Magkasama sila ni Aling Rebecca sa pagpunta sa white house na nasa dulo ng compound nila. Sa kusina sila dumaan dahil bawal ang mga katulong na dumaan sa harap.Binigyan siya ni Aling Rebecca ng uniporme na siyang susuotin niya sa loob ng white house. Ang sabi pa nito ay iisa lamang raw ang amo nila,wala itong kasama sa bahay nito.Hindi raw ito mahilig maghalubilo sa ibang mga tao lalo na sa mga katulong.Si Aling Rebecca lamang raw umano ang palagi nitong tinatawagan kapag may ipapagawa ito o iuutos. May kasama raw silang hardinero at isa pang katulong na tagalinis ng buong kabahayan. " Sobrang gwapo ni Senyorito, kung makita mo siya tiyak na hahanga ka talaga!" sambit pa ni Aling Rebecca . Napangiti lamang siya rito.Hindi naman ang kagwapuhan ng amo nila ang pinuntahan niya kundi ang

