Handa na siya sa pagpasok sa university.Nag-abang na lamang siya ng jeep,kabisado na naman niya ang ruta papunta sa kanilang university. Tinawagan niya si Adie kanina pero hindi naman niya ito ma contact.Ang sabi ni Sir Erik ay umalis ito patungo sa Manila dahil may importante itong gagawin doon.Nasanay na yata siyang hatid sundonng nobyo sa escuela. Binuksan niya ang sobre ni iniwan ni Adie kay Sir Erik. Sobra naman yata ang pang isang buwan na allowance na ibinigay nito sa kanya ngayon.Parang kailan lang ay magdadalawang buwan na pala siya sa University.At sa susunod na linggo ay midterm exam na nila.Sadyang mabilis lamang pala ang paglipas ng mga araw . Tricycle lamang ang sinakyan niya dahil puno ang lahat ng mga dumadaan na jeepney . Nang binuksan niya ang kanyang wallet ay nakita

