Chapter 8

1580 Words
Magdalene's point of view Maaga akong nagising para pumasok sa trabaho, si Clara ay maaga ring gumising para makauwi pa at makapagbihis. Tinapunan ko muna ng tingin ang lalaking mahimbing na natutulog sa maliit na sofa, ayoko sanang iwan ito sa loob ng pamamahay ko. Kaso mas ikatutuwa kong makita na late ito at hindi nakapasok sa tamang oras dahil nakainom kagabi kaya late nagising. Kung may makakakita sa akin ngayon na tumatawa, aakalain ng mga ito na nababaliw na ako o kaya naman ay may ginawa akong krimen na successful ang resulta. Tahimik lang akong nagsimula ng aking araw, na-briefing naman na ako sa mga gagawin ko. Bukod sa iayos ang mga schedule ni Heath sa araw araw, trabaho ko ring i-update ito sa iba pang kailangan nitong gawin. Magiging parang buntot ako nito na palaging nakasunod sa lahat ng pupuntahan at gagawin ng lalaki, kailangan ko rin kasing gumawa ng reports tungkol sa mga achievements at result nito. Hindi na ako sobrang nagulat nang biglang bumukas ng malakas ang pinto, nag-react lang ako sa ingay. “You!” Ang aga-aga ay mataas ang boses ng aking boss, lihim akong napabungisngis dahil doon. Deserve niya naman. “You're late, sir. That will be included in your bad records,” pang-aasar ko pa dito. Mas lalo namang sumama ang tingin nito sa akin. “You did on purpose, didn't you? Hindi mo ako ginising para ma-late ako,” wika nito. Umakto naman akong parang walang alam at nasasaktan sa paratang nito. “Sir? Sobrang lasing niyo po kasi kagabi, nakakahiya namang gisingin ang boss ko na mahimbing ang pagkakatulog. Baka mapabilang pa ako sa bad records nito.” Ngumiti ako, a sly smile. “Gusto mo ba ng kape, sir? Ipagtitimpla kita para mawala ‘yang hangover mo.” “Hindi ako sobrang lasing kagabi, I even remembered what I said!” Napakurap ako. He remembered? He’s aware? Sinabi niya ang lahat ng iyon na sober siya? “Bago ka pa mag-init sa galit, sir. May meeting ka this morning, around 9am to 12 noon. May 15 minutes pa po kayo para mag-prepare.” Tinuro ko ang relong nasa aking bisig, 09:45 na ng umaga at siguradong magagahol ito sa gano'n ka-short na notice. Ngumisi ito. “Is that all? You offered some coffee earlier, bring it to me now.” Madiing utos nito. Nayayamot na sinunod ko naman ang inutos nito, dalawang kape na ang tinimpla ko para sa ‘kin. Hindi pa rin kasi ako nagka-kape kahihintay sa reaction nito, hindi ako makakapag-focus hangga't hindi natutuwa sa makikitang reaction nito. But he seemed unaffected, in fact, he look prepared. Maingat kong inilapag ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa nito, hindi ito nagtaas ng tingin para tingnan ako o maski nagpasalamat man lang. Nagpatuloy lang ito sa pagre-review ng meeting agenda mamaya. Bumalik na lamang ako sa aking table. Habang humihigop ng mainit na kape, hindi ko mapigilang huwag mapatingin dito. Naaalala ko pa rin ang lalaki sa panaginip ko, fortunately ay wala akong napanaginipan kagabi. Siguro dahil may mga kasama ako sa bahay kaya pakiramdam ko ay safe ako. Malayo sa kapahamakang dala ng lalaki sa panaginip ko. “Am I too attractive to your liking?” Tanong nito. Nag-angat ito ng mukha kaya agad na nagtama ang mga tingin namin. Halos maibuga ko ang kapening ininom ko dahil sa gulat. “No, it's the opposite. You're so ugly,” kontra ko rito. Tumawa lang naman ito ‘saka tumayo at lumapit sa akin. May inilapag itong black folder sa harap ko. “Since I appreciate your utmost effort of blending a coffee for me, I am giving you an opportunity to pitch your idea later.” Napalunok ako. Tulalang napamaang dito. “Ano? Bago lang ako rito, nangangapa pa nga ako sa maraming bagay.” Nababaliw na ba ito? Big opportunity mang maituturing ang mabigyan ng chance na mag-pitch ng idea sa isang board meeting, hindi para sa akin. Lalo na kung clueless ako sa in and outs ng mga process na kailangang pagdaanan. “What's the problem? You're being considerate earlier of not waking me because I sleep comfortably in your house, now it's my turn to give you the favor.” He leaned closer to me, almost inches away to my face. I can smell his mint flavor breath. “Gusto mo bang masira sa unang araw mo ng pag-attend sa board meeting?” “Bakit ako masisira?” He caressed my hair, agad akong nag-iwas. Umayos ito ng tayo kaya nakahinga na ako ng maluwag. “Ikaw ang magmumukhang incompetent sa harap nila kapang pumalpak ka, hindi naman ako.” “But I'm under your supervision, kahit anong bad impression sa akin ay magre-reflect din sa ‘yo.” “Then do your job right, huwag mo akong ipapahiya. Learn to separate professional and personal matters, Magdalene.” Parang nanindig ang balahibo ko nang unang beses kong narinig na sambitin nito ang buo kong pangalan, simula noon kasi ay palaging Magda ang tawag nito sa akin. Magda na gising sa umaga, tulog sa gabi. Magda na mababa ang lipad. “It's ironic to hear it from you, sir.” Hindi ko na ito hinintay makasagot sa akin, tumayo ako at nagtungo sa comfort room. Umaahon na naman ang galit na matagal ko nang ibinaon sa puso ko. That certain moment where he forgot to separate professional and personal matters, the very reason why I isolated myself in this faraway land. Only to be chased by him again. Naghilamos ako para mabawasan ang init ng ulo ko. Maybe if I have a different name, maybe our path didn't cross at all. Sana ay wala akong problema, walang siraulong bumubuntot sa akin saan man ako pumunta. Walang baliw na ipinagkakait ako sa iba at kini-claim na pag-aari niya. Para akong isang bilanggo na nakatali sa isang kadena, kadenang ito mismo ang may hawak ng susi. Natatandaan ko noon ang palagi nitong tanong, kung kailan ako makakawala sa kadena? Only he can set me free, but I don't know if he's aware of that. He's a self-centered and conceited man, he won't back down that easily. Paglabas ko ay wala na akong kasama sa loob ng opisina. Tiningnan ko ang oras at halos magkanda-dapa dapa ako sa pagmamadali para mahabol ang lalaki. Mukhang bumabawi ito sa ginawa kong pang-iiwan kanina, hindi man lang ako kinatok o tinawak na aalis na ito. Sana ay umabot ako sa unang board meeting nito, sigurado na ang termination ko kapag wala akong nai-submit na report tungkol sa meeting na ito. Bwisit na lalaki! Kung hindi lang ako nito hinila sa puder nito ay hindi ako parang asong humahabol dito. Hinihingal na huminto ako sa harap ng elevator, nakahinga ako ng maluwag nang hindi pa rin iyon sumasara hanggang sa makarating ako. “Thank you, sir.” Pagpapasalamat ko sa lalaking pumigil para magsara ng tuluyan ang elevator. “It's nice to see you out of breath,” kumento nito. Natulala naman ako at panandaliang nakalimutan ang paghahabol ng hininga. Kapag nga naman pinagloloko ako ng tadhana, si Heath pala ang lalaking tumulong sa akin. “Clears to show how hideous you can be, sir. It amused you seeing your employee out of breath.” Inayos ko na lamang ang postura ko at tumayo ng maayos. Hinihingal pa rin pero manageable na. “I waited for you for about 3 minutes already, is that how you extend gratefulness?” Hindi ako nakaimik. Mukha ngang hinintay ako nito dahil marami pa akong inayos na papel bago nakasunod dito, kung eestimate ang time ay dapat nakarating na ito ngayon sa meeting room. Tiningnan kong muli ang oras sa aking suot na relo. “We’re 2 minutes late. Bakit hinintay mo pa ako? Nakaabot ka sana kung hindi mo ako hinintay.” Pagalit ko rito. Okay lang naman na ma-late ako, mas acceptable dahil alalay lang naman ako nito. Compared dito na siyang magli-lead ng meeting. “What? And let someone else scold you? Dadaan muna sila sa akin bago nila magawa ‘yon.” Ngumisi ito at kumindat sa akin. Hindi na lamang ako sumagot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago, tinatrato pa rin akong property na bawal galawin ng iba. Gusto nito ay tanging ito lang ang pwede, na para bang ito ang nagluwal sa kanya. Nilingon ko itong muli. Just what's running his head? Kung kaya ko lang magbasa ng isipan. “Can I ask you something?” Hindi na makapagpigil na tanong ko. “You're already asking.” Napasimangot ako sa naging sagot nito, huminga na lamang ako ng malalim para kalmahin ang sarili. “Have we met before? I mean not as classmates, but something that involves romantic...” Kahit ang ituloy ang sinasabi ko ay hindi ko magawa, nandidiri ako sa isiping iyon. “Like what? If there's a chance that I fall inlove with you?” Pagpapatuloy nito. Tumango na lamang ako, hindi ko maatim na sabihin ng diretso. “I'm clear in my proposition that I want you, I’m obsessed with you. But as for the matter of heart,” pinasadahan ako nito ng tingin. “Not bad, but I can't tell until I have a taste of you. I preferred delectable meals, so you know.” Naiwan akong nakaawang ang bibig at hindi pa rin makapaniwalang sumunod dito. Natatawa lang naman ito sa reaction ko. May saltik nga talaga ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD