Chapter 34 Ravena Maaga ako nagising nang kumakatok si Elias, sa aking silid. Sabog-sabog pa ang aking buhok nang pagbuksan ko ito ng pintuan. "Bakit hindi mo man lang ako ginising?" tanong nito sa akin habang salubong ang kaniyang noo. Tumalikod ako sa kaniya at hinayaan ko na bukas ang pintuan. Bumalik ako sa kama at umupo, pero sumunod naman siya sa akin. "Hinayaan na kita dahil alam ko na pagod ka. Ano oras na ba?'' tanong ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ang kaniyang relo. Alas-tres na ng madaling araw,'' sagot niya sa akin. Muli akong nahiga sa kama. "Ang aga pa pala matulog muna ako,'' sabi ko sa kaniya. "Sana ginising mo man lang ako,'' wika niya at tumabi siya sa akin ng higa. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kaniya. Bahagya akong napangiti dahil iniisip ko na

