Manghang mangha siya sa ganda ng isla na pag-aari ng Kuya Charles niya.Napakalinaw ng tubig at ang buhangin ay parang crystal kapag timatamaan ng sikat ng araw. Kararating pa lamang nila ngunit parang ang sarap nang magtampisaw sa tubig.Kitang kita ang mga corals dahil napakalinaw ng tubig.Tila paraiso sa kalupaan ang naturang lugar sa ganda nito. May isang pribadong building ang resort na pinagawa raw talaga umano ng Kuya niya para sa kanila at sa mga guest . Nang dumating na sila ay may mga staff na ang mag-aayos sa venue.Simple ngunit elegante ang beach birthday ng Mama niya.Naalala niya tuloy ang sinabi ng Kuya Charles niya na ito ang unang beses na nag celebrate ulit ng kaarawan ang Mama nila.And guess she was too happy now to celebrate her special day again. Nakita niya si Adrian

