" Sobrang busog ko, ikaw apo kaunti lang yata ang kinain mo ah?Hindi mo ba nagustuhan ang luto nila Rosa?" nag-aalalang tanong ng Lola niya nang dumating sila sa Villa . "Naku La ,sobrang sarap po pero nabusog na ako kaagad kaya hindi na nakakain ng marami." aniya. "Ganun ba? Oh ,itong lumpia sa'yo na to baka gutumin ka mamaya." sabi ng Lola niya sabay kuha ng isang pirasong lumpia sa bulsa nito."Binulsa ko kanina, ang sarap eh." natatawang sambit ni Lola Natty sa kanya. "Sa'yo na lang La,busog po talaga ako." sagot niya.Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuka.Sinusubukan lamang niyang pigilin ang sarili .Magtataka ang mga tao kung susuka siya,at talagang kakalat sa buong barrio nila na buntis siya kahit na sumuka pa lamang siya at wala pang sapat na ebidensya . "La,magpapahinga na mun

