"Nanay,bili mo'ko ng toys na tulad nun oh! "turo ni Zyon sa airplane toy na hawak ng isang batang lalake sa loob ng Mall. "Anak,di ba't sabi ni Nanay na wala tayong pera? Hindi ba't bilin ko na bibili lang tayo ng pang regalo niyo sa exchange gift sa school niyo ni Bella?" Tumingin siya sa mga mata ng anak niya.Masakit para sa kanya ang makitang malungkot ang mga ito dahil di niya naibibigay ang mga kailangan ng mga ito pero kailangan niyang maging matapang. Limang taon na ang lumipas , ayaw na niyang isipin pa ang nangyari sa nakaraan niya dahil masaya na siya sa piling ng mga anak. Mahirap lamang sila, pero masaya siya na may dalawa siyang anak na mahal na mahal siya.Hindi na siya makapag-aral dahil ang perang bigay sa kanya ni Adrian dati ay itinago niya para sa panganganak niya.Kas

