Madelaine's point of view...
Amoy sigarilyo, pawis, naiwang laway at katas na ang dumidikit sa balat ko. Nakakadiri. Kahit yata maligo ako sa kumukulong Zonrox, hindi na matatanggal ang dumi na nararamdaman ko sa tuwing lalabas ako ng hotel. Bente-sais pa lang ako, pero pakiramdam ko, parang pasan ko na ang buong mundo at puro kamalasan pa lagi ang nararanasan ko.
Habang naglalakad ako sa madilim na eskinita bitbit ang take-out na Jollibee na binili ko kanina, ay biglang napatigil ako. Tatlong bata nanaman ang nakikita ko ngayon na nangangalkal ng basura at nag-aagawan sa isang pirasong buto ng manok na wala na ngang laman.
Tang-ina talaga ng tadhana.
Lumapit ako sa kanila. Sa halip na iuwi ko ang pagkain para sa sarili ko ay iniabot ko na lang sa kanila.
"O, kainin niyo 'to. Huwag na kayong mag-agawan, marami 'yan,"
Masaya naman nilang kinuha ang plastic na inabot ko. Ewan ko ba, sa tuwing galing ako sa costumer e palagi na lang ako may nasasalubong na mga bata, at ako naman na maawain (maawain??) ay palaging nagbibigay na lang dahil wala rin naman akong kapatid at nag iisang anak lang ng mga magulang kong hindi naman matatawag talaga na magulang.
"Salamat po, ate! Ang ganda niyo po, para po kayong anghel!" sabi nang isa sa mga bata kaya natawa ako ng mapait at naglakad na lang palayo.
Anghel?
Kung alam lang talaga ng mga batang ‘to, itong anghel na tinawag nila ay anak ata ng dîmonyo. Isa pa, di rin naman ako naniniwala na may diyos dahil sa nangyayari sa buhay ko.
Pag pasok ko pa lang sa iskinita patungo sa bahay namin ay rinig ko na ang boses ng magaling kong ama. Di na bago sakin ‘to palagi naman silang nagsisigawan at nagmumurahan na para bang naging soundtrack na dito sa bahay.
"Wala pang pagkain?! Ano bang ginagawa mo maghapon, ha, Linda? Pagsusugal na naman?!" sigaw ni papa at langhap na langhap ko na ang amoy ng alak mula dito sa pinto. Ano pa bang aasahan ko? e mas madalas pang uminom ng alak ang magaling kong ama kesa uminom ng tubig e.
"Eh ano namang ipangluluto ko? Wala ka namang iniwang pera! Inubos mo na naman sa alak!” ganti naman ng magaling kong ina. Kagabi lang bago ako umalis nag abot pa ako ng dalawang libo sakaniya. Malamang kakauwi lang din niya, at mukhang naitalo nanaman sa sugal ang perang binigay ko.
Hindi ko na sila binigyan ng pansin at diretsyo na akong pumasok. Wala ako sa mood makipagfliptopan sa dalawa, gusto ko na munang mag pahinga lalo na’t ala una na ng gabi at talagang di sila nag paawat sa pagputak.
Sabagay, ganito rin naman ang mga kapit bahay namin e, kaya same same lang talaga.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng kwarto ko ay bigla namang sumigaw si papa kaya napatigil ako at napapikit nalang dahil sa inis.
"O, heto na pala ang mabait na anak natin, eh. Madelaine, akin na 'yung pera mo. Mag-abot ka naman, nang may silbi naman 'yang pagpupûta mo sa labas!" Napatigil ako. Tila tumigil ang mundo ko at napalitan ng nakakabinging ugong.
Dahan-dahan akong lumingon, at sinamaan ng tingin ang magaling kong ama, at lalo pa akong nainis ng makitang nakangisi pa siya habang nakalahad ang kamay.
"Galing mo naman? kung makahingi ka parang may ipinatago ka sakin ah?” inis kong sabi sakaniya, lumapit naman sakin si mama at hinawakan ako sa braso pero tinabig ko ang kamay niya.
“Aba! sumasagot na! ano bang pinagmamalaki mo? ‘yang pagpupûta mo?! walang maipagmamalaki sa ganyang trabaho, Mad—”
“AT IKAW?!” sigaw ko dahilan para mapatigil siya at mapaatras.
“Tangina! galing mong magsalita no?! na para bang ikaw maipagmamalaki?! OO NA! PÛTA NA AKO SA PÛTA! pero, tangina! kundi sa pagpupûta ko may lalamunin ba tayo?! eh wala naman kayong alam gawin mag asawa kundi mag inom at mag sugal eh!” Sigaw ko pa. Hysterikal na kung hysterikal, wala na akong pakialam dahil punong puno na ako.
"Alam niyo ba kung anong ginagawa sa 'kin ng mga lalaki sa labas para lang mapakain kayo?! para lang mabigyan kayo ng pera para sa mga bisyo niyo?! Tapos ito lang? Ito lang ang itatawag niyo sa 'kin?! KAPAL NIYO NAMAN!!” Napaiyak na ako sa sobrang galit, ramdam ko na ang panginginig ng labi ko pati na ng mga kamay ko.
"Alam niyo? sobrang malas ko! ewan ko ba bakit kayo pa naging magulang ko? e hindi niyo naman mapanindigan pagiging magulang niyo! ano? anak gusto, panindigan ang responsibilidad ayaw?! PESTENG BUHAY TO!” sigaw ko pa habang pinupunasan ang naglandas na luha sa pingi ko. Kinuha ko ang bag ko, isinukbit ko nang mabilis. Wala na akong kinuha pang iba. Wala akong kailangan sa bahay na 'to kundi sama ng loob.
Patakbo akong lumabas ng bahay habang naririnig ko pa silang sumisigaw sa likod ko. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mapadpad ako sa isang madilim at tahimik na parke.
Wala nang tao, pero imbis na matakot ako ay parang naging panatag pa ako at dito na lang umiyak ng umiyak. Humagulgol lang ako ng humagulgol, lahat ng sama ng loob, pagod lahat ibinuhos ko sa iyak ko!
Hanggang sa mapatigil ako ng may maramdaman akong humawak sa likod ko.
"Iha? Bakit ka umiiyak dito nang mag-isa?"
Isang malambot at kalmadong boses ang narinig ko. Nag-angat ako ng tingin, malabo ang paningin ko dahil sa luha. Pero sapat na makita ko ang pistura niya isang madre at nakatayo siya sa harap ko, may hawak na panyo at nakangiti kaya agad akong napatayo dahil sa takot.
“Wag kang lalapit! shoo! tangina! ang dalang ko na nga lang mag senti may multo pa?!” inis kong sabi habang nakayakap sa bag ko at nakatingin lang sa madre.
“Hindi totoo ang multo hija. Totoo ako. Ako si Sister Teresa.” malumanay na saad nito kaya medyo kumalma ako at tumingin sakaniya.
“B-bakit kayo nandito sa lugar na ‘to? ala una na ng madaling araw” saad ko.
“Malapit lang dito ang kumbento, wala ka bang matutuluyan? pwede kitang isama doon” saad pa nito at hindi pa rin nawawala ang magaan na ngiti sa labi niya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumama nalang ako sa madre. Tutal wala naman talaga akong matutuluyan, kaya kahit pakiramdam ko ay masusunog ako pag pumasok ng simbahan, ay for the go nalang! at baka totoong multo na talaga ang makaharap ko!