Chapter 4

1387 Words
MAGDALENE'S POV Nagpatulong na ako sa maintenance staff para iakyat ang gamit ko sa 19th floor, doon kasi ang presidential office. Nasa 15th floor ang HR Department at medyo nakakapagod ang hagdan dito dahil matataas ang baytang, meanwhile may elevator naman kaya mas convenient. Mabilis lang kaming nakarating sa 19th floor, nag-pasalamat ako sa staff na tumulong sa akin at inilibot muna ang tingin sa paligid. Gusto kong aralin ang bagong lugar na magiging office ko. Sa HR Department ay open plan layout, we shared same space with other teams. Very minimal lang ang spaces. While dito sa presidential floor ay team-based layout, may partition bawat team at may kanya-kanyang space based sa project na hina-handle. Although may isang area na I think for huddle areas, wherein everyone can gather and share ideas with anyone. Mas may privacy ito compared sa open plan layout. Though kung ico-compare sa personality, this one is for introverts, and HR Department is for extroverts. Mas minimal kasi ang interaction sa ganitong set-up, but of course, on the left corner is a hallway going through the private space of the Chief Operating Officer. First thing first, sino ang mag-oorient sa akin kung anong gagawin at saan ang pwesto ko. "Excuse me, ma'am. Magtatanong lang po kung saan ang magiging table ko, as well as kung kanino pwedeng mag-inquire ng mga gagawin ko dito. By the way, I'm Mari Claire Sarmiento, bagong lipat lang ako dito sa presidential department." Nagtanong na lang ako sa pinaka-malapit na personnel mula sa kinaroroonan ko, mukhang busy pa naman ang lahat at aligaga sa mga ginagawa. Saglit na sinulyapan lang ako nito at ibinalik din ang tingin sa harap ng computer. "If you're that Mari Claire Sarmiento everyone's fussing about," muli itong tumingin sa akin. Napatayo naman ako ng diretso nang maramdaman ang tensyon mula sa mga tingin nito. Lumipat ang tingin nito sa hallway na papunta sa CEO's office, saka muling binalik ang tingin sa akin. Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "You will be the CEO's personal assistant, isn't it common sense kung sino ang makakapag-assist sa 'yo. Your position is even more significant than the secretary itself." Mataray ang pananalita at aura nito, ni hindi na ako tinapunan ng tingin matapos sabihin ang mga salitang iyon. Nag-pasalamat na lamang ako at muling bumalik sa kinaroroonan ko kanina, sa receiving area. Tiningnan ko ang mga boxes na naglalaman ng mga gamit ko, saka muling inilibot ang tingin sa paligid. May CCTV naman kahit sa common area lang, I'm sure na safe ang mga gamit ko rito. Although may mga confidential documents kasi akong dala-dala, it's safer kung may titingin sana habang wala ako. But I'm in a different space, bagong lugar at bagong mga ka-trabaho, it won't help kung magkakaroon agad ako ng bad impression sa mga 'to. Sa way palang ng pananalita ng personnel na nakausap ko kanina ay mukhang bad shot na ako sa kanila, baka isipin pang bossy ako kapag nakiusap akong tingnan ang mga gamit ko. You know, the hate-trend era never stops. Nilakasan ko nalang ang loob ko, praying na sana ay walang makialam sa mga gamit ko at tinahak ang hallway patungo sa CEO's office. Mula sa open space na nasa dulo ng hallway ay mayroong isang closed room na may metallic tag na Chief Operating Officer, in short, ang office ng CEO. At sa labas nito ay may isang table at personnel na mukhang abala rin sa ginagawa, hindi man lang napansin ang pagdating ko. Napag-alaman ko nalang na ito ang secretary ng CEO dahil sa desk nameplate nito, dahan-dahan at maingat akong lumapit dito. "Excuse me po, sir. Mawalang galang na, pasensya na po sa abala. But you see, I just transferred here and I'm lost beyond repa—" "Miss Sarmiento, right?" Hindi na ako pinatapos magsalita nito, mukhang expected na nito ang pagdating ko. But not as welcome as it should be, expected ko na rin 'yon dahil sa bilis ng mga kaganapan and so unofficial. "Opo," nginitian ko na lamang ito to lessen the tension. Huminto ito sa ginagawa, at parang napipilitang hinarap ako. "What do you want? Sa bilis ng pag-angat mo, I'm guessing may malakas kang backer. But looking at you, you seemed incompetent and lost, hindi ka ba na-orient ng kung sinong backer mo?" His words ring a bell, hindi ko alam but for some reason ay may naalala ako sa tanong nito. A bad memory from my high school life. "Sorry, sir. But it seems that there's some misunderstanding here, wala po akong backer at wala pa pong nag-oorient sa akin kung ano ang magiging job description ko, maging kung saan ang magiging table ko." Tinapunan ko pa ng tingin ang space sa tabi ng table nito, walang bagong table at chairs na pwede mong i-assume na may bagong ookupa sa lugar na iyon. Kung gayon saan ang magiging pwesto ko? "Really? Maglolokohan pa ba tayo, paano mo namang ipaliliwanag ang biglaang promotion mo. At hindi lang basta promotion kung hindi personal assistant pa ng CEO. How great can you be? Ang balita ko ay bago ka palang, kaka-deploy mula sa 3-months training. Walang kahit na sinong empleyado ang may skills na umangat ng kagaya mo, kung hindi backer ay ano?" Napalunok na lamang ako, hindi ko rin alam kung paano kong ipapaliwanag ang sitwasyon. Ayoko namang sabihin na dati kong schoolmate ang CEO at may past kami, baka kasi dumami ang magka-interest at alamin ang nakaraan namin. Para saan pa ang pagtitiis ko at pagtatago ng tunay kong katauhan? "With all due respect po, I'm sorry if my sudden promotion hurt or offended you, gusto ko lang pong malaman kung saan ang magiging table ko at ang magiging trabaho ko as personal assistant. Medyo marami na po kasi akong oras na nasayang ngayong araw, kaya gusto ko sanang matapos na ang paglilipat ngayon para makatulong na rin sa trabaho niyo." Hindi ko alam kung may mali ba sa mga nasabi ko, pero mas lalong umasim ang mukha nito. Tila ba hindi nagustuhan ang narinig, may sarkastiko pang ngiti ang sumilay sa labi nito. "I see. As if you're telling me na hindi na ako kailangan dito dahil nandito kana para kunin ang trabaho ko. Great! Na para bang kaya mo nang gampanan lahat ng ginagawa ko, but of course you will be that confident, gaya nga ng sabi mo ay na-promote ka with pure skill kahit na baguhan ka pa lamang." That's not what I meant. Kahit na minsan ay hindi gano'n ang ibig kong sabihin, pero mukhang mayroon na itong ibang meaning sa lahat ng sasabihin ko sa una pa lamang. And if I'm not getting it wrong, possible na kumalat ang encounter na ito sa office any minute at syempre negative side on my part. I hate it. Kasalanan ito lahat ni Heath, simula high school hanggang ngayon ay puro pasakit at problema ang dulot nito. And right now, I can't argue or even defend myself, because at this moment isa lang akong dark horse na sa tingin ng lahat ay isang threat. Na nakuha ang lahat sa madaling paraan, at na-bypass pati ang company regulation. Just how crazy how powerful people works. "Again, I'm sorry po, hindi ko na ipapagtatanggol ang sarili ko sa lahat ng accusation niyo. But please, even if just today, can you help me settle down?" Masama ang tinging ipinukol nito sa akin, nagdadabog na tumayo mula sa kinauupuan. "Follow me," anito. Kahit na natatakot ay bahagya akong nakaramdam ng tuwa dahil finally magkakaroon na ako ng panandaliang katahimikan, I can work at peace and my own place. Natigilan lang ako nang ang tinungo namin ay ang pinto ng office ni Heath. Tumayo ako ng maayos nang sulyapan ako ulit nito. Kumatok ito nang mahina to make the people inside aware of our presence, nang walang nagsalita mula sa loob ay binuksan na nito ang pinto. Nanlalamig ang mga kamay na sumunod ako dito papasok sa opisina ni Heath. Sana ay nagkakamali lang ako ng naiisip, dahil sa left side ng office nito ay mayroong isang bakanteng table na mukhang bago lamang. Nasa center corner ang table ni Heath, and based on my observation ay mukhang wala naman itong balak lumipat ng pwesto. I'm just silently praying that I'm wrong about this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD