Chapter 5

851 Words
MAGDALENE'S POV "Good morning, sir. Miss Sarmiento just arrived and seems at lost as to where her station will be, as well as her new job." Yumuko ako nang mag-angat ng mukha si Heath, ayokong salubungin ang mga tingin nito. Pakiramdam ko palang ay mukhang sinusuri nito ang kabuuan ko. "Right. Hindi nga pala kita nasabihan kung saan ang magiging station mo, pati ang magiging trabaho mo as my personal assistant. Sorry, ang nasabi ko lang kanina ay regarding sa promotion mo, I should've been more mindful." Gusto kong masuka sa narinig, para itong inosente sa mga sinasabi. As if talagang nakalimutan nitong i-orient ako sa new station at job ko, I'm sure planado nito ang lahat. And he's sorry? As if that's sincere, knowing him, sa dami ng kasalanan niya sa akin ay ni minsan hindi ko ito nakitaan ng remorse, humingi pa kaya ng tawad? "It's fine, sir. But if you'll excuse me, baka pwede ko nang malaman ang new station ko and kahit through email nalang ang details regarding my new job description." "Miss Sarmiento, don't you think it's disrespectful to rush the CEO and demand him to what he should do." Naitikom ko nalang ang bibig ko nang bigla akong sitahin ng sikretarya nito. May kasama nga pala kami, hindi ako pwedeng umasta na gaya ng dati kong ginagawa. Sadyang parang naglaho kasi ang nasa paligid ko at tanging ako at si Heath lang ang nag-eexist. "I'm sorry, sir." Mabilis kong hingi ng paumanhin, patagong naikuyom ko nalang ang mga kamao ko nang makita ang pagsilay ng satisfied na ngiti sa mga labi ni Heath. "It's okay, Ron. Ako naman ang may kasalanan at na-inconvenience si Miss Sarmiento." Suway ni Heath sa sikretarya nito, na sana ay hindi nalang nito sinabi ang mga salitang iyon. Tiyak na magiging negative na naman ang dating no'n sa nakakarinig. "Also, thank you for assisting Miss Sarmiento, I'm hoping that you will assist and support her in the future as well." "Yes, sir." Kumpara sa approach sa akin ng sikretarya ni Heath simula kanina hanggang ngayon, ibang-iba ang pakikitungo nito kay Heath. Para itong maamong tupa, habang sa akin ay parang isang wild na tigreng pwedeng sa kahit anong oras ay mangagat. "You may leave now, Ron. Ako na ang bahala kay Miss Sarmiento, even though I'm busy, I can always make time for her. That's how important Miss Sarmiento is," he politely said. Ngunit kahit gaano pa kaayos ang pagkakasabi nito sa mga salitang iyon ay iba ang dating sa akin, alam kong may hidden meaning gaya ng mga tinging ipinupukol niya sa akin. Nagbigay galang lamang ang sikretarya ni Heath dito at tinapunan ako ng makahalugang tingin bago ito lumabas. Ngayon ay dalawa na lamang kami ni Heath sa loob ng opisina nito. "Welcome to your new station, Miss Sarmiento. Simula sa araw na 'to ay under kana ng supervision ko, so as much as possible ay gusto kitang ma-monitor from time to time. That's why naisipan kong dito nalang din sa loob ng office ko ang maging new station mo, mas mababantayan at matutulungan kita." Sinasabi ko na nga ba, eh. Masama ang kutob ko sa bakanteng table na nandito. "But, sir, hindi ba mas maging issue ito kapag nagkataon?" "Issue? Bakit magiging issue kung ako ang may desisyon nito? I'm the CEO, sino ang maglalakas ng loob na kalabanin ako?" It seems na hindi ito aware na naging malaking issue ang biglaang pag-promote nito sa newbie na katulad ko. Still inconsiderate, I see. Simula noon hanggang ngayon ay gumagawa ito ng mga bagay na hindi inaalam ang epekto nito sa mga nasa paligid nito, wala rin itong pakialam sa nararamdaman ng iba, basta ikasisiya nito. "Kukunin ko lang po ang mga gamit kong naiwan sa receiving area," wala na rin naman akong magagawa. Might as well go with the flow, sino nga ba naman ang kakalaban dito? "Do you need a hand? I can help you," suhestiyon nito. "Hindi na po, sir. Kaunti lang naman ang mga gamit ko, I can handle it." Kahit pa gaano kadami ang mga gamit ko, magpapakahirap nalang akong isa-isahing kunin ito kaysa humingi ng tulong dito. I'm sure na malaki ang kapalit sa kahit maliit na tulong lang nito, I know him. "Alright. Please don't rush, marami pa tayong oras at panahon, we can continue what we left off six years ago anytime." Nagbigay galang lang ako at lumabas na ng opisina nito, maluwang ang office nito pero pakiramdam ko napakasikip para sa aming dalawa, kahit ang paghinga ay napakahirap. To think na simula sa araw na ito ay ganitong sitwasyon ang kailangan kong tiisin, pwede naman akong mag-resign pero wala pa akong sapat na ipon dahil kasisimula ko palang. Yung allowance ko at savings noon ay nagamit ko na sa pag-aaply dito, hindi ko afford na basta nalang umalis. Magtitiis nalang muna ako hanggang makalikom ng sapat na ipon para makahanap ng bagong trabaho, kahit sa mas maliit na kumpanya at mas maliit ang sahod. Makaalis lang sa puder at paningin ni Heath. He will be the death of me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD