Chapter 29 Ravena Pagkatapos ni Elias, mag-opisina ay ipinasyal niya pa ako. Doon kami nag-dinner sa floating restaurant at nag-night market. Ang ganda dahil lumulutang ang market sa tubig. Maraming mga paninda na mga souvenir at kung anu-ano pa. At kinabukasan naman maaga niya akong sinundo sa hotel. Alas-siete pa lang ng umaga dumating siya. "Naisturbo ko ba ang tulog mo?" nakangiti nitong tanong sa akin. May dala na naman itong bulaklak at chocolate. "Medyo, wala naman akong magagawa dahil may boyfriend ako na masyadong nag-aalala sa akin. Kahit inaantok pa ako gigising na lang ako para mapagbuksan ka," nakangiti ko na lang na sabi sa kaniya. "Heto, na lang ang bulaklak para sa'yo. Para magising ka na ng husto," sabi pa nito sa akin sabay abot niya ng bulaklak na dala n

