Chapter 28 Ravena Tinotoo nga ni Elias, ang panliligaw na sinasabi niya sa akin. Kahapon hinatid niya ako sa hotel na tinutuluyan ko at ngayon naman narito siya sa harap ko malawak ang mga ngiti ng pagbuksan ko siya ng pintuan. Tiningnan ko ang relo na nakasabit sa aking kamay alas-onse na ng tanghali. "Flower for you," nakangiti niya ang inabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Nakakatuwa pa dahil may kasama pa itong chocolate. Nakakunot ang noo ko habang nakangiti na tinanggap ang bulaklak na inabot niya sa akin. "Pasok ka. Salamat dito sa bulaklak. Hindi ka ba nilalagnat?" nakangiti ko pang sabi sa kaniya. Inamoy-amoy ko pa ang bulaklak na bigay niya. "Bakit naman ako lalagnatin? Pasensya ka na riyan sa bulaklak na bigay ko. Hindi ko kasi alam kung ano yung bulaklak n

