Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto.Niyakap niya kaagad ang sarili nang makaramdam ng lamig.Napansin niyang may aircon sa loob ng kwartong iyon at nang tatayo na sana siya ay bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok mula room si Adrian. "You're awake , dinala kita sa isang hotel Lia .Sorry, I changed your clothes, baka kasi magkakasakit ka." wika nito sa kanya ,umupo ito sa gilid ng kama. "Ganun ba ang lahat ng mga mayayaman,Adie?" malungkot niyang sambit sa lalake nang maalala ang nangyari kanina sa party ni Greg. Umiling naman kaagad si Adrian. "Ano ba ang gusto mong gawin ko sa babaeng yon? Sabihin mo lang Lia," Siya naman ang umiling sa pagkakataong ito. " Ayaw ko,Adie.Please huwag mo silang saktan.Hayaan mo na, okay na namam ako." "I know that girl, si Liz

