Heath’s point of view
I can still remember that nightmare, I feel like a hunter but still being hunted. Minsan naiisip ko kung ipinanganak lang ba ako mula sa nakaraan? Na baka bumabalik lamang ang ala ala ko mula doon.
But it felt real, the stinky smell of blood and the flesh that's already rotting to the core. A girl in her night dress is lying inside a coffin, with flowers in every corner while I was there worshipping her. I couldn't recognize her face, wala na itong natitirang laman, tanging bungo at mga buto na lamang.
Nasusuka ako sa tuwing gigising ng umaga na iyon ang laman ng aking panaginip. Masakit sa ulo at nakakapanindig ng balahibo. It was me in that scene, pero sigurado akong hindi ko kayang gawin ang gano'n sa isang babae. Hindi ko magagawang ibigay ang lahat para lang sa isang tao, ibigay ang buong buhay ko na mahalin ito. I am not a romantic man, all I do is fun and all I'm interested in is thrills. Although I have my own obsession, but I wonder if I'll cross that kind of line.
“Magda,” I muttered. Even her name resounds like a memory from the past.
“That woman again? Wala na bang ibang laman ang isip mo kundi ang babaeng ‘yon?”
Nasilaw ako sa biglaang pag-alis ng harang na kurtina sa bintana, mula doon ay sumilay ang sikat ng araw.
“What are you doing here, Aurora?”
Sa hindi kalayuan ay nakatayong ang babaeng may mahaba at kulay abong buhok. Maganda naman ito, hindi ko nga lang type ang may lahi.
“Checking on you, baka mamaya nagchi-cheat kana d‘yan.”
Nalukot ang mukha ko. Ang aga agang masisira yata ang umaga ko.
“We're not in a relationship anymore, Aurora.” Pinagdiinan ko pa ang mga sinabi ko, ayokong nag-aassume ito ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay.
“Hindi pa sa ngayon, once nangyari na ang merger ng family natin, I'm sure we will end up getting married.”
Bumuga ako ng hangin.
“Kahit ibitin mo ako patiwarik, hinding hindi ako magpapakasal sa ‘yo. Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo ‘yan? Hindi ka ba nagsasawang masaktan?”
Tumayo na ako at nagbihis. Wala akong planong pumasok sa opisina ngayon dahil sira na ang araw ko. Minessage ko nalang ang assistant ko na pumunta dito sa bahay, kaso lang ay may aberyang hindi ko inaasahan.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko, Heath. If you're obsessed over Magda, so I am with you.”
“Magdalene. That's her name, don't call her by that nickname.” I'm selfish, gusto ko ako lang kahit sa pagtawag ng nickname nito.
“Whatever. I can call her whatever I want.”
Matalim ang tinging ipinukol ko rito, natigilan naman ito at bumakas ang takot sa mukha.
“Don’t test me, Aurora. Just listen to everything I say. Now leave, ayoko nang makita ang pagmumukha mo.”
Tinalikuran ko na ito at lumabas ng aking silid. Agad kong tinawag ang butler ko para pagsabihan kung bakit may nakapasok na mangkululam sa aking silid.
“I’m sorry, sir. Your father is here and he gave the order to let Miss Aurora in.”
Natitigilang nabaling ang tingin ko sa kung saan may nanggaling na ingay. Mukhang may bisita si papa ngayong umaga, madalang itong umuwi kaya't nakakagulat na narito ito ngayon. Kaya pala confident si Aurora na sagut-sagutin ako.
Hindi na ako nagsalita at bumaba ng sala patungo sa veranda. Mula doon ay naroon ang aking ama kasama ng papa ni Aurora. Lumapit ako sa mga ito at magalang na bumati.
“Heath, I'm glad you're awake. Nakakatuwa naman kayong dalawa ni Aurora, kumportable na kayo sa isa’t isa para pasukin ang silid at gisingin ang bawat isa.”
“That’s an invasion of privacy, dad. Hindi mo dapat ito binigyan ng permission na pumasok sa kwarto ko.”
Natigilan ang dalawang matandang lalaki sa inasal ko, wala akong pakialam. They ruined my mood because they let that witch in.
“Heath. Watch your words.” Pagbabanta ni papa sa akin, tiningnan ko ang ama ni Aurora.
“If you're planning to set me up with Aurora, sir. Please don't lead your daughter any further, I am not going to marry her.”
“You imbecile!” Sita sa akin ni papa. Ngumiti lang ako.
“I'm just here to inform you about my opinion on the matter. Excuse me, I have some important matter to attend.”
Hindi na ako naghintay ng sagot nila at iniwan na ang mga ito. Nadaanan ko pa si Aurora na namumula na sa magkahalong pagkapahiya at galit. Wala akong pakialam kahit maglupasay pa ito ng iyak, she's not my type. I hate manipulative b***h who goes around wanting something they can't achieve alone.
Dumiretso ako ng kwarto ko at naligo. Masyadong masikip na ang atmosphere dito sa bahay, hindi ko magagawang mag-trabaho dito.
“Walter, please wait for Magdalene Sarmiento outside. Tell her to wait for me, and do not let her inside this house.”
Pagkatapos kong ibigay ang utos sa butler ko ay nagpatuloy ako sa paggagayak. Kung magkikita ito at si Aurora, sigurado kong magiging magulo. Ayokong may ibang nananakit kay Magda, baka hindi ako makapagpigil at masaktan si Aurora. Ayokong mas lumala ang galit ng mga ama namin sa akin. Sapat na iyong commotion na ginawa ko kanina.
Nang lumabas ako ay namataan ko si Magda kasama ni Walter. Agad akong lumapit sa mga ito.
“Good morning, sir.” Magalang na bati ni Magda sa akin, kahit may good sa morning nito ay mukhang hindi naman ito natutuwang makita ako.
“Dinala mo ba lahat ng inutos ko?” tanong ko.
“Yes, sir.”
Tumango ako. Nagbigay lang ako ng bagong instruction kay Walter bago pumasok sa sasakyan.
“Get in, Magda.” Pagmamadali ko rito, baka mamaya ay mamataan ito ni Aurora. Tiyak na hindi magda-dalawang isip na lalabas ito at mag-eeskandalo. Magiging magulo at mahirap lang sa akin na i-take ang side ni Magda kapag nakialam ang parents namin. Not that I'm scared, I just want to avoid the hassle.
Pagkapasok nito sa sasakyan ay agad na umalis na rin kami. Tahimik lamang kami habang nasa byahe.
“Akala ko ba ay hindi ka papasok sa office ngayon? Bakit biglang nagbago ang isip mo?” tanong ni Magda.
Kanina pa itong walang imik na nakatingin lamang sa bintana, kahit magkatabi kami sa back seat ay hindi naman kami nag-uusap.
“May ipis sa bahay,” katwiran ko. Suitable naman ang palayaw na iyon kay Aurora, para itong ipis kung umatungal minsan.
“Ipis? Sa malaki at well-maintained na bahay niyo?”
“Why? Sa mga pipitsuging bahay lang ba pwedeng magkaipis? Tao pa rin naman ang nakatira doon at nasa earth pa rin kami.”
Nagkibit-balikat ito.
“Hindi ko alam na takot ka sa ipis,” natatawang wika nito.
“Hindi ako takot sa ipis na ‘yon, kaya ko ngang tirisin kung gugustuhin ko. Nandidiri lang ako ‘saka ayokong kumalat sa bahay kapag tiniris ko ito.”
“Pwede mo namang linisin, hindi naman gano'n kahirap maglinis ng kalat na mula sa tiniris na ipis.”
“Depende sa ipis. Kung ang ipis ay parang normal na ipis lang na nakikita mo sa bahay niyo, pwedeng pwede. Pero kung imported na ipis gaya ng nasa bahay, kakailanganin kong gumastos ng malaki laking halaga para linisin ito.”
Natawa itong muli.
“Ano iyong ipis sa bahay niyo? Imported kasi sanay sa aircon? O kasi galing ng ibang bansa?” Naiiling nitong anas.
“Both,” I answered. Sanay sa marangyang buhay at laking ibang bansa si Aurora.
“I bet that cockroach has a black hair in her head,” biro nito.
Mukhang maganda ang mood nito na nagagawa pang magbiro, hindi tulad noong una na halos patayin na ako sa sobrang sama ng tingin.
“You’ll hate that cockroach so much if you see her.”
Mayroong pangit na nakaraan si Aurora at Magda, nadamay pa nga ako sa conflict nilang dalawa noon. Kaya ayokong mag-krus ang landas nila, hindi muna sa ngayon. Gusto kong i-save ang masayang part sa huli, wala nang thrill kapag na-reveal na agad ang major plot twist. I'm the playmaker here, they're just my pawns.