Magdalene’s point of view
Nakatuon lamang ang focus ko sa nagaganap na discussion the entire time, nasa loob kami ng suffocating na meeting room kung saan kahit gaano ako katalino ay hindi ko minsan masundan ang pinag-uusapan nila. Siguro dahil wala akong ideya sa ibang topic nila. Mostly lang ng naiintindihan ko ay tungkol sa mga projects na na-review ko na.
“Excuse me, miss. I'm thirsty, can you blend some coffee for us?”
Natigilan ako nang may tumawag sa akin. Inuutusan akong magtimpla ng kape, tatayo na sana ako para sumunod nang bigla nalang hinampas ng malakas ni Heath ang ibabaw ng mahabang mesa. Sanhi para lahat ay matigilan at magulat.
“Perfect timing! Parang gusto ko rin ng kape, will you buy me some Americano? Kunin mo na rin ang gusto ng lahat, sagot ko na.” Wika ni Heath, hindi inaalis ang tingin sa lalaking nag-uutos sa akin kanina.
“S-sir? Are you talking to me or your...” tiningnan ako ng lalaki.
“Oh, her? She’s my executive assistant, may special task siyang kailangang gawan ng reports. Hindi siya pwedeng umalis sa tabi ko, might as well utusan ng kahit sino.” May pagbabanta ang boses nito. Mahina kong hinila ang laylayan ng itim na suit nito at marahang lumapit dito.
“What are you doing? I can do just that,” bulong ko.
“You can, but I don't like it. Ako lang ang pwede mong pagsilbihan.”
Naiiling na lamang akong bumalik sa pagkakaupo, malala na talaga ang tama ng lalaking ito.
“But sir, I’m the head of—”
“And I’m the Chief Executive Officer, who has the higher authority between us?”
Feels like a power struggle, but of course whoever has the higher position wins.
“Fine. I will tell my secretary to order some coffee for us.”
“No. I want you to buy the coffees personally, you have the audacity to ask one of my employees to blend you with some coffee while at work. I don't think it will matter to you if I asked you to personally buy the coffee for me, ayoko kasing hindi basta kilalang tao ang bumibili ng kape ko. I have a lot of demands they might not be able to handle.”
Mararamdaman ang tensyon sa paligid, walang gustong bumasag o pumagitna sa dalawang nag-uumpugang mga bato.
“But we're in the middle of a meeting, sir.”
“So? Does your opinion matter?”
Lalong sumama ang timpla ng mukha ng lalaki, masama ang loob na tumayo ito. Pinukol pa ako ng matalim na tingin bago tuluyang lumabas. Kinakabahang binalingan ko si Heath, mukhang wala naman itong pakialam sa paligid. Kung tutuusin dapat ay nag-iingat ito, masyado pa itong bata para sa posisyon nito ngayon kaya’t mainit ang mata ng karamihan dito. But look at him challenging a superior just now. He's digging his own grave.
“Let's proceed,” wika pa nito na parang wala lang nangyari. Dahil lang sa kape ay mukhang mapag-iinitan pa ito, auditory department pa naman ang kinalaban.
Natapos na ang meeting pero walang nakarating na kape, mukhang wala namang maraming nagtaka o nagulat. Halatang expected na nila ang lahat ng nangyari.
“Come to think of it.” Huminto si Heath sa paglalakad kaya naman napilitan din akong huminto. “Where’s my damn coffee?”
Nilingon nito ang pinanggalingan nilang meeting room, wala ng tao doon.
“Ako na ang bibili ng kape para sa ‘yo,” nauubusan ng pasensyang wika ko.
“Mas preferred ko ang timpla mong kape, ipagtimpla mo na lamang ako.”
Kung maaari ko lang na hampasin ng hawak kong patong patong na folder ang lalaki ay ginawa ko na. Nabibigatan na ako sa dala ko, nakukuha pa talaga nitong dumagdag.
“As you wish, sir.” Nahihirapang sagot ko.
“Is that heavy? Here, let me give you a hand.”
Nagulat na lang ako nang bigla nitong agawin ang mga dala kong folder, parang wala lang naman dito ang bigat no’n.
“Hindi na kailangan. Ibalik mo na sa akin, ako ang assistant mo dito. Baka mamaya maging issue pa.”
“Sshh. Let them talk whatever they want, it doesn't matter to me. Don't mind them. Sa ‘kin lang ang tingin, sa ‘kin lang dapat ang atensyon mo.”
Sumuko na ako sa pagkuha ng mga folder. “I'm not your property, fyi.”
“Your opinion on the matter is none of my concern.”
Malakas kong hinampas ang braso nito, mukhang nagulat ito panandalian sa naging reaction ko. Maging ako ay nabigla.
“You’re such an obsessive freak!” Singhal ko rito.
Tumawa lang ito.
“I like it when you're being defensive,” kumento nito.
“I hate you!”
Wala na akong pakialam kung may ibang makarinig, totoo namang kinamumuhian ko ito. Hanggang ngayon tanging ang alam nitong gawin ay manduhan ang buhay ko, bigyan ako ng hard time at asarin ako.
Paulit-ulit na huminga ako ng malalim nang makabalik kami sa loob ng opisina namin.
“What's my schedule for the afternoon?” tanong nito.
“I sent you your schedule, i-check mo.”
“But you're my assistant, trabaho mo ang i-update ako sa mga schedules ko.”
“Magtitimpla ako ng kape mo!” Malakas na sigaw ko.
“Fine. Fine. Kung magalit ka ay parang ginutom kita, sinigurado ko namang busog ka bago matapos ang meeting ah.”
“Hindi ikaw ang bumusog sa ‘kin, kasama na talaga ‘yon sa set-up ng meeting. Huwag ka ngang credit grabber.”
“Malaki na talaga ang nagbago sa ‘yo. Hindi kana iyong submissive na Magda'ng pinaglalaruan ko, you became like a wild wolf always waiting a chance to bite me.”
“Because I am, so watch your back.”
Tinuro nito ang bandang kanan na side ng leeg. “Mark me here.”
Lalong nalukot ang mukha ko. “Pervert,” nandidiring saad ko.
“Ikaw ang nagsabing kakagatin mo ako, tinuturo ko lang kung saan ko gustong mamarkahan mo.” Natatawang tugon nito.
“Kung lagyan ko nalang kaya ng lason ang kape mo?”
“Then you have to drink it first and transfer it to my mouth, that sounds fun. Why not try?”
Ibinagsak ko ng malakas ang lalagyan ng creamer. Mukhang nag-eenjoy lang naman ito sa nagaganap.
“You know malapit ko nang isipin na ‘yang obsession mo sa ‘kin ay may romantic feelings na involve.”
“Think about it then, no one's stopping you.”
“So you do have romantic feelings for me?” Parang may bumundol sa puso ko nang itanong ko iyon, lumalakas ang tibók no'n habang tumatagal ang pagsagotnnito.
“I don't know, do you really want to find out? We can try.”
Agad akong umiling, hindi ko maaatim na maging lovey-dovey dito. Nakakasukang isipin. Isa pa ay hindi pa rin nawawala ang takot ko rito, paano kung ito at ang lalaki sa panaginip ko ay iisa? What will I do?