"Good luck,Lia.Tandaan mo palagi na mahal kita okay?" sambit sa kanya ni Adrian mang tumapat na sila sa harap ng unibersidad na papasukan niya.First sem pa lang naman at katulad ng sabi ni Adie ay makakahabol pa raw umano siya.Hindi nga siya makapaniwalang tutuloy na siya sa kanyang pag-aaral ngayon at hindi na niya kailangang tumigil ng isang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Adie dahil kaibigan pala nito ang may-ari ng unibersidad.Isang private school ito, Charleston School of Medicine.Kung may sapat siyang pera ay gusto sana niyang kumuha ng medisina kaya lang nakakahiya na kay Adie dahil tuition pa lamang yata niya sa unibersidad na ito ay humigit kumulang na sa isandaan libong piso o higit pa yata.Nag research siya tungkol sa Unibersidad,isa ito sa mga university ng mga mayayama

