KABANATA 2

1068 Words
Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa matandang madreng 'to. Siguro kasi, sa sobrang pagod ko, kahit sa impiyerno pa niya ako dalhin, basta may higaan, papatol ako. Pero hindi ako sa impiyerno dinala. Dinala niya ako sa isang malaking gate na may nakasulat na, Convent of the Sisters of Perpetual Grace. "Dito ka muna, hija," sabi ni Sister Teresa. Ang lambot ng boses, parang hindi nakatikim ng mura sa buong buhay niya. Pagpasok namin, halos mabingi ako. Hindi sa ingay, kundi sa katahimikan. Sobrang tahimik, 'yung tipong pati paghinga ko, parang kasalanan. Naglakad pa kami at amoy na amoy ang floor wax na hinaluan ng sampaguita at lumang kahoy. Malayo sa amoy ng alak, zonrox, at motel na nakasanayan ko. Binigyan ako ni Sister ng isang maliit na kwarto. Isang kama, isang maliit na cabinet, at isang krus na nakapako sa puting dingding. "Magpahinga ka na, iha. Bukas, pag-uusapan natin kung paano ka namin matutulungan," sabi ni Sister bago ako iniwan. Naupo ako sa gilid ng kama. Ang tigas. Hindi tulad ng mga spring bed sa hotel, pero bakit parang mas masarap mahiga rito? Kinuha ko ang baby oil sa bag ko at sinimulang pahiran ang mga binti ko. Ramdam ko pa rin 'yung pagod, 'yung bigat ng mga kamay ng mga lalaking humawak sa 'kin kanina, pati na iyong sagutan namin ng magaling kong ama. Matapos kong pahiran ang binti ko ay napahinga ako ng malalim, inilibot ko ang paningin ko hanggang sa matingin ako sa krus sa dingding. "O, ano? Tinitingin-tingin mo?" bulong ko sa rebulto. "Ngayon ka lang nakakita ng pûta sa loob ng pamamahay Mo? Don't worry, Lord, dadaan lang ako. Hindi ako belong dito." saad ko pa. Humiga ako at tumitig sa kisame. Sobrang dilim. Sinubukan kong matulog pero ang hirap. Sanay ako sa ingay ng tricycle, sa sigawan ng mga kapitbahay, sa mura ni Papa. Dito, ang tanging naririnig ko lang ay 'yung huni ng kuliglig at 'yung t***k ng puso ko. Parang nakakatakot tuloy, bigla tuloy pumasok sa isip ko yung mga nappanood ko ng mga horror movies na ang mga multo ay mga madre. Bigla akong nanginig at natakot sa isiping yun kaya naman pinilit ko nalang na ipikit ang mata ko at tinuon nalang ang isip kay mama at papa. Siguro naghahati na 'yung dalawa sa isang latang sardinas ngayon, habang minumura ako dahil wala silang pang-bisyo bukas. Masakit, pero at the same time, parang gumaan ang loob ko. Sa wakas, malayo ako sa kanila. Bumuntong hininga na lang ako at pinikit pa ang mata ko tsaka ko na hinayaan ang sarili ko na lamunin ng antok. NAGISING ako sa mahina pero sunod sunod na katok kaya naman tumayo ako at ng buksan ko ang pinto ay bumungad sakin ang magaan na ngiti ni Sister Teresa. “Sister…” saad ko habang papungas pungas sa mata ko. “Magandang umaga sayo,Ija. Ito oh, kumuha ako ng mag extrang damit, isuot mo ito at lumabas ka para magsalo salo tayo sa almusal.” saad nito at inabot ang puting damit na nakatupi. “Salamat po, Sister Teresa” nakangiti kong sabi tsaka na siya umalis. Agad ko namang sinara ang pinto at naglakad papunta sa higaan at ng iladlad ko ang damit ay halos mapangiwi ako ng makitang daster pala ang binigay sakin na halos hanggang paa. “Diba sila naiinitan sa ganitong klaseng daster?” reklamo ko sa kawalan at nag umpisa ng maghubad at sinuot ang daster. Kahit hindi ako sanay na magsuot ng ganito kahaba ay hinayaan ko nalang at lumabas na ng silid ko. “Oh, ikaw siguro ang sinasabi ni Sister Teresa na bago dito. Magandang umaga!” bati ng isang lalaki sakin kaya ilang akong ngumiti at ng makalampas siya skin ay umirap ako sa kawalan. “Teka? Saan na ako pupunta nito?” tanong ko sa sarili ko nang mapaisip na hindi ko naman alam ang pasikot sikot dito, lalo na ang hapag nila. Naglakad na lang ako at deretsyong tinahak ang kahabaan ng hallway hanggang sa may marinig akong nag uusap usap kaya sinilip ko ang mga ito at napangiti naman ako ng makita sila Sister Teresa at iba pang mga madre at parang mga dalaga na naka daster rin. “Ohh, hija! Andyan ka na pala. Halika na rito” nakangiting turan ni Sister Teresa kaya naman naglakad ako palapit sakaniya at naupo sa upuan sa tabi niya. “Anong pangalan mo, hija?” tanong ng isa pang madre na sa tingin ko ay senior na at halata sa manipis niyang kilay na mas masungit pa to sa tindera sa bakery. “Ahh.. ano po, Maddie” saad ko at ngumiti. “Ang ganda naman ng pangalan mo” sabat naman ni Sister Teresa at napatigil ng samaan siya ng tingin ng madre na nasa harap ko. “Ako si Sister Magda, ito naman si Sister Rosa, at si Sister Ferly na pinakabata saaming mga madre.” saad nito habag isa isang tinuturo ang mga madre na nasa hapag rin ngayon. “Siya nga pala Sister Teresa, ituro mo kay Maddie ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kumbento. Lalo na at ngayon ang dating ni Father Benedict.” saad ni Sister Magda. “Siya ba iyong guest priest na binanggit ni Father Nesto?” saad naman ni SIster Rosa “Oo, dalawang linggo daw siya mamamalagi dito para alamin rin kung ano ang mga kailangang idagdag sa kumbento.” saad naman ni Sister Magda. “Sino iyong Father Benedict, Sister Tere? Pogi ba yun? Sa pangalan pa lang kasi parang ang guwapo na niya” bulong ko kay Sister Teresa “Hindi ko alam, Maddie. Pero kaibigan raw siya ni Father Nesto, kaya paniguradong nasa edad kuwarenta hanggang singkwenta na ang edad no’n dahil singkwenta anyos na si Father Nesto” mahinang sagot naman ni Sister Teresa, kaya tumango nalang ako at pag harap ko kay Sister Magda ay may kakaiba na sa tingin nito, pero nginitian ko lang siya. “Sige na kumain na muna tayo at ng makapag handa tayo sa pag dating ni Father Benedict” saad pa ni Sister Magda kaya naman agad na akong sumubo ng kanin, pero agad ko ring iniluwa ng makita kong ipinagsaklob nila ang mga palad nila at pumikit. Nakalimutan kong mga madre ng pala ang kasama ko, so pray before we eat kami rito T.T
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD