Chapter 27 Ravena After 1 year Malawak ang mga ngiti ko sa labi nang makababa kami ni Joanna, sa barko. Isang taon kami sumakay ng barko. Nagtrabaho kami bilang isang room cleaner sa mga silid ng guest. Masaya kami ni Joanna, bilang isang cleaner kaysa naman isang pole dancer. Sa isang taon kong pamamalagi sa barko nakalimutan ko ang mga problema ko lalo na ang relasyon namin ni Jack. Oo, minsan bumabalik pa rin sa mga alaala ko mga nakaraan namin. Minsan hindi rin maiwasan na hindi ko ma-miss si Mandy. Sinasabi ko na kakalimutan ko na sila subalit may pagkakataon rin na namimiss ko siya. Minsan tinatanong ko pa ang sarili ko kung kumusta na silang dalawa? "Sa wakas nakababa na ulit tayo. Parang kailan lang noong sumakay tayo tapos ito bababa na ulit tayo rito sa Thailand. Paano

