Eros P.O.V.
Nagbibiruan kaming mag magpipinsan nang bigla akong pinatawag ni tita Sheryl. Agad akong nag tungo sa library ng kanilang mansion kung saan nag hihintay sa akin si tita Sheryl. Nakita ko itong naka upo sa upuan sa harap ng mesa "Bakit po tita?" Tanong ko sa kanya, dalawa lamang kaming naririto sa loob ng library
"I want you to come with me tomorrow" Sagot niya sa akin
"Saan po?" pagtataka kong tanong dito
"Sa private Island na iyon" Seryosong sagot nito sa akin "Isasama natin si Leander bukas" dagdag niyang sabi
Napangiti ako sa kanya, alam ko kung ano ang binabalak nito "Sure po tita" nakangiti kong sagot sa kanya.
kinabukasan ay maaga gumising upang ipahanda ang helikopter na aming gagamitin patungong Aurora, ipinahanda ko ito sa rooftop ng mansyon nila tito Charles at tita Sheryl. Agad na nagtungo ako sa kanilang mansyon. Na makarating ako sa mansyon ay agad kong pumasok at hinanap si tita Sheryl ngunit hindi ko ito nakita kayat tinawagan ko na lamang ito sa phone, Agad naman itong sumagot
"tita? handa na po ang helikopter na sasakyan natin" sabi ko dito
"Good, nagbibihis na ako, puntahan mo si Leander" Utos nito sa akin bago pinatay ang tawag
Agad akong umakyat patungo sa pangalawang palapag upang puntahan si ang pinsan kong si Leander. ng maka rating ko ang kwarto nito ay hibdi na ako kumatok at agad na pumasok. Nagulat ako ng madatnan ko itong nag jajakol habang may tinitingnan sa phone, hindi nito napansin ang aking pag pasok.
"Naubusan kaba ba ng babae?" kantsaw ko sa kanya
"Hoy?" gulat nitong sigaw ng marinig ang boses ko at agad na tinakpan ng kumot ang kanyang harapan. "Tangina, Hindi kaba marunong kumatok?" dagdag pa niya, nakakatawa ang reaksyon nito
"Nagtataka ako, saan naba ang mga babae mo at nagsasarili ka na lang?" pilyo kong tanong kay Leander
"Gago! ano bang kaylangan mo?" Inis na tanong nito
"Kung hindi ka nainform ng nanay mo, ako na ang mag sasabi sayo. Aalis tayo patungong Aurora upang kausapin ni tita Sheila si Willow" Sabi ko sa kanya
"Ano naman ang kaylangan ni mommy kay willow?" taka nitong tanong sa akin
"Aba ewan ko! itanong mo sa mommy mo kung gusto mong malaman" taray kong sabi dito "Mag bihis kana at nag hihintay na ang mommy mo" dagdag kong sabi habang naglalakad patungong pintuan "Mamaya mo nalang ipagpatulog yang pagjajakol mo" Sabi ko sa kanya habang naka ngisi
"Tangina mo" Rinig kong sigaw nito. Natawa na lamang ako
Pagka baba ko ng hagdan ay nakita ko si kuya Zeus na nakaupo sa sofa ng living room
"Kuya?" Tawag ko dito
"Nasaan na si Leander? Aalis na tayo" tanong niya sa akin
"Sasama ka" taka kong tanong sa kanya
"Oo, nakiusap sa akin si tita Sheryl Kagabi" sagot niya
"E, saan na siya?"Tanong ko habang palinga linga sa paigid upang upang mahanap si Tita
"Nasa rooftop na, naghihintay" seryoso nitong sagot. Maya maya ay nakita namin si Leander na naglalakad pa baba ng hagdan. halatang mainit ang ulo nito.
"Anong problema mo? ang aga aga ay parang mainit yang upo mo" tanong ni kuya Zeus kay Leander. Hindi noto sinagot ang tanong ni kuya Zeus at nag patuloy lamang ito sa paghakbang pa baba ng hagdan.
" Hindi siguro nailabas lahat ng naipong t***d nyan kaya't mainit ang ulo" Pilyo kong sabi. Napahalakhak ng tawa si kuya Zeus
"Nagjakol ka?" tanong nito sa pagitan ng kanyang tawa. Sinamaan lamang kami nito ng tingin "I cant believe it, naubusan kana ba ng babae ha? insan?" natatawang tanong ni kuya Zeus, natawa na din ako sa tanong nito, dahil kahit ako ay hindi maka paniwala na nagsasarili na lamang ito samantalang napaka babaero nito halos gabi2x ay iba ibang babae ang kinakama nito
"Both you, Shut up" Singhal nito sa amin bago tumalikod at naiinis na umakyat sa rooftop ng mansyon. Sabay kaming tumawa ni kuya Zeus bago tuluyang naglakad patungong rooftop
30 mins ang inilipad namin bago namin narating ang pribadong isla sa probinsya ng Aurora. agad kaming nagtungo sa kubo ni Willow. Na datnan namin itong naka tulala at namamaga ang mga mata sa kakaiyak.
"Iha?" Tawag ni tita Sheryl sa kanya. Napalingon ito sa amin at napatayo ito sa gulat nang makitang naka tayo kami sa pintuan ng kanyang kubo
"Pasensya na po, hindi ko po kayo napansin agad" Paghihingi nito ng paumanhin
"wala iyon iha. Ako si Sheryl Montalban ang mommy ni Aries, you can call me tita Sheila " pagpapakilala ni tita "Narito ako upang magpasalamat sayo ng personal sa pag ligtas at pag aalaga mo sa aking anak. Gusto sana kitang imbitahan sa isang dinner party na gaganapin sa mansyon" pag aalok ni tita kay willow. Hindi ito agad sumagot, halatang nag iisip ito
"Kailan po ba gaganapin ang dinner party?" tanong niya
"Bukas ng gabi iha" Sagot ni tita "Sumama ka nalang sa amin ngayon at nang hindi kana mahirapang bumyahe" Dagdag pa ni tita
"Sandali lang po, mag iimpake lang ako" sagot nito at agad na pumasok sa loob ng kwarto.
Willow P.O.V.
Nang maka pasok ako sa aking silid upang mag impake ay agad na tinawagan ko si Andrei at ipinaliwanag na tutungo ako ng maynila at doon na lamang kami magkikita kita sa susunod na araw upang gawin ang mission, pumayag naman sila. Kani kanina lang ay nagdadalawang isip akong sumama sa maynila dahil alam kong malamig na ang pakikitungo sa akin ni Aries ngunit naisip kong ito na ang pagkakataon ko upang mahanap ang aking ina.
Tanghali na ng makarating kami sa rooftop ng mansyon Montalban. kinuha ni Leander ang bag na dala ko bago ito bumaba.
"Leander? Ihatid mo ang mga gamit ni Willow sa magiging silid niya" utos ni tita Sheryl kay Leander. agad namang sinunod ni Leander ang utos nito. "Iha? sumunod ka sa akin" Nakangiting sabi utos ni tita Sheryl sa akin, agad naman akong sumunod sa likuran nito. Nakarating kami sa ground floor ng mansyon at nagtungo sa isang pintuan, pumasok kami doon. Nagulat ako nang makita si Aries na kumakain sa mesa, katabi nito ang isang gwapong at medjo may edad na lalaki. kaharap nito si Cole katabi nito ang isang buntis na babae.
Napatingin si Aries sa direction namin, Nabigla ito ng makita ako. ngumiti ako dito ng bahagya ngunit hindi uto gumanti bagkus ay nagtapun ito ng matalim na tingin. Yumumo ako upang iwasan ang tingin ni Aries.
"Everyone, this is willow siya ang nag ligtas kay Aries at nag alaga sa kanya sa loob ng tatlong buwan" Pagpapakilala sa akin ni tita Sheryl. Agad na tumayo ang may edad ba lalaki at kinamayan ako "Ako si Charles Ama ni Aries, maraming salamat sa pagligtas at pag alaga mo sa anak ko" Pagpapasalamat ng ama ni Aries. agad ko namang tinanggap ang kamay nito. Nagpasalamat at nag pakilala din ang Babaeng buntis, Fiance ito ni Cole at Gaia ang pangalan.
"Maupo kana iha at kakain na" Sabi ni tita Sheryl, Agad naman akong umupo sa bakanteng upuanbsa tabi ni Gaia. Tahimik lang ako sa pagkain habang may pinaguusapan sila.
"Bakit nyo pa siya dinala dito?" Galit na tanong ni Aries sa kanyang ina
"Aries?" saway ng kanyang ama "Wala kang utang na loob" singhal ng kanyang ama
"Sinabi ko bang iligtas nya ako?" Gigil na sabi niya habang tinatapunan ako ng matatalim na tingin. Bago tumayo at mabilis na lumabas sa dining area. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ito sa akin.
"Pagpasensyahan mo na ang anak ko iha" Paghihingi ng paumanhin ni tita Sheryl habang naglalakad kami patungo sa silid na gagamitin ko.
"Wala po iyon tita" naka ngiti kong sabi sa kanya.
Nagpaalam na ito nang marating namin ang aking magiging silid. Nang makapasok na ako sa aking silid ay agad na naalala ko sarili kong silid kong sa mansyon ng aking pamilya sa espanya pareho ang lawak at laki nito sa kwarto ko. Naupo ako sa paahan nang malambot na kama. Napakatagal na panahon na nang huli akong naka upo sa isang malambot na kama.
Nang dumating ang alas 3:00 ng hapon ay nabigla ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto. Agad na pumasok si tita Sheryl
ag bihis ka iha, may pupuntahan tayo" excited na sabi nito sa akin
"Saan po tita?" taka kong tanong sa kanya
"sa mall" sagot nito. Agad akong nag bihis. Sundress ang isinuot ko at pinaresan ko ng flat sandals, nag lagay ng pulbo at liptint habang naka upo si tita Sheryl sa sofa at tinitingnan ang bawat galaw ko
"Ok na po" Sabi ko dito. Ngumiti ito sa akin at tumayo
"Let's go" masaya nitong sabi at nag lakad palabas ng pinto, agad naman akong sumunod sa kanya
Pagkababa namin ng hagdan ay naabutan naming si Aries na naka upo sa sofa sa malapad na living room sa mansyon habang kausap si Leander. napalingon ito sa amin, nakita ko ang pagkamangha na naka ukit sa mukha nito habang naka titig ito sa akin ngunit agad din nitong iniba ang expression ng kanyang mukha at pinalitan ito ng galit. umiwas ako ng tingin. Deretso kaming lumabas ni tita sa mansyon pa tungo sa isang mamahaling sasakyan. Nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa aking likoran
"Saan ba ang unang puntahan natin?" Tanong ni Leander na ikinagulat ko.
"Sa BGC" iksing sagot ni tita Sheryl.
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng biglang nag tanong si tita Sherly.
"Tell me something about yourself iha" Tanong nito
Nag isip ako sandali, hindi nila pwedeng malaman na isa akong myembro ng Delta force.
"I am Willow Vidal, 25 years old, Lumaki ako sa espanya at nang namatay ang aking ama ay lumipad ako patungong amerika upang magtrabaho at nang maipagpatuloy ko ang aking pag aaral. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni tita Sheryl
"So hindi ka Filipina?" Tanong nito
"Sa pagkakaalam ko ay isang Filipina ang aking ina at pure spanish ang aking ama" sagot ko "Tatlong buwan pa lang ako dito sa pilipinas at naririto ako upang hanapin ang aking ina" Pagpapatuloy ko
"Ano ang iyong tinapos iha?" tanong niya ulit sa akin
"Isa po akong Medical Surgeon" Sagot ko. kitang kita ang pagka mangha nila ng marinig ang profession ko
"Kaya pala nagawa nyang iligtas si Aries. sa dami ba naman na bala ang sinalo ng katawan nya" Sabi ni Aries. Hindi na nagtanong pa si Tita Sheryl
Nang maka rating kami sa BGC mall ay agad na pumasok kami sa isang mamahaling botique. namili sila ng mga mamahaling damit. naghanap din ako ng damit na gusto kong bilhin. limang dress, dalawang sandals at isang sapatos ang napili kong bilhin. agad na nagtungo ako sa Cashier upang bayaran lahat ng pinamili ko
"Ito ang gamitin mo willow" alok ni Leander sa akin sabay abot ng kanyang Debit Card
"No, I can pay my own bills" pagtatangi ko sa alok nito
"I insist" sabi nito
"I work so hard to earn money and not depending on anybody at my expense" kalmado kong sagot sa kanya
"Fine" Sabi niya at agad na tumalikod.
Marami pa kaming napuntahan na boutique bago kami kumain sa restaurant.
Gabi na nang maka uwi kami sa mansyon Montalban. Agad akong sa aking silid at naligo.
Kakatapos ko lang mag bihis at matutulog na sana nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid nagulat ako nang makita ko ang galit na galit na si Aries papasok sa aking kwarto.
"Iyan ba? Iyan ba ang rason kaya ka sumama kay mommy papunta dito?!" pagalig na sigaw ni Aries sa akin habang tinuturo ang direction kung saan naka lapag ang mga paperbags ng mga pinamili ko kanina sa isang mamahaling boutique "Hindi kalang pala ambisyosa mukha ka ring pera" dagdag nito. Natameme ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ganito ba talaga ka babaw ang tingin nito sa akin?. "kilala ko ang mga katulad mo, ano naman ang susunod mong gagawin? mag panggap na buntis upang pikotin ako? ganyan ba willow?" Sigaw pa niya. hindi parin ako maka galaw mula sa aking kinatatayuan at tila nang mamanhid ang aking buong katawan. Mas lalo akong nagulat nang bigla ako nitong sinakal, halos hindi ako maka hinga ngunit rinig na rinig ko ang mga pang iinsulto nito " Ito ang sasabihin ko sayo babae ka! Pagkatapos ng dinner party ay umalis kana dito, ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Isa kang kang mababang uri na babae, ambisyosa" sigaw nito sa akin habang sinasakal pa din. Biglang may humablot sa akin papalayo kay Aries.
"Aries ano ba ang nagyayari sayo?" Sigaw ni Leander habang itinatago ako nito sa likuran nya
"Pati ba naman ikaw Leander? huwag na huwag kang magpaoauto sa babaeng iyan!" Sigaw nito "Ito ang tatandaan mo, hindi ikaw ang babaeng magugustohan ko! walang babae ang makakaagaw sa pagmamahal ko sa trabaho ko! kaya huwag kang ilusyonada! sinundan mo pa talaga ako dito?!" dagdag niyang sigaw "Tingnan mo nga yang sarili mo! tingin mo magugustuhan kita? taga isla ka lang, mababa ang pinag aralan. kung ang pa pipiliin, mas pipiliin ko ang babaeng ka level ko, sexy mas maganda at higit sa lahat edukada!"
hindi pa rin ako maka sagot dahil habol habol ko parin ang aking hininga
"Tama na kuya, hindi mo siya lubusang kilala" pag aawat ni Leander
"at anong alam mo sa kanya ha Leander?" Sigaw ni Aries kay Leander " Umalis kana dito at huwag kanang magpapakita. kung sakaling mag kita tayo ulit sa di inaasahang pagkakataon huwag nang mag akasaya ng panahon na pansinin ako o magpapansin sa akin. please! kalimutan mo nang magkakilala tayo" Gigil niyang sabi bago lumabas ng kwarto.