Episode 61

2148 Words

Chapter 61 Ravena Pumasok ako sa loob at nagtungo sa kinaroroonan ni Manang Soledad sa kusina. Abala ito sa pagliligpit ng pinaglutuan niya. Ewan ko ba rito kina, Elias. Bakit hindi sila kumuha ng isa pang kasmabahay para may katuwang ang matanda. Marami naman silang pera. "Manang, ihanda na raw ang hapagkainan. Darating na raw si Daddy at ang bunso nilang anak. Tapos pakigising na raw ang asawa ng kapatid ni Elias," sabi ko kay Manang. "Sige, iha. Tatapusin ko lang muna itong paghuhugas ko ng mga ginamit ko sa pagluluto," tugon naman nito sa akin. "Ang mabuti pa Manang, tulungan na lang kita riyan," sabi ko naman kay Manang. "Nako, huwag na, iha. Kaya ko na ito," sabi pa nito sa akin. "Ako na ang maghuhugas niyan, Manang. Kaunti lang naman 'yan," sabay agaw ko ng sponge at plat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD