Alas dies ng gabi ay nagpaalam na sila ni Kristoff.Si Senyorito Adrian ay umuwi na ,kalahating oras pa lamang yata ang lumipas.Lumapit ito sa kanya at sinabing antok na raw ito.Dalawang bote lang naman ng beer ang ininum ng lalake.Pagdating sa Villa ng mga Mondragon ay kakanan na si Kristoff habang siya naman ay pakaliwa patungo sa kubo kung saan sila matutulog ng Lola niya.Iniilawan lamang niya ang daan gamit ang maliit na flashlight mula sa lighter na binili niya.Hindi naman delikado ang lugar nila pero sa kabila ng bundok ,kung saan makikita ang isang waterfalls ay delikado dahil daanan iyon ng mga rebelde.Hindi naman siya nababahala dahil malayo pa naman iyon at may mga sundalo naman ang nakaposte sa dulo ng kalupaan ng mga Mondragon. Nang makarating sa kubo ay napakatahimik sa paligi

