Chapter 31 Elias Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa akin ni Ena, subalit hindi siya nawala sa isip ko ng mahigit isang taon. Sa bawat araw na lumilipas noon umaasa ako na makikita ko pa siya. At nang makita ko na nga siya ganoon na lang ang saya na nararamdaman ko. Hindi ganito ang nararamdaman ko kay Diana, subalit kay Ena, para bang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Gusto ko sana na sa condo unit ko siya tumuloy subalit hinayaan ko na lang muna siya na roon na lang muna siya sa hotel niya dahil ilang araw na lang din naman at sa condo unit ko na siya titira. Bukas na ang kasal namin sa Philippines Embasy. At kakain lang kami sa restaurant kasama ang mga bisita na inimbitahan namin. Sayang wala si Mr. Nestor; ang matalik kong kaibigan. Nasa Dubai kasi ito

