat isa "Bakla kaba?" singhal kong tanong kay Andrie "No, I can ask you the same thing" Sabi nito habang naka titig sa cobra, tuminging ako sa mga mata ng cobra "Siya nalang ang kunin mo, sobrang witty nyan, madadagdagan ang talino mo pag siya nilunok mo" Sabi ko sa ahas "you fucker"Sigaw niya, tumingin ito sa ahas "you should take him instead because his an Idiot" Ngatal niyang sabi sa ahas "Tingin ko kaylangan niya nang better explanation sa suhestyon mo" pilyo kong sabi kahit nangagati na ang aking paa na tumakbo papalayo sa cobra na ito, tumitig naman ito sa cobra "Y-You can he-help the world by taking away idiots, to make a p-peaceful wolrd I guess" Nanginginig na sabi ni Andrie, palihim naman akong natawa sa expression ng mukha nito, "You know what" rinig kong sabi niya habang hindi pinupitol ang tingin sa ahas, " When I count 1, 2, 3, sabi nito, alam ko na kong anong binabalak nito, kayat inihanda ko agad ang aking sarili, huminga muna ito ng malaim sabay sigaw "Runnnnn" mabilis kaming nagsitakbuhan papalayu sa kinaroroonan ng ahas. Hingal kaming naka rating sa kubo "napano ba kayo?" takang tanong ni Willow sa amin, halos hindi namin masagot ang tanong nito sa sobrang hingal "Cobra" iyon lamang tanging nasagot ko dahil hinihingal pa din kami "What" Sigaw ni willow ng marinig ang salitang COBRA, agad na sinuri nito ang aming katawan, kumalma ito ng walang nakitang bakas ng kagat ng ahas, nakita ni willow na may malaking gas gas sa binti ni Andrie, biglang sumilay ang pag aalala sa mukha nito, naiinis naman ako sa nakita. Akma nitong hahawakan ang binti ni Andrei na may gasgas, ngunit pinigilan ko ito "huwag kang humawak sa kanya" Inis kong sabi kay willow, nagtataka naman itong tumingin sa akin "Jealous? i knew it, you like me" Nakangising sabi ni Andrei, sinamaan ko ito ng tingin "kung magiging bakla man ako, hinding hindi ako papatol sayo" Inis kong sagot sa kanya saka tumalikod ang nagtungo sa loob ng kubo, narinig ko ang pagtawa nito ng malakas. Gago talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD