17

1883 Words
DAN'S P.O.V. Naglalakad kami ni Willow papasok sa Loob ng Restaurant ng biglang nasagi ng isang lalaki ang maliit na bag ni Willow, na kakalabas lamang sa Restaurant. Nabuhos ang laman nito sa at nag kalat sa lupa. agad itong pinulot ni Willow isa isa, yumuko naman ako upang tumulong, pinulot ko ang I.D. nito at tiningnan, binasa ko ang naka sulad sa Card, Willow Vidal, Delta Force. Kung gayon ay isa siyang Myembro ng Special Forces sa US. Sabi ko sa aking isip. Military. biglang nahagilap ng aking mata ang litrato ng isang babae, Medjo pamilyar sa akin ang itsura ng babae sa litrato, pinulot ko ito saka tinitigan, Mommy? Tanong ko sa aking isip. tiningnan ko itong mabuti at sinigurado kung si Mommy Willa ngaa ba ito. kulot ang buhok at may nunal kaliwang bahagi ng cheekbone nito. Biglang inagaw ni Willow ang litrato mula sa pagkakahawak ko. "She's my mother, I never had a chance to be with her. baby palang ako ay iniwan nya na ako kay dad" malungkot nyang sabi sa akin. tumitig ako sa mukha, ngayon ko lamang napag tanto na magkamukha sila ni Mommy "Anong pangalan nya?" tanong ko sa kanya. gusto kong siguraduhin kung si Mommy nga ba ang tinutukoy nito dahil baka ito ang isa sa mga anak na matagal nang pinapahanap ni Mommy. "Willa, Willa Montalban ang buong pangalan nya" sagot nito. Kung gayon ay siya nga. sabi ko sa aking isip. Ang alam ko ay dalawa silang anak ni Mommy bago siya naging asawa ni daddy. Step sister ko ang babaeng ito. "Dan Montalban" Rinig kong sigaw ng isang pamiyar na boses ng lalaki mula aking likuran "Rorke Chavez, Pare kamusta?" Bati ko sa matalim kong kaibigan na si Rorke. "Ayos lang Pare, ikaw? kailan kapa rito?" magka sunod na tanong nito sa akin. nakangiti ito at halatang masaya ito na makita ako. "Last week pa" sagot ko sa kanya. dumapo ang tingin niya kay Willow, at ngumisi "Hi" bati nito "ang Ganda mo naman" puri niya bago kumindat. alam ko ang ginagawa nito, alam pagiging playboy nito "Girlfriend mo?" tanong nya sa akin "this is Willow, half sister ko" sagot ko. nakita ko ang pag Kunot ng noo ni Willow bago ito tumawa. "Oh, hi Willow, it's nice to meet you" kinuha nito Rorke kanang kamay ni Willow at hinalikan. tarantado talaga, mukhang pati ang step sister ko ay idadagdag niya sa collection niya. "Pare, itigil mo nga yan, hampasin kita e" inis na sabi ko kay Rorke "But I like her, Can I court her?" Pilyo niyang tanong "Tang ina mo" mura ko sa kanya, akma ko itong kukutusan ngunit naka takbo na ito papalayo, habang tumatawa ng malakas. gago. "Tara, pasok na tayo" Aya ko kay Willow. agad naman itong sumunod sa akin. Habang nag hihintay ng mga inorder lumabas muna ako upang tawagan si mommy. Excited na akong ipaalam dito ang tungkol Willow. Matagal bago nito sinagot ang tawag. "Hello, anak? napatawag ka" Sagot nito sa Linya. "Mommy? gusto lang po sanang itanong ang tungkol sa pinapahanap mong mga anak, ano po ba ang mga pangalan nila?" tanong ko mommy. biglang tumahimik ito, "Mommy?" tawag ko sa kanya "Ah, bakit mo naitanong?" tanong nito na parang nagdadalawang isip na sabihin ng mga anak niya "meron kasi akong nakilala na kamukhang kamukha mo" sagot ko na lamang dito "tsaka gusto ko lang po talagang malaman, dahil gusto ko po na tumulong sa pag hahanap sa kanila" dagdag ko "Ganun ba? Avery at Willow, ang pangalan nila anak" malungkot na sagot ni mama, alam kong nangungulila ito sa mga anak niya. "Sige mommy at may gagawin pa ako, tutulong ako sa paghahanap sa kanila, pangako" sabi ko kay mommy "maraming salamat ako, mag iingat ka palagi" sabi nito bago pinatay ang tawag. Agad na tinawagan ko ang kapatid kong si kuya Denver upang dalhin dito sa Restaurant at nang makita nya na ang isa sa mga anak nya. "Dan?" Sagot niya sa Linya "Kuya? Dalhin mo si Mommy dito sa Friuli Trattoria dito sa Queszon" Agad kong utos sa kanya "Bakit anong meron?" taka nitong tanong sa akin "Kasama ko ang isa sa mga anak ni Mommy" Masaya kong sabi sa kanya. "Sige, hintayin mo kami jan" agad na sagot nito at pinatay ang tawag. Napangiti ako sa isiping makikita na ni mommy ang isa sa mga anak niya. Nang makabalik ako sa aming table ay inilalagay na ng isang waiter sa mesa ang mga iniorder namin na pagkain. Nang maupo ako sa aking upuan ay nakita kong nag nanakaw ang waiter ng tingin kay Willow habang inilalapag nito isa isa ang mga pagkain. hindi maipagkakailang maganda Willow, kahit ako nga ay nagagandahan dito nang una ko itong makita kanina, halos lahat ng mga lalaki na naririto sa loob ng Restaurant ay nagnanakaw din ng tingin sa kanya ngunit wala itong paki at tila sanay ito sa attention. ano kaya ang naging buhay niya dati? marahil ay nabuhay din ito sa yaman, halata naman sa kutis at itsura nito. sabi ko sa aking isip. "Let's eat?" Aya ko sa kanya, ngumiti ito at pumikit bago nag sign of the cross. Nag simulanna kami kumain bago dumating sila kuya Denver, kasama nito si mommy at Daddy at tila walang ka alam alam si mommy na may supresang naghihitay sa kanya. Kinausap ni Kuya Denver ang Receptionist ng Restaurant at tinuro ang mesa namin, ng makita nito ang kinaroroonan namin agad niyang inalalayan sina mommy at daddy patungo sa table namin. "Anak?" masayang Bati ni mommy ng makita ako. Tumayo ako hinalikan ito sa pisngi bago niyakap si daddy. Nakita ko ang pagka gulat sa mukha ni Willow habang naka titig kay mommy. "Anong meron dito?" nakangiting tanong ng aking ama sa akin. ngumiti lang ako. isaisa silang nauponsa may bakanteng upun. Dumapo ang tingin ni mommy kay willow at ngumiti "Hello iha, girlfriend kaba ni Dan?" nakangiting tanong ni mommy kay Willow. tila naistatwa si Willow at hindi maka paniwala sa nakita. Tumitig lang ito kay mommy at tila nikanaw ng pusa ang kanyang dila "Iha?" tawag ni mommy sa naestatwang si Willow. "Mo-mo-mommy?" nauutal na tawag ni Willow kay mommy. Nabigla naman ang aking ina ng tinawag itong Mommy ni Willow. Tumitig ito kay Willow at sinuri ang mukha at mga mata nito, ng mapagtanto nito ang pagkakakilanlan ni Willow ay napaluha ito "Willow? Anak? ikaw ba yan?" maluha luhang tanong ni mommy kay Willow. Binuksan ni Willow ang kanyang bag at inilabas ang lumang litrato ni mommy. at ipinakit ito sa kanya. Bumuhos ang luha ni mommy ng makita niya ang kanyang lumang litrato na hawak hawak ni Willow, Lumapit si mommy kay Willow at niyakap ito ng mahigpit "Anak, I miss you so much" sabi ni mommy sa kanya. hindi na nakapagsalita si Willow dahil nauna nang bumuhos ang mga luha nito, mahigpit na niyakap ni willow si mommy wt banatili sa ganoong sitwasyon ng halos sampung minuto, ito marahil paraan nila upang maibdan ang pangungulila nila sa isat isa. "Ang tagal kitang hinanap" dagdag nito habang yakap yakap si Willow at umiiyak. WILLOW'S P.O.V. Gabi na nang maka balik ako sa Building na tinitirhan namin. Nang makapasok ako sa aking silid ay agad nagbihis at humiga sa kama. Walang paglagyan ang saya, sa wakas ay nakita ko na ang aking ina. ikinwento ko sa kanila ang naging buhay ko at sa sinapit ng aking ama pati na din sa mga ariarian at negosyo nito. Nagalit si Mommy sa kapatid ng aking ama na umagaw ng negosyo at tumanggal sa karapatan ko bilang taga pagmana ng lahat ng ari arian ng daddy ko. galit ito dahil kinailangan kong pagsabayin pagtatrabaho at pag aaral. ikinwento ko na din sa kanila na Myembro ako ng Delta Force. Gusto sana ni Mommy na doon ako tumuloy sa kanila habang naririto ako sa Pilipinas, ngunit tinanggihan ko ito, nangako na lamang ako na bibisitahin ko siya kapag may bakanteng oras ako. Nalaman ko na pwersahang kinuha ako ng daddy ko mula kay sa aking ina noong sanggol pa lamang ako at iniwan si mommy na mag isa dito sa Pilipinas. Nalaman ko din na may isa pa akong kapatid na babae at ang pangalan nito ay Avery. Si Dan naman at si Denver ay anak ni Tito Connor sa Dati nyang asawa na namatay. napakabait ng buong pamilya ni Ni tito Connor, Gusto ko sanang manatili nang naramdaman ko pakiramdam na kapilang ang aking ina ngunit kaylangan kong bumalik sa amerika pagkatapos ng mission namin dito sa pilipinas. Bigla kong naalala ang mga vitamins na iinumin ko. Nakalimutan kong banggitin kay mommy ang tungkol sa pagdadalang tao ko. hinimas ko ang aking puson, Hayaan mo anak. Isang mission nalang ang gagawin ko at mag reresign na ako. paplanuhin ko na ang balak kong pag bawi sa mga ari arian ng Lolo mo. kinabukasan at maaga akong nagising upang linisin at suriin ang mga baril at iba pang mga gamit na gagamitin sa pag lusob. "Willow? I heard that you are pregnant" biglang sabi ni Jason sa akin habang sinusuri ang mga baril. hindi ko ito sinagot. "You are not allowed to come with us, it is too risky for you and for your unborn child" sabi nito sa akin, humarap ako sa kanya "but this is the reason why we are here, We planned and prepare for it for a long time. I cannot just sit down here while you are fighting in a battle. that's unfair" paliwanag ko sa kanya. "It is unfair if we will let you come with us" sabat ni Andrei "You're pregnant, do you want to risk your unborn child?" tanong nito. tumahimik na lamang ako. "You will be staying at jasons Condominium unit at manila for the meantime until we're done with this mission" dagdag niya, nakalimutan kong half filipino pala itong si Jason at lumaki dito sa pinas. bumuntong hininga na lamang ako. may punto din naman ito, masyado itong delikado para sa kalagayan ko. ngunit nagiguilty dahil napaka haba na ng panahon ng paghahada namin para sa mission na ito at masisira ko lamang ang aming assignments sa mission na ito. huminga ako ng malalim at ibinuga ito. "Don't worry Wil, Jason will handle your assignment during the execution of this mission" Sabi ni George. Hindi parin ako sumagot. "I will call Eros to Accompany you here while waiting for us to finish this mission" suhestyon ni Jason. Biglang uminit ang ulo ko sa narinig. "Seriously? I can handle myself, I don't need someone to protect me. I am not a damsel in distress" Reklamo ko kay Jason "I know. but you are pregnant, you need someone to look after you. beside that unborn child is Eros's Niece. So he will gladly to protect you at any cost" Sagot nito sa akin. Hindi ako maaring makita ni Eros dito at baka matuntun ako ni Aries. "I will be coming with you guys, I promise to stay inside the our Vehicle and cure our wounded companion" Sabi ko sa kanila. hindi maaring nakatungaga lang ako dito habang sila ay nakikipag bakbakan. Pumayag naman si George sa alok ko. bastat mananatili lamang ako sa loob ng Van at gagamutin ang lahat ng mga kasamahan namin sugatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD