"Magandang umaga,apo.Gising ka na pala,tara magkape na tayo!"masayang wika ni Lola Natty,nasa kusina ito ngayon at isinasalin ang pinakulo na tubig sa thermos. Katatapos lamang niyang maghilamos." Sige po La."aniya sabay upo. "Good morning Lia and Lola Natty..' Bumaling sila at nakita si Adrian na papalapit sa kanila.Umupo ito sa mesa at matamis siyang ningitian."Ay ,napakaaga n'yo namang nagising Senyorito..." sambit ng Lola niya nang makita si Adie. "Oh Lia,timplahan mo ng kape si Senyorito Adrian!" utos nito sa kanya.Katatapos lang nitong magtimpla ng dalawang taza ng kape. Umupo si Lola Natty at siya naman ang tumayo at kumuha ng isang sachet ng black coffee .Yun ang iniinum ni Adrian,ayaw nito na may cream. "Two lovely flowers....one is reald the other's white.." Napakunot ang

