Chapter 30 Ravena Nagpe-prepare kami ng lamesa ni Elias nang dumating ang mga magulang niya. Mag-alas onse na ng tanghali. Sakto na katatapos lang namin ihain ang mga niluto niya. "Kumusta, Mom, Dad?" nakangiting bati ni Elias sa kanyang mga magulang. Humalik siya sa kaniyang ina at nakipag-man hug naman siya sa kaniyang ama. Nahihiya ako na humarap sa mga magulang niya, subalit kailangan ko humarap sa kanila. Nakayuko lang ako habang naghihintay na ipakilala ako ni Elias sa kanila. "Siya nga pala, Mom, Dad, si Ravena; ang girlfriend ko. Siya ang sinasabi ko sa inyo," pakilala ni Elias sa mga magulang niya sa akin. Pagkatapos ay bumaling naman ito sa akin. "Sweetheart, sila ang's parents ko," pakilala naman niya sa akin sa mga magulang niya. "Magandang tanghali po," nakangiti

