"Lia,mukhang tulala ka yata?" tanong sa kanya ni Kristoff .Nasa videokehan na sila ngayon. "Ha? Ah eh wala, kulang lang yata ako sa tulog." pagdadahilan niya.Ang totoo ay iniisip niya si Sir Adrian.Hindi pa rin maalis sa isip niya na sila na talaga.First boyfriend niya si Sir Adrian sa totoo lang,first kiss rin niya ito. "Inlove ka ba?" anito. "Huh? Hindi ah!" sagot niya sa lalake. "Alam mo,maglinis na nga lang tayo at mamaya ay dadagsa na naman ang mga customers rito." saway pa niya sa kaibigan. Nagpatuloy na lamang sila sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit sa videokehan. Nang lumalim naman 'yung gabi ay unti unti nang dumating ang mga tao lalo na ang mga kalalakihan.Naging abala na naman sila ni Kristoff at Bea.Lima silang mga naninilbihan sa videokehan at ang dalawa naman ay mas

