Chapter 33 Ravena Dumating ang araw ng kasal namin ni Elias. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag ikinakasal. "Yong halong excited at kaba ang nararamdaman ko. Pinagpapawisan pa ako ng malamig habang tinatanong ako ng consular officer kanina. Hindi ko nga alam kung tama ba itong ginagawa ko? Bahala na basta ang alam ko gwapo ang asawa ko. Pagkatapos ng seremonya tumuloy na kami sa restaurant kung saan doon ang venue ng kasal namin ni Elias. "Congratulations sa inyong dalawa, Iho, Iha,'' bati ng Mommy niya sa amin nang nasa restaurant na kami,'' "Salamat, Mom,'' tipid ko naman na pasalamat sa Mommy niya kahit na ramdam ko na hindi niya ako gusto. "Welcome to our family, Iha. Huwag kang mahiya lumapit sa amin kapag nagkaroon ka ng problema sa anak namin

