MAGDA’S POV
“I’m surprised you can hold your liquor,” bulong ni Heath. Tiningnan ko ito, may pagbabanta. Ayokong makita ni Clara ang pag-bulong bulong nito, baka kasi isipin ng kaibigan ko na sobrang close kami. kahit nga isang porsyento ay hindi kami close nito.
“Yes, sa probinsyang kinalakihan ko, inuulam namin ang tuba. Alam mo naman siguro kung ano ang tuba? Katas ‘yon na nakukuha sa niyog, hindi rin ako pamilyar kung paanong kinukuha pero parang traditional liqour siya at nakakalasing. Syempre kapag exposed ka sa matapang na inumin, ano pa bang ine-expect mo sa hindi naman gano'n katapang na alak?”
Habang umiinom ng soju, nilalantakan namin ang mga inorder naming pagkain. Parang juice nga ang ginagawa namin dito, hindi naman kasi pang-pulutan yung mga binili naming pagkain. Spaghetti, fried chicken, at pizza. Tatlong klase lang, tatlo lang naman kami at baka mahirapan pa kaming ubusin.
“Probinsiya? Hindi ka taga-Manila talaga?”
Naiinis ako, bakit ba parang normal na kinakausap lang ako nito. Nakalimutan na ba nito lahat ng ginawa nito sa akin noong high school kami? Ito ang dahilan ng kalbaryo ko, dahil doon ay naging bad memories ang high school life ko.
“Hindi, taga Nueva Vizcaya ako. Doon sa amin mayroon kang madadaanang taniman ng niyog, kaya mura lang ang presyo ng tuba kapag bumibili kami. Minsan nakukuha pa namin ng libre kasi kaibigan ni tatay ang namamalakad doon.”
Tumango ito. Pinaningkitan kami ni Clara ng mata. “Kayong dalawa ha, nakakahalata na ako. Parang hindi ako nag-eexist dito, kayo lang ang nag-uusap.”
“Ito kasing lalaking ‘to, panay kausap sa ‘kin.” Matalim kong tinignan si Heath, wala naman itong pakialam at tumawa lang ng mahina.
“Ano ba kasing pinag-uusapan niyo?” tanong pa ni Clara.
“Kung paano akong nasanay uminom ng alak,” diretsang sagot ko. Wala namang dapat isikreto sa pinag-uusapan namin, kaya nagtataka ako kung bakit bulong nang bulong itong katabi ko. Naiinis pa ako dahil sa akin tumabi, apat naman ang bakanteng upuan.
“Oo, noong last time na isinama ako niyang sa probinsiya nila, ang dami kong sinuka sa tapang ng alak nila. Pero masarap at uulitin ko kapag may chance ulit, kailan kaya ulit tayo makakabisita sa inyo, ‘no? Iyong huli kasi noon pang orientation natin.”
Naisama ko na minsan si Clara sa probinsya namin at nasubukan na nitong uminom ng tuba, totoo ring nagsuka ito ng marami dahil sa kalasingan. Pagkatapos kasi ng 3 months orientation nila, kinailangan kong umuwi kasi may naiwan akong isang requirement at nire-require ng HR na balikan ko. Si Clara naman na mukhang mahilig sa gala at walang problema kung saan man ito pumunta, nag-insist na sumama sa akin. Dalawang araw lang naman kami doon, pero hindi malilimutan ang saya.
“Kapag nakapag-adjust na ako sa bago kong trabaho, maybe during legal holidays para hindi na natin kailangang mag-leave. Kaunti palang naman ang leave natin.”
“When exactly?” Singit ni Heath sa usapin namin.
“Anong when exactly?” Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nito, bigla nalang kasing sumisingit sa usapan.
“Kayo babalik sa probinsya niyo, give me a specific date.”
Tinaasan ko ito ng kilay. “Pati ba naman do'n makikisali ka? Hindi pwede, ‘saka depende sa schedule namin. Matagal pa naman ‘yon.”
“Kaya kong ipa-adjust ang mga schedule niyo, just tell me a specific date.”
Napangiwi ako dahil parang biglang pumait yung alat, o baka dahil sa disgusto ko sa naririnig.
“Ayoko. Hindi ako nagpapapunta sa amin ng kung sino-sino lang.”
“I am not just anyone,” katwiran pa nito.
“As far as I remember, hindi naman tayo close para isama ka sa probinsya namin. Isa pa, bakit ba interesadong-interesado kang sumama sa lahat ng lakad namin?”
Ang weird kasi, parang palagi itong nakabanta sa mga kinikilos at pinupuntahan ko.
“Because I'm monitoring you.”
Natawa ako sa dinahilan nito. “Sa work pwede, pero sa labas ng trabaho? Excuse me pero parang ang creepy na yata no'n at hindi na maganda sa pandinig, are you stalking me?”
“I agree. Naiintindihan kong naging classmates kayo noong high school, pero sabi nga ni Mari ay hindi naman kayo close. Hindi sapat na dahilan ang classmates kayo dati para isama ka niya.”
“Pwedeng manahimik ka nalang d'yan at huwag makialam sa amin, kami ang nag-uusap dito.” Pagpapatigil nito kay Clara, tila napahiya naman ang kaibigan ko kaya't agad na itinungga nito ang laman ng baso nito.
Sinamaan ko ng tingin si Heath. “Ikaw itong biglang sumingit sa usapan namin, tapos nagpupumilit pang sumama sa probinsya namin. Ikaw ang dapat lumugar.”
Huminga ito ng malalim.
“Are you choosing her over me?"
Lasing na ba ito? Look at him teasing me about how I can hold my liquor, but he can't hold his liquor. Nakakabaliw lang isipin ang tanong nito, sino namang sira ang pipiliin ang taong kinamumuhian niya over her friend?
“Of course, she's my friend. Sino ka ba? Ano ba kita?”
“I'm your boss, in short, you're working under me. I own you.”
Nagkatingin kami ni Clara, parehong gulat ang ekspresyon ng mga mukha. Maya-maya ay natawa nalang kaming pareho.
“He's drunk,” naiiling na wika ko. Mabuti nalang at bigla nalang itong nakatulog, kung hindi ay baka kung ano pang ibang ka-weirduhan na sinabi nito.
“But don't you think it's weird? Parang may attachment siya sa ‘yo na higit pa sa pagiging boss at empleyado niyo. What's up with that? Sigurado ka bang hindi kayo close noong high school kayo?”
“Never.” Umiling pa siya para lang klaruhin ditong hindi talaga sila close ng lalaki.
“Maybe, he's interested in you?”
Tuluyan na siyang natawa. “As if, and even if that's true, hindi pwede. Ayoko.”
“Do you hate him?”
Super. Pero hindi ko aaminin, not now at least, hindi pa ako handang malaman ni Clara ang pass ko. Natatakot ako.
“Hindi ko siya type, kabaliktaran niya ang tipo ko sa lalaki.” Nag-imbento nalang ako ng dahilan, kahit minsan ay hindi pa naman pumasok sa isip ko kung ano ang tipo kong lalaki. One lie won't hurt.
“Aw. That hurts, mukha pa namang may gusto ‘to sa ‘yo, although nagiging pushy at attitude siya minsan. But I think he's being possessive, and he wants to own you.”
Nagkibit-balikat ako. “Whatever his reason, my decision is the same. Ayoko, hinding-hindi ko ito magugustuhan.”
“Huwag kang magsalita ng tapos, Mari. Baka kainin mo lang din ‘yang sinabi mo, gwapo pa naman at mayaman.”
Umismid ako.
“Aanhin ko naman ang gwapo at mayaman, kung ubod naman ng sama ng ugali?”
“Sigurado kang wala kayong nakaraan? It seems like you hate him.”
Natigilan ako. Nadala ako ng emosyon ko, muntik ko na ilaglag ang sarili ko kay Clara. Minabuti kong ibahin nalang ang usapan, bago pa ako nito mahuli sa sarili kong patibong.