"Nakakahiya naman Kristoff,tingnan mo ang mga bisita ni Greg oh,mukhang lahat sila mayayaman at sosyal.Tayo lang yata ang mahihirap na bisita,umuwi na lang kaya tayo? " Talagang naiilang siya habang naglalakad pa lamang sila nina Kristoff at Bea patungo sa loob ng mansion ng mga Fuentebella. Sa malawak na bakuran idiniwang ang kaarawan ni Greg.May live band at halos mapuno na ang lahat ng mesa. Sinipat niya ang kanyang itsura.Ang dress na binili ni Adrian ang suot niya ngayon na pinarisan niya ng kulay beige na sandalyas.Tinali niya ang kanyang mahabang buhok at naglagay lamang ng pulbos at mumurahing lip tint upang magkakulay naman ang kanyang labi at hindi naman siya magmumukhang tense sa gabing yon .Si Ma'am Inez ang nasa unahang nila.Hindi pa sila umuupo dahil hinahanap nila si Greg

