WILLOW'S P.O.V.
"aahhh" sigaw ng isa sa mga kasamahan ko habang nilagyan nang tali ang hita sa ibabaw ng sugat nito, May tama ng bala ito mula sa bakbakan sa lungga ni Marcelo de Asis, hindi kalayuan mula sa Van na sinasakyan namin. sinusubokan kong tanggalin ang bala mula sa hita nito upang tumigil ang pag durugo sugat. Buti na lamang ay may anaesthesia akong dala. tinurukan ko ito at hiniwa ang sugat upang tanggalin ang bala. Nagtagumpay akong tanggalin ang bala mula sa hita nito. tinahi ko ang sugat at tinurokan ng antibiotics at anti inflammatory ang kasamahan ko. Nang matapos ay may aumunod na naman na pumasok at dalawang tama ito ng bala, agad ko naman ito ginamot.
halos tatlong Oras ang itinagal ng bakbakan nila. Napakami ang panay sa hanay ng mga kalaman at ang sa amin naman ay puro mga sugatan lamang. maya maya ay nakita kong inilabas ang bangkay ni Marcelo de Asis.
"He ended his own life, we ask him to surrender, He panicked when he realized that he had nowhere to go and shoot himself" Rinig kong sabi ni Andrei na nakatayo sa aking tabi. Maya maya ay Umalis na kami kasama ng mga sugatan naming kasamahan upang Dalhin sa hospitak at nang mabigyan ng proper medical attention. Nagpaiwan naman sina George, Jason at Andrei upang magbigay ng pahayag sa Media at sa Philippine Authority. Nang maihatid na namin ang mga sugatan ay sinigurado muna namin na maayos ang lahat sa mga kasamahan ko sa loob ng hospital, kaya't nang ipinaalam sa amin ng mga doctor na malubhang kalagayan sa kanila ay nag agad akong magtungo sa mansyon nila mommy. Kailangan kong mag paalam sa kanila, walang malubha na kalagayan sa mga kasamahan ko kaya alam kong bukas na bukas ay lilipad na kami pabalik ng North Carolina.
Agad na sumakay ako ng taxi patungo Sa forbes. tinawagan ko si Dan at ipinaalam dito na darating. Nang marating ko ang Guard house ng Forbes ay nandoon na si Dan at nakikipag usap sa mga gwardya.
"Dan?" Tawag ko sa kanya. lumingon naman ito agad. Ngumiti ito sa akin
"Let's go" Aya nito, sumunod ako sa kanya, nag lakad kami papunta sa kotse nito
"kotse mo? akala ko lalakad lang tayo" sabi ko, tumawa ito
"Medjo malayo ang mansyon namin mula dito Willow, hindi mo magagawang lakarin lamang patungo doon" sabi nito sa pagitan ng tawa. sumakay ako sa kanyang kots at pinasibad niya ito
Nang marating namin ang mansyon nila nila ay nakita si mommy na naghihintay sa labas ng napakalapad na entrance door nila. namanghan akonang makita ang napakaganda at napakalawak na landscape ng mansyon, Para kang nasa fairy land, punong puno ito ng iba't ibang klase ng bulaklak, may puno, may Willow tree at Avery tree na naka tayo sa gitna ng mga bulaklak. Napangiti ako, kahit kailan ay hindi pala ako nakalimutan ng aking ina. Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan nito at niyakap ng mahigpit.
"Kamusta na anak?" pangangamusta nito sa akin
"Ayos lang po ako mommy" sabi ko sa kanya
"Halika sa loob at kakain na tayo" aya niya
"Opo" nakangiti kong sabi at sumunod sa kanya, agad akong sumunod sa kanya papasok sa loob ng mansyon. habang naglalakad ay Umikot ang aking paningin sa buong mansyon, napakalawak at ang ganda, moderno ang desenyo ng Interior nito, may malaking portrait ng buong pamilya nila mommy na naka hang sa ibabaw ng hagdan, sa di kalayuan ay naka sabit ang napakalaking at napaka gandang chandelier. nahagip ng aking paningin ang litrato ng buong pamilya Montalban na naka Frame at naka patong sa isang console table sa harap ng hugis bilog na salamin. tiningnan ko ito. una kong nakita ay si Denver, tiningnan ko katabi nito sa picture. natigilan ako ng mapagtantonkung sino ito. Aries. Nakita ko rin sin Eros, Cole, Leander, Damon at Zeus. bakit sila magkakasama? tanong ko sa aking isip. Sako ko lang tandaan ang apelyedo ni Aries. Montalban din pala ito. wala sa isip kong hinimas ang mukha ni Aries sa Litrato
"Kilala mo si Aries?" Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong frame nang biglang magsalita si Dan
"Ahh. Wala" sagot ko sa kanya at ilapag ito pabalik sa console table.
"Siya ba ang ama ng dinadala mo?" usisa nito sa akin. Yumuko lamang ako, ayaw kong mapag usapan ang tungkol sa pagsadalantao Lalo na sa kanya. isang tao lang ang gusto kong kausapin tungkol dito at iyon ay ang aking ina
"I see. Ikaw pala ang tinutukoy nilang babae, he's my cousin. Magkapatid si daddy at ang ama niya" sabi niya. hindi ako sumagot "Let's go" aya niya sa akin. sumunod ako sa likuran nito patungo sa Dining Area. Nakita kong naka upo na silang lahat kami na lamang ni Dan ang hinihintay.
"Halina kayo at kakain na tayo" nakangiting sabi ni tito connor. agad akong naupo sa may bakanteng upuan, ganun din ang ginawa ni Dan.
"Mommy?" Tawag ko sa ksnya habang kumakain
"yes anak?" tanong nito
"babalik na po kami sa North Carolina bukas" pagpapaalam ko sa kanya. bigla nalungkot ang mga mata nito
"Hindi ka na ba babalik dito?" malungkot nitong tanong
"Babalik po, magbabakasyon po ako dito sa susunod na taon" nakangiti kong sabi sa kanya, ayaw kong nakikitang malungkot ang aking ina. ngumiti ito
"Talaga?" masaya nitong tanong.
"Opo mommy" sagot ko sa kanya. planonkong bumalik dito kapag nabawi ko na ang mga ari arian ang negosyo ni daddy mula sa kamay ng kapatid nito.
Nag paalam na ako sa kanila upang bumalik sa building na tinutuloyan namin. Hinalikan ako ni mommy habang maluha luha ito.
"Mag iingat ka palagi ha? tumawag ka agad?" payo nito sa akin. tumango lamang ako bago tumalikod. Deredretcho akong naglakad palabas ng mansyon, hindi ako lumingon sa kinaroroonan ni mommy dahil alam kong umiiyak ito.
Nang marating ko ang building ay nakita kong nagiimpake ng gamit ang mga kasamahan ko.
"We're leaving first thing tomorrow" anunsyon sa akin ni George. tumango ako at umakyat sa aking kwarto. agad akong nag impake ng mga gamit ko.
Kinabukasan ay madaling araw pa lamang ay gising na kami upang mag handa sa pag alis. alas sais ng umaga ay sinundo na kami ng Isang Van patungong airport. Nang marating ang Airport ay agad kaming nag check in at dere deretsong nag lakad patungo sa tarmac dahil naroon nag hihintay ang US Military plane na sasakyan namin pabalik sa North Carolina.
ARIES'S P.O.V.
Nakahiga ako sa aking kama at iniisip ang tungkol sa sinabi si Detective Fernadez kaninang umaga. Papaano naka alis si Willow patungong North Carolina gayong taga isla, siguro nga wala itong passport. at kukuha man ito ng passport ay malamang maabutan siya ng isa at kalahating buwan sa proseso. Agad kong tinawagan ulot si Detective Fernadez
"alamin kong saan ang lugar ni Willow sa North Carolina?" utos ko sa kanya. Naiinip na kasi ako, kailangan ko pang hintayin ang tawag mula sa opisina ng 24th special tactic squadron tulad ng instruction ni Major General Marshall bago ako lumipad pa balik ng North Carolina.
"Copy Mr. Montalban" Sabi nito at pinatay ang tawag. ipinikit ko ang aking mga mata at nakita ang magandang mukha ni willow habang tumatakbo ito at naka ngiti sa gitna ng hardin sa isla, napaka ganda nito. Bigla kong naalala ang isla. Kailangan ko mabili ang islang iyon. Agad kong tinawagan si Damon
"Aries?" sagot ni sa linya
"kaylangan ko ng tulong mo" agad kong sabi dito
"tulong saan?" taka nitong tanong
"Gusto kong bilhin ang isla kung saan naka tira si Willow" sabi ko sa kanya
"Oi, may sentimental value yung island sayo insan" kantsaw
"Ulol, hanapan mo ng paraan upang mabiliniyon, ihuhulog ko sa account mo ang pera" sabi ko dito
"Sira ka ba? alam mong government property yun" reklamo ni Damon
"Basta hanapan mo ng paraan, kapatid mo si Zeus patulong ka sa kanya" suhestyon ko dito
"magkano bang suhol ko dito?" sabi nito
"Magkano ba kailangan mo?" tanong ko naman dito
"Dalawang milyon" sagad nitong sagot
"Ay wang laki naman ng dalawang milyon, ipang bababae mo lang rin naman" reklamo ko sa kanya, tumawa ito
"Kung ayaw mo, edi mag hanap ka ng utusan mo" taray na sabi nito
"fine, 2million, bilhin mo ang islang iyon" irita kong sagot ko sa kanya, mukhang pera ka talaga. Timawa ito ng malakas at pinatay na ang tawag.
Kinabukasan ay nag tungo kami sa hacienda Montalban sa probinsya ng Aurora kung saan nakatira ang lolo at lola namin kasama ang mga kapatid at pinsan ko.
kasalukuyan kaminv Naka upo sa veranda ng bahay nina lolo at lola sa loob ng hacienda, nang mag aya ang mga kapatid at pinsan ko na bumisita sa niyogan at kukuha na din ng buko.
Nang dumating kami sa niyogan ay wala ang mga tauhan nila doon dahil nasa manggahan umano ang mga ito upang mag spray ng pesticide.
"Ano ba yan, gusto ko nang uminum ng buko juice" rinig kong reklamo ng pinsan kong si Eros.
"Edi ikaw ang umakyat" pilosopong sagot ng kapatid kong si Leander
"Talagang ako ang aakyat" Sagot naman ni Eros dito, kinuha nito ang itak na naka sabit sa gilid ng puno ng niyog at itinali ito sa kanyang baywang.
Nagsimula nang umakyat si Eros sa puno ng niyog, at sumunod naman sa kanya si Leander, nang dumating sila kalagitnaan ng puno ay may nakita si Eros na kulay berdeng butiki, biglang nataranta si ito
"Hoy, hoy, hoy, baba, baba" sigaw ni Eros, napatingala kaming lahat at nagktatakang nakatitig sa kanilang dalawa
"Gago! bat ako bababa? nasa kalagitnaan na tayo ay bababa kapa?" Sigaw na sagot ni Leander
"Ulol, may tabili na papalapit sa atin" Sigaw ulit ni Eros kay Leander, hindi ito mapakali, napaisip naman si Leander
"Anong tabili?" taka nitong tanong
"yung kamukha mong butiki" Nanginginig na sagot ni Eros
"Tangina mo! bat naging kamukha ko yung butiki?" Sigaw ni Leander
"Ayan na, ayan na sya" Sigaw ni Eros sa takot, sinuri ni Leander ang kinaroronan ng berdeng butiki at nang mapagtanto nito kung ano ang tinutukoy ni Eros ay napasigaw ito
"AaaaHhh" Sigaw ni Leander habang mabilis na binibilisan nito ang pagbaba sa puno, napatawa kaming lahat sa baba
"Mga gago" Sigaw ni Damon sa pagitan ng tawa
"Bilisan mo nga, napaka bagal mo naman" Reklamo bi Eros
"Gago! alam mong mahirap bumaba, anong akala mo sa akin si spider man? tumalon ka nalang kaya?" Sagot ni Leander habang hirap na hirap ito sa pag baba, tumingin naman si Eros sa baba
"Ulol, ang taas nyan, bilisan mo nalang kasi" Nanginginig na sabi ni Eros, kalalaking tao ay takot sa butiki, sabi ko sa aking isip. nagbabangayan sila hanggang sa makababa ang mga ito mula sa puno.
"Cole?" rinig kong tawag ni Gaia kay kuya Cole, napatingin kaming lahat dito
"Baby?" takang tanong ni kuya kay Gaia na naka yuko at tumititig sa lupa
"Pumutok ang panubigan ko" Nanginginig na sagot ni Gaia, napatingin kaming lahat sa kanyang paa, nang makita naming basa ang kanyang bestida ay agad kaming lumapit sa kanya. Agad na tinawagan ni Zeus ang piloto ng Chauffeur upang ipahanda ito.
"Deretso na sa helepad" Sigaw ni Zeus sa amin, kinarga ni kuya Cole si Gaia patungong helepad at sumunod naman kaming lahat, tinawagan ni Leander ang kanyang si mommy tungkol sa kondisyon ni Gaia at ipinapahanda ang hospital bag.
"B-baby" rinig ko sabi ni kuya ng makitang naka ngiwi si Gaia
"Masakit" sabi nito habang namimilipit sa sakit, maya maya ay dumating ang crew, isinakay nila sa stretcher si Gaia at dinala sa emergency room. Naiwan kaming lahat sa labas at tanging si kuya Cole lamang ang pinapasok sa Loob
Maya maya ay nakita kong lumabas si Kuya Cole mula sa emergency room.
"sa labas ng labor na tayo mag hintay" Nanginginig na sabi nito, sumunod naman kami dito. Nang marating namin ang labor room, kanya kanya kaming naghanap ng pwesto na mauupuan. habang naghihintay ay nakita ko si Kuya Cole na niyoyugyug ang binti niya, halatang umakyat ang anxiety nito.
"Kuya? tigilan mo nga kakayugyug ng binti mo, nakakairita" rinig kong Reklamo ni Shyra. maya maya ay dumating ang mga magulang ni Gaia kasama si Rorke at si Grae. Biglang dumilim ang mukha ni kuya Cole ng makita ito
"Kamusta na ang honeybunch ko?" Tanong ni Grae, malakas ang pagkakatanong nito kaya't napatingin sa direction namin ang mga pamilya ng iba pang pasyente
"Tumigil ka nga Grae, kung ayaw mong ihampas ko sayo itong silyang inuupuan ko" Inis na sagot ni Kuya dito. Sasagot pa sana ito nang biglang bumukas ang pinto ng labor room at lumabas ang doctor, naglakad ito papalapit sa kinaroroonan namin
"Mr. Montalban, You have a healthy baby boy" sabi ng doctor kay kuya "Here" dagdag niya sabay abot ng isang card na may nakasulat na baby boy Montalban. "Gamitin mo iyan kung gusto mong bisitahin ang anak mo sa loob ng NICU, kasalukuyan siyang Mananatili sa NICU upang i test kung may infection ang baby, ang asawa mo naman ay under observation pa, hintayin mo na lamang siya sa loob ng suite room ninyo, dadalhin namin siya doon after 6 hours" Mahabang pahayag ng doctor, tumango lamang si kuya. Agad namang nag tungo si kuya sa NICU. tanging si kuya lamang ang pinayagang pumasok sa loob kaya't nag desisyon kaming mag tungo na lamang sa suite room.
Tahimik lamang akong naka upo sa dito sa loob ng suite room. Naisip ko si Willow, kamusta na kaya siya? kumusta na kaya ang anak namin sa sinapupunan niya? Nakita kong ang saya sa mukha ni Kuya Cole habang idiniditalye ang itsura ng kanyang anak. napaisip ako, gusto kong maranasan ang nararanasan ni Kuya, gusto kong nasa tabi ako ni Willow havang nag lilihi ito, gusto kong nasa tabi niya ako habang pinapanganak ang anak namin at gusto kong makita ang anak ko sa araw mismo ng pag labas nito sa mundo.
"Baka matunaw iyang dingding sa kakatitig mo" rinig kong sabi ng Pinsan kong si Eros, hindi ako sumagot
"oh, heto, nang mawala yang sakit sa puso mo" Sabi ni Shyra kay naman no Shyra sa akin habang inaabot nito ang isang tasa ng tsaa, tinitigan ko ito bago tinanggap ang tasa
"Ano to?" takang kong tanong sa kanya
"WILLOW TEA" Nakangiting sabi ni Shyra na pina emphasize talaga ang word na "WILLOW", sinamaan ko ito ng tingin bago hinihigop ang tsaa. Nagtitigan silang lahat habang nagpipigil sa pag tawa.