Chapter 6

1106 Words
HEATH'S POV Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa nakikita ko, I offered help but she refused. Now I'm watching her as she pulls the boxes one by one, back and forth, and she's almost out of breath. Naiiling na lamang ako. Just how stubborn can she be? "Ayaw mo talaga ng tulong?" Huling offer ko, ayoko namang pilitin kung ayaw. Magmumukha lang akong tanga. "Yeah, yeah. Don't mind me, just focus on your work." "Then move carefully, you're distracting me. Your noise are everywhere." Gusto ko mang gawin ang sinabi niya na mag-focus sa ginagawa ko, maya't maya naman akong nawawala sa focus dahil sa pagparoo't parito nito, isama pa ang tunog ng nakakaskas na box sa tiles. Tinitignan ko nga kanina kung nag-iiwan ba iyon ng marka sa sahig, not that I mind, but fortunately ay hindi naman. Sadyang maingay lang ito kumilos. "See the reason why we can't be together in one room? Maingay ako, gusto mo ng tahimik, do opposite attracts even sa work?" "What are you trying to prove?" "Ilipat mo ako sa labas, kahit sa tabi ng secretary mo. Hindi naman siguro kalayuan ang pwestong yun para makausap at ma-monitor mo ako everyday, hindi ba?" Tinitigan ko ito, amused. "May nakikita ka bang salamin o bintana na nagco-connect sa labas?" tanong ko. Hindi ako fan ng team-based layout, as much as possible ay gusto kong mag-isang gumagawa. Kaya naman pina-personalize ko itong office na walang makikitang kahit anino sa labas, sapat na yung isang glass window kung saan tahimik na kalikasan ang makikita. I'm not fond of teamwork, kinakaya ko naman simula noong nag-start akong mag-trabaho. The only exception is this girl, and she's not even aware of it. How infuriating. Inilibot nito ang tingin sa paligid, bumagsak ang balikat matapos makita ang kawalan ng pag-asa. "But seriously it's uncomfortable to work while your boss is just around the corner," saad pa nito. "Just get used to it, masasanay ka rin." Tumayo ako dahil wala na rin naman akong magagawa, distracted na ako sa maya't mayang pagkilos nito at mukhang matatagalan pa ito bago makapag-settle down. Medyo tambak pa naman ako ng gagawin, I'll just work later after the party. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tiningnan ko ito. Akala yata nito ay aalis ako dahil tumayo ako at inayos ang long-sleeve ko. "Bakit? Sasama ka ba?" Mahina akong natawa pagkakita sa paglukot ng mukha nito, she's really entertaining kapag naiinis ito. "If work-related and required ang presence ko, why not? Pero kung random stroll lang, no thanks. I have better things to do." "Are you hungry? Nag-lunch kana?" "Oo, kanina bago ako umakyat dito." Hindi man lang ibalik ang tanong, I'm trying to make a conversation here. "Meryenda? Anong gusto mong meryenda? You look tired." "Don't mind me, pwede naman akong mag-order online mamaya." "What do you want? Tell me, ako na ang oorder." Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at hinanap ang grab food na app. "Okay, I'll pay for my food. Don't even think of paying my orders, hindi ako freeloader. Pareho lang tayong nagta-trabaho at kumikita." "Isn't it a man's job to treat their lady?" "I don't know, naniniwala ako sa 50/50 kung hindi kaya ng budget. Also, I am not your lady, applicable lang yun sa magka-relasyon. Hindi tayo talo." "What do you mean? Mas attracted ka sa babae?" "No! That's not what I meant, ikaw lang yung taong hindi ko kailanman naisip na makaka-relasyon ko." I'm not sure but her words ticked me off. Hindi ko naman siya type, gusto ko lang mawala ang boredom ko at ito lang ang natatanging tao na nakakapag-pasaya sa 'kin tuwing nabo-bore ako. When I'm teasing her I mean. "Why?" "The simple term is langit ka, lupa ako. And the rest is a personal reasons." "May iba pang reasons?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito. Ano ba ang tingin nito sa akin? Pinaka-mayaman sa mundo kaya hindi kami pwede? But what are the other reasons? "Of course. 21st century na 'no, hindi na issue yung estado sa buhay kapag nakikipag-relasyon, so that's the lightest reason." "What's the heaviest reason?" Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito, hindi ko maipaliwanag ang emosyong naglalaro sa mga mata nito. "I don't like you. In fact, I hate you, kung may option lang ay hinding-hindi ako lalapit sa 'yo. Kahit man lang anino ko ay hindi ako magpapakita sa 'yo." I can feel the hate in her voice, so I know she's telling the truth. "You hate me that much?" "Yes." "Is that a form of rebellion? Dahil hindi ako pumayag sa gusto mo, at ipinilit pa rin ang gusto kong dito ka sa tabi ko?" "Karagdagan nalang 'yan sa long list ko," wika nito. What have I done to her? Wala akong natatandaang may ginawa akong masama dito. But the way she looks and talked, I know it's out of disgust and hate. "I don't like you too, but I'm having fun hurting you and making you cry. Weird, right?" Lalo namang lumalim ang kunot sa noo nito, parang hindi nagustuhan ang narinig. "Am I a joke to you? Laruan?" Muntik ko nang makalimutan na gusto kong nakikita itong naiinis at nagagalit, just what are those weird feelings earlier? "Somewhat..." "You really are unbelievable," naiiling na anas nito. Natawa nalang ako dito. Simula naman noon ay gano'n na ang set-up naming dalawa 'di ba? Anong nakakagalit do'n? We're just playing. And all those times, I can't help but feel excited and rush sa tuwing naiisip kong maiinis ko na naman ito. It started when we were in high school, wala naman talaga akong pakialam sa ginawa nito kay Aurora noon. Isa lang naman yun sa mga babaeng pinipilit ang sarili sa 'kin kaya pinagbigyan ko nalang, and when she cried to me telling her what Magda did, gusto ko nalang matawa. She did the right thing, and when Aurora told me to seek revenge for her. Hindi ko naman sana tatanggapin, but she's just different, wala itong pakialam sa akin. Parang hindi nga ako nag-eexist sa mundo niya, at ako ang palaging nakatingin dito, not the other way around. That's why I started those pranks I did back then, and it's satisfying to see na nasa akin lahat ng atensyon nito. Maging ang iba-ibang emosyon nito ay sa akin niya unang pinakita - takot, lungkot, sakit, galit at disgusto. I know those are negative emotions, but who cares if I'm hurting her? As long as nakukuha ko ang gusto ko sa kanya, I'll still do it again and I'll continue doing it from this day forward. I can't wait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD