Chapter 60 Ravena Pareho kaming tahimik ni Elias, habang nagmamaneho siya. Naiinis talaga ako sa ugali niyang ganito. Ako na lang ang bumasag sa katahimikan naming dalawa. "Bukas, makipagkita ako sa kaibigan ko na magma-manage ng salon ko,'' sabi ko sa kaniya. Seryoso lang ang kaniyang mukha habang humahawak sa manobela. "Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka!'' mariin niyang sabi sa akin. Lalo akong naiinis sa sinabi niyang iyon. "Ano naman ang hindi maganda sa sinabi ko? Nagpapaalam na nga ako sa'yo, hindi ba?'' naiinis kong sabi sa kaniya. "Pwes, hindi ako pumapayag na makipagkita siya sa kahit sino! Lalo na kapag wala ako!'' mariin niyang sabi sa akin. ''Alam mo hindi ka nakakatuwa. Ikaw ang nag-suggest sa akin na kumuha ako ng manager ng salon para hindi na ako panay

