"Lia! Sandali lang!" Lumingon siya nang marinig ang tawag ni Dahlia Palabas na sana siya ng gate nang mahagilap ang boses ng kaibigan. Alas Cinco y medya na at pauwi na sana siya . "Lia! Huwag ka na munang umuwi please .Samahan mo naman ako sa isang event mamaya, yung uncle ko kasi ,right hand siya ng boss niya at may paparty sila mamaya.Gusto ko kasing kumain ng masasarap eh,miss ko na ang pang rich na mga foods kaya my friend please samahan mo ako please Pagbigyan mo naman ako,now lang talaga at hindi hindi na kita kukulitin magpakailanman!" Halos lumuhod si Dahlia sa paanan niya. "Hoy kung pang mayaman ang event na sinasabi mo,edi saan na ang invitation mo aber?" Tanong niya rito. "Tadannnn!" Hinila nito ang isang itim na pangsosyal na papel.Umirap lamang siya at di na pinansin pa

