MAGDALENE'S POV
"That sounds fun, can I crash over?"
Na-estatwa ako sa ginagawa nang marinig ang pamilyar na boses, ang lalaking pilit kong inaalis sa imahe ng buhay ko pero pilit pa ring nagsusumiksik. Tumigil si Clara sa ginagawa at nilingon ang lalaki. Heath is standing tall and proud behind Clara, makikita ang paghanga sa mukha ng aking kaibigan nang makita ito. Ngunit marahil ay hindi pa nito kilala ang lalaki at kung anong posisyon nito sa kumpanya. Ngayong araw palang kasi ang deployment nito, hindi pa ito naipapakilala sa mga empleyado, except me. Sa ginawa nitong abrupt promotion sa akin na kahit hindi dumaan sa legal process, doon palang ay masasabi kong makapangyarihan ito. Nagawa nitong posible sa isang araw lang ang bagay na dapat inaabot ng ilang buwan. Kaya nga grabe ang mga reactions na natatanggap ko sa ibang mga empleyado.
"Excuse me? Bago ka lang ba dito?" tanong ni Clara. "You're handsome, I admit, but I don't think it's alright to let a stranger crash over to my friend's private place." I am dancing with so much joy sa narinig na pagtanggi ni Clara, iyon ang isa sa mga nagustuhan kong personality ni Clara. Kahit gaano pa nito kagusto ang isang tao ay hindi nito isasaalang-alang ang safety ko sa kapritsong admiration nito.
Saglit akong tinapunan ni Heath, a faint smile linger on his lips. Makahulugang ngiti na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan. "I see. Hindi pa nga pala ako kilala ng mga empleyado dito, how about introducing me to your friend, Magd-"
"Mari Claire. Yes, that's my name." Hindi ko na pinatapos pa ito at pinutol ang dapat ay itatawag sa akin, nawala naman ang ngiti nito sa mga labi at seryosong tumingin sa akin. I don't mind, basta ayoko nang ungkatin ulit ang dati kong pangalan. Huminga ako ng malalim saka tinignan si Clara, hindi alintana ang pagtataka sa bigla kong pagbanggit ng pangalan ko. "This is Sir Heath Arche, our new Chief Executive Officer."
Nanlaki ang mata ni Clara sa gulat, napasinghap pa ito at napatakip ng bibig. "Oh my gosh! I'm so sorry, sir. Hindi ko po alam, patawarin niyo po ako." Panay hingi ng tawad ni Clara kay Heath, ngunit ang tingin ng lalaki ay nanatiling nakapako sa akin. Hindi naman ako nagpapatalo sa mga titig nito.
"But I understand na mataas ang posisyon mo dito sa kumpanya, sir. Pero sa labas ng opisina ay pare-pareho nalang tayong normal na tao, so the decision of letting you crash over in my friend's house is out of the question. Kahit gaano pa ka-importante ang role niyo dito sa kumpanya, with all due respect, sir, a stranger is a stanger. I believe ngayon palang ang arrival niyo dito sa kumpanya, and I understand na gusto niyong maging close sa mga empleyado, pero ibang usapan iyong pagpapatuloy ng taong kakikilala palang sa lugar na safe place ng kaibigan ko. That's not how things works, sir. Wala sa taas ng posisyon o awtoridad ang usapan, to us, you might be our new boss but still a stranger outside this company. Please understand my predicament."
See? That's what Clara is, minsan hinihiling kong sana ay mahawa ako kahit konti ng paninindigan nito at pagiging ma-prinsipyo.
"I fully understand your predicament, miss..." Huminto sa pagsasalita si Heath at pinasadahan ng tingin si Clara, huminto ang mga mata nito sa name plate na naka-pin sa uniform nito. "Miss Anderson, and I'm not the type of person na iimbitahan ang sarili ko sa taong kakikilala ko lang, just like what you said." Ibinalik nito ang tingin sa akin, "Miss Sarmiento knows me well, and so I am with her. Am I correct, Miss Sarmiento?"
Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Clara, nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong hininga. There goes my dream of enjoying my last day at work with Clara, and celebrating my promotion with her alone.
"Totoo ba ang sinasabi niya, Mari?" Untag ni Clara sa akin nang hindi ako nakasagot agad, napipilitang tumango na lamang ako sa takot na baka may masabi pa tungkol sa nakaraan ko si Heath. Although I have to endure the torture of being with him all throughout the day, starting this moment.
Clara gasped. "Sorry, sir. Hindi ko po alam na magkakilala pala kayo ng kaibigan ko," hingi ng paumanhin ulit ni Clara kay Heath. Gusto ko na lamang irapan ang lalaki dahil hindi nito deserve ang mga sorry ni Clara, mas malala pa ang ginawa nito sa akin noon.
"It's okay, Miss Anderson. Naiintindihan ko namang hindi pala-kwento ng nakaraan itong si Miss Sarmiento." May diin ang bawat salita nito, na mas lalong nagpaahon ng takot sa dib-dib ko. "But since I'm invited, sagot ko na lahat ng pagkain natin."
Nagtatalon sa tuwa si Clara sa narinig, hindi rin naman kasi biro ang gastusin ngayon dahil sa pamahal nang pamahal na bilihin. Baguhin palang kami kaya maliit pa ang sahod namin. Ngunit kabaligtaran ng saya nito ay pighati ko, how I wish na sana hindi nalang ako pumayag mag-celebrate. But that will sadden Clara, also hindi ko naman akalaing sisingit ang antipatikong lalaking 'to sa celebration namin. Hindi na talaga magiging tahimik ang mga araw ko, now I'm sure of it. Baka mas malala pa kaysa sa nakaraan.