"Narinig mo ba ang sinabi ni Sir Erik? Malapit na raw ang kaarawan ng daddy ni Boss Adrian at dito raw sa resort dadausin." dinig niyang wika ng isa sa mga kasamahan niyang waitress "Talaga ba? Ibig sabihin makikilala na natin ang lahat ng mga Mondragon noh? Ang sabi pa nga ni Sir Erik magagandang lahi raw ang mga Mondragon mapa lalake man o babae." sagot naman ng isang kasama nilang si Donna na kaedad lamang niya. "Kita mo naman di ba? Si Boss Adie pa lamang ay busog ka na sa kagwapuhan ,yung mga kapamilya pa ba niya?" sambit ni Elaine na pinakatanda sa kanila. "Lia, hindi ba't malayong kamag-anak mo sila? Nakilala mo na ba ang mga angkan nina sir Adie?" baling sa kanya ni Donna. Umiling naman siya sa mga ito.Tutulungan na muna niya saglit ang mga ito pero mamaya naman ay babalik na

