10

1094 Words
Willow's P.O.V. Paupo akong bumagsak sa sahig habang tumutulo ang aking mga luha sa aking pisngi. Hindi makapaniwalang magagawa akong sakalin ni Aries "Willow?" tawag sa akin ni Leander "Are you ok?" Tanong niya sa akin. Tumango lamang ako. "Makinig ka sa akin, pagkatapos ng dinner party ay umalis kana dito, baka saktan kapa niya ulit. Kung gusto mo ay sa aking condo ka muna titira at hahanapin natin ang mommy mo" Dagdag nito. Napatitig ako kay Leander, tama ba ang narinig ko? tutulongan nya akong mahanap ang mommy ko? Tinulongan ako ni Leander na tumayo at inalalayan hanggan sa maka upo ako sa gilid ng kama. "Alam kong mahal na mahal mo si Aries. Pero hindi marunong magmahal ang kapatid ko, maganda ka, edukada, makakahanap at makakahanap ka ng lalaking pahahalagahan ka at hinding hindi ka pag bubuhatan ng kamay" Payo nito sa akin. Hindi ako sumagot, nakatitig lamang ako sa sahig nag iisip kung ano ang dapat kong gawin. Durog na durog ang aking puso sa ginawa ni Aries, hindi ko akalaing ganito ka demonyo ang lalaking niligtas at minahal ko. "Lalabas na ako willow" sabi nito. may inabot ito na card sa akin "Tawagan mo ako kung may kailanagan ka" alok ni Leander sa akin. Tinitigan ko ang calling card nito bago tinanggap. Tumango ako dito at agad itong lumabas ng kwarto. Hindi ikaw ang babaeng magugustohan ko, kalimutan mo ng nagkakilala tayo. Paulit ulit ko itong naririnig sa aking isipan at habang naririnog ito ay wala ring tigil ang pag daloy ng aking mga luha. Ambisyosa, mukhang pera. Bigla ang pag usbong ng aking galit kay Aries. "Hindi ko kasalanan ang mahalin ka Aries. Ito na ang huling araw na iiyakan kita dahil pagkatapos nito, buburahin na kita sa alaala ko" gigil kong sabi habang naka kuyom ang aking kamao. Kinabukasan ay nagising ako sa magkakasunod na katok mula sa aking pinto. agad ko itong binuksan. Isang nakangiting babae ang naghihitay sa akin, naka suot ito ng uniporme para sa katulonh at bitbit nito ang isang tray na puno ng masasarap na pagkain. bigla akong natakam. "Goodmorning po ma'am, pinapahatid po ni sir Leander, Breakfast nyo daw po" sabi nito, hindi pa din nawawala ang ngiti sa mukha nito. Gumanti ako ng ngiti dito at binuksan ang pinto nang mas malapad upang makadaan ito. Inilapag niya ang tray sa bedside table "Maraming salamat po" pagpapasalamat ko sa kanya. ngumiti lamang ito at agad na lumabas. Naligo muna ako. Nang matapos ay nag umpisa na akong kumain, inuna ko muna ang bread, cheese at grapes. habang kinakain ko ang cheese ay nagtaka ako kung bakit hindi ako nakaramdam ng pandidiri gayong pinaka ayaw ko ang lasa ng cheese. Bakit kaya?. Binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Nang matapos akong kumain ay naupo ako sa sofa upang magpahindang. bigla kong na alala ang pang iinsulto sa akin ni Aries. Bumuntong hininga na lamang ako saka tumayo. Pinangako ko na sa sarili ko kong hiniding hindi ko na iiyakan ang demonyong iyon. kailangan ko nang distraction upang mawalan na ng lugar si Aries sa aking isipan. Lumabas ako ng kwarto upang hanapin ang Library ng mansyon. "Manang?" Tawag ko sa isang may edad na katulong na naglalakad sa hallway. Agad naman itong naglakad patungo sa aking harapan "Ano po iyon ma'am?" Sagot nito "Saan po ba matatagpuan ang library ng mansyon?" Tanong ko sa kanya. "Sa pinaka huling pintuan po ma'am" sagot nito habang tinu turo ang direction kung saan matatagpuan ang library. "Maraming Salamat po" pagpapasalamat ko dito. Agad akong nagtungo sa direction na tinuro ng katulong Nang marating ko ang huling pinto ng corridor ay kumatok ako ng tatlong beses bago itinulak pa bukas ang malaking pinto at pumasok. Napanganga ako ng makita ang kabuoan ng library, Napaka lawak nito at punong puno ng libro. Halos wala nang makikitang ding2x sa library na ito dahil lahat ay natabunan na ng naka file na mga libro. Naalala ko ang library ng aking ama sa loob ng aming mansyon sa espanya, mejo mas malaki lamang ito ng konte. Namiss ko tuloy ang aking ama. "Anong hanap mo? Libro ba kong paano lumandi sa mga mayayaman?" Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Aries sa aking likuran. Hindi ko ito sinagot. "Sino bang susunod mong prospect? si Leander ba?" Matabang nitong sabi. Pinili ko paring manahimik dahil hindi ko alam kong paano ito sagutin at wala din akong alam sa mga pangbibintang nito sa akin. Umakyat ako sa maliit na hagdan na naka dikit sa malapad na bookshelf upang abutin ang libro na gusto kong basahin ng biglang sinipa ni Aries ang hagdan na aking tinatapakan, rason upang mawalan ng balanse ang Hagdan at kasama kong natumba ito. Nauna akong bumagsak sa sahig, namimilipit ako sa sakit nang bumagsak sa akin ng hagdan. Nangmamanhid ang aking katawan at Nandidilim ang aking paningin halos wala akong marinig sa paligid, napatingin ako sa direction ni Aries, Humahalakhak ito at para bang tuwang tuwa sa nangyari sa akin, humihingi ako ng tulong dito dahil halos hindi na ako maka hinga ngunit tumawa lamang ito ng tumawa. May narinig akong mga yapak sa sahig ngunit hindi ko ma wari kung saan at kung sino ito dahil dumilin na ang aking paningin Aries's P.O.V. "Willow?" Sigaw ng aking ina. Hindi ako maka galaw sa aking kinatatayuan ng makita ko ang dugo na dumaloy sa hita ni willow, Nanginginig ang aking katawan sa takot na aking nararamdaman. Ano bang nagawa ko? tanong ko sa aking sarili. "Willow? iha?" Nanginginig na sabi ng aking ina habang tinatanggal nito ang mabigat na hagdan na naga dagan sa katawan ni Willow "Ma?" rinig kong sigaw ni Leander habang tumatakbo pa lapit sa kinaroroonan namin. "Willow?" Napasigaw ito ng makita ang sitwasyon ni Willow. Hindi parin ako maka galaw at naka titig lang kay willow, basa na ng dugo ang damit nito, may malaking sugat ito sa leeg, sa tagiliran at sa gilid noo nito. Agad itong kinarga ni Leander at itinakbo palabas ng Library. Tumayo ang aking ina at humaharap sa akin basang basa ng luha ang pisngi at may galit sa mga mata nito "Masaya kaba Aries?" Nanginginig na tanong ng aking ina "Sana hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong ito kay willow, dahil kong sakali, hinding hindi kita tutolungan" Gigil nyang sabi at nag marcha pa labas. ____________________________________________ Sorry guys kong medyo matagal ang update. kakatapos lang po kasi kumuha ng board exam.. makaka fucose na ulit ako dito.. ? ❤️❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD