" I thought the sea calms and heals the soul, but it supposed to make someone cry I guess." Bigla siyang lumingon nang may boses lalake ang sumagot mula sa likuran niya .Mabilis niyang pinahid ang luha sa gilid ng kanyagn mga mata. "Sino ka?" nakataas ang kilay niyang tanong sa lalake. "Ow, ambilis mo naman yatang makalimot." sambit nito sa kanya. Saka pa niya naalala na ito pala ang lalakeng nagpahiram sa kanya ng coat pero tinanggal at sinauli naman kaagad ni Adie rito. "Hindi kita kilala pero salamat noong isang araw," aniya sa lalake. "I'm Charles Brown." Inilahad ng lalake ang isang palad nito.Wala naman siyang nakitang masama sa motibo ng lalake.Sa katunayan ay gentleman pa nga ito dahil sa pagtulong sa kanya noong nabuhusan siya ng lemonade . "Lia,ako pala si Lia." sambit niy

