Maaga pa naman kaya kung bawal siyang sumama sa welcome party ni Adrian nilang CEO ay bibisitahin na lamang niya ito sa company nito. Nagluto siya nang rebusadong hipon na binudburan niya ng asukal.Pupunta siya sa company ni Adie at sabay silang kakain ng tanghalian.Sosorpresahin niya ang nobyo.Alam naman niyang bawal siyang pumunta doon lalo na kung wala siyang appointment pero bahala na.Siya na lamang ang magdadahilam para paniwalaan siya ng mga guards.Pagkatapos ihanda ang baon nila ni Adrian ay naligo at nagbihis na siya.Palda at blouse lamang ang isinuot niya,na binili ni Adie noon sa VIP mall.Suot rin niya ang bigay nitomg necklace at talong na pendant .Ang mga alahas na binili nito sa VIP mall ay itinago lamang niya,ayaw niyang suotin at baka magtataka pa ang mga tao kung paano niy

