Abala sila sa pag-ayos ng mga iba't ibang mga deserts at finger foods sa long table .Unti unti nang nagsisidating ang mga bisita sa resort.Kitang kita naman sa itsura ng mga bisita na may sinabi ang mga ito sa buhay .Ayon sa mga kasamahan niya ay mas maraming mga taga Manila ang nandoon.Kapag mayaman nga naman, kahit saan pwedeng pagdausin ang kaarawan . Nakita niya na sa di kalayuan si Adie,ang kanyang nobyo .Napakakisig at napakagwapon nito sa suot na Amerikana.Lihim siyang napangiti sa nobyo.Kabilang ito sa alta sociedad samantalang siya ay heto,isang serbidora sa kaarawan ng ama nito . "Akala ko pa, malayong kamag-anak mo sila,bakit nandito ka ngayon?" bulong sa kanya ni Ma'am Yolly. "Ma'am ,mahirap nga lang po kami.Okay lang naman po basta't pag-aaralin lamang ako ni Boss." sagot n

