Chapter 8
Ravena
Hindi ko kaya makipagtitigan kay Elias. Hindi ko alam kung gaano kahalaga sa kanya ang damit na iyon na itinapon ko at hanggang ngayon hindi niya pa rin matanggap na itinapon ko iyon sa dagat.
"Kasalanan mo naman kung bakit ko naitapon iyon sa dagat. Kung hindi mo sana ako pinilit na labhan iyon e 'di sana hindi ko itinapon iyon," pagtatanggol ko sa aking sarili. Nawala ang tapang ko dahil alam ko naman ba wala akong kalaban-laban sa kanya at matatalo lang din ako.
Hinila niya ang isang upuan at umupo siya sa tabi ko. "Ako pa talaga ang sisihin mo na ikaw ang nakatapon ng kape sa damit ko? Kung sakali man na malaman ko na guest ka rito hindi ka na rin makakabalik sa cruise ship na ito," pagbabanta pa nito sa akin.
"Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko para maka-move on ka na sa pangit mong damit na iyon?" naiinis kong tanong sa kaniya.
"Wala lang, gusto ko lang bayaran mo ang ginawa mo sa pagtapon ng damit ko. At gusto ko lang makita ka na umiiyak at nagmamakaawa sa akin," sabi pa ng hudlom na ito sa akin.
Natawa ako ng pagak sa sinabi niya.
"Hindi ka lang pala arogante ano? Kundi mata pobre pa!" sabi ko sa kaniya.
Iba ang Elias na nakikita ko kagabi kaysa Elias, na kaharap ko ngayon. Hindi talaga ako magpapakilala sa kaniya at magmamakaawa. Baka mamaya kapag nalaman niya na ako ang kasama niya kagabi lalo niya pa akong pagtatawanan.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi dahil sa sinabi kong iyon.
"Nakadepende kasi ang ugali ko sa isang tao, kagaya mo. Kahit gaano ka man kaganda kung ang ugali mo may pagka-demonyita rin hindi ka uubra sa akin. Sino kaya sa ating dalawa ang arogante? Well, maghintay ka dahil nabibilang na ang mga araw mo sa cruise ship na ito," sabi pa nito sa akin na para bang lalo niya lang ako inaasar.
Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili nasampal ko na talaga siya na siya namang ikinagulat niya.
"How dare you!" galit niyang sabi sa akin at hinablot ng aking braso at pinisil ito ng malakas.
Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. "Sa lahat ng babae ikaw pa lang ang nakasampal sa akin. Talagang gusto mong ihulog kita rito sa dagat?" pagbabanta niya pa sa akin at pabalibag niyang binitawan ang aking braso.
Halos hindi ako makahinga sa presensya niya. Ito na yata ang katapusan ko.
"Kasalanan mo rin naman 'yan. Nananahimik ako rito nilapit-lapitan mo pa ako!" paninisi ko pa sa kaniya.
Nagtatagisan ang kanyang mga ngipin dahil sa galit sa akin. Ilang sandali pa may lumapit sa amin na dalawang lalaki na matitipuno ang pangangatawan.
"Boss may problema ba?" tanong ng isang matangkad na lalaki na malaki ang katawan.
"Sinampal ako ng babaeng ito, kaya gusto kong dalhin niyo siya sa roof deck at ihulog sa dagat."
Kinabahan ako sa utos niyang iyon sa dalawang lalaki.
"Anong ihulog? Ikaw naman ang may kasalanan, kaya hindi mo ako masisi kung bakit nasampal kita!" nangangatog ang mga tuhod ko na sabi sa kaniya.
Ngumisi lang siya at sininyasan niya ang dalawang lalaki na dakpin ako.
Hinawakan naman ako ng isang lalaki sa braso. Nagpupumiglas ako subalit wala pa sa kalahati ang lakas ko sa lakas ng lalaki na nakahawak sa aking braso.
"Ano ba? Saan niyo ako dadalhin?" kabado kong tanong at gusto ko ng maiyak.
Ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay.
"Dalhin niyo na ang babaeng iyan sa itaas, susunod ako." Utos pa nito sa dalawang lalaki.
"Sige, boss." tugon naman ng isa.
Kinalatkad na nga nila ako palabas ng restaurant. Nakakahiya pa dahil maraming nakatingin.
Naiyak na lang ako at hindi ko alam kung paano makakatakas sa mga kamay ng mga lalaking ito.
"Parang awa niyo na pakawalan niyo na ako. Hindi ko naman sinasadya na trigger lang ako sa boss niyo," sabi ko sa kanila.
Subalit para silang bingi at walang narinig. Naalala ko si Jack mukhang hindi na kami magkikita. Naiyak na lang ako.
"Pakawalan niyo ako parang awa niyo na. Wala akong kasalanan!" umiiyak na pakiusap ko sa kanila.
Dagdagan pa ang kirot at hapdi sa pagitan ng aking mga hita.
Isinakay nila ako sa elevator at dinala sa roof deck.
Naalala ko si Mommy at Daddy. Hindi siguro ito mangyayari sa akin kung sinunod ko lang sila.
Akala ko ihuhulog na ako ng dalawa s sa dagat subalit dinala nila ako sa isang madilim na silid.
"Hintayin mo ang boss namin dito. Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo. Kapag inihulog ka rito sa dagat walang makakaalam kung anong nangyari sa'yo," sabi pa sa akin ng isang lalaki.
"Pakawalan niyo ako rito. Huwag niyo akong ikulong rito mamamatay ako!" pagmamakaawa ko sa kanila. Takot ako sa dilim at parang hindi ako makahinga kapag nakulong ako sa isang silid na madilim.
Itinulak ako ng isa, kaya napaupo ako sa sahig. Sari-saring kirot ang nararamdaman ko. Isinara nila ang pintuan. Bumalot sa silid na ito ang kadiliman, kaya bumalot din ang takot sa buo kong pagkatao.
"Daddy, Mommy, tulungan niyo ako," umiiyak kong wika at nanginginig na ako sa takot.
Itiniklop ko ang aking mga tuhod at niyakap ito. Parang kinakapos na ako ng hininga. May trauma ako sa dilim, kaya hindi ko alam kung maabutan pa ako ng isang oras.
Nanginginig na ang buo kong katawan at sumisikip na rin ang aking dibdib.
Ilang sandali pa nawalan na nga ako sa aking ulirat. Hindi ko nakayanan ang dilim parang hinihigop nito ang aking enerhiya.
Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari basta nagising na lang ako na may yumayugyog sa aking balikat.
"Ravena, gumising ka," narinig ko ang boses ni Mama Glenda.
Dinilat ko ang aking mga mata. Nasa isa akong silid na hindi pamilyar sa akin. Agad akong bumalikwas ng bangon.
"Saan ako?" tanong ko kay Mama Glenda. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng silid na ito.
"Nandito ka sa bakanteng silid dito sa 11th floor. Mabuti at nagising ka na. Ano ba ang ginawa mo kay Mr. Altamerano, at gano'n na lang ang inis niya sa'yo at pinadala ka niya sa roof deck at ipinapasok sa madilim na silid?" tanong sa akin ni Mama Glenda.
Umiyak ako at nariyan pa rin ang kaba sa aking dibdib. Akala ko katapusan ko na kanina.
"Ano ba ang ginawa mo kay Mr. Altamerano?" tanong pa sa akin ni Mama Glenda.
Hindi ko na nasagot ang tanong na iyon ni Mama Glenda, nang bumukas ang pintuan at iniluwal si Mr. Altamerano.
"Leave us alone, Glenda!" utos nito kay Mama Glenda.
Tumango-tango naman si Mama Glenda at agad itong tumayo.
"Mama Glenda, huwag mo akong iwan," mangiyak-ngiak kong sabi kay Mama Glenda. Natatakot ako na baka kung ano ang gawin sa akin ni Mr. Altamerano.
"Don't worry, Miss Disaster, hindi kita kakainin ng buhay!" sarkastikong sabi sa akin ng Altamerano na ito.
"Hindi mo nga ako kakaining buhay, pero itatapon mo naman ako sa dagat," wika ko pa rito.
Hindi maalis-alis sa dibdib ko ang kaba. Tumawa lang ito ng pagak sa sinabi ko.
Lumabas na si Mama Glenda, sa silid na ito. Naiwan kaming dalawa ni Elias.
"Takot ka pala sa dilim?" tanong nito sa akin at umupo sa tabi ko. Umatras ako dahil natatakot ako kung ano ang gagawin niya sa akin.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" nanginginig ang boses ko na tanong sa kaniya.
"Bakit hindi mo ako agad sinabi sa akin na ikaw ang babaeng kasama ko kagabi na nakamaskara? Eh 'di, sana hindi kita pinadala sa madilim na silid na iyon kundi doon na lang sana sa silid ko," mapang-uyam pa nitong sabi sa akin.
Nang-init ang mukha ko nang sabihin niya iyon sa akin.
"At bakit ko naman sasabihin sa'yo? Ano ang binabalak mo ngayon sa akin ngayong alam mo na ako 'yong kasama mo buong magdamag?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"Nagta-trabaho ka bilang pole dancer sa cruise ship na ito. Kaya kitang ipatanggal alam mo ba iyon?" Pananakot niya pa sa akin.
"Kailangan ko ang trabaho ko dahil-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya. Parang ayaw niyang pahintulutan na magsalita ako.
"Nagta-trabaho ka sa cruise ship na ito para sa boyfriend mo, tama ba? Sinabi sa akin ni Glenda, kung bakit napadpad ka sa lugar na ito. At ang dahilan kung bakit pumayag ka na bilhin kita sa malaking halaga dahil sa operasyon ng boyfriend mo. Kawawa naman ang boyfriend mo dahil hindi siya nakauna sa'yo. Subalit gusto kong malaman mo simula ngayon hindi ka na magta-trabaho sa bar. Habang nandito ako sa barko gusto ko ako lang ang trabahuhin mo."
Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niyang iyon. Napaka-bossy niya kung makautos sa akin.
"Kailangan ko ang sahod ko. Kaya hindi mo ako pwedeng patigilin sa trabaho ko. Extra ko lang na trabaho ang makipagsiping sa'yo, pero hindi ikaw ang masusunod dahil may kontrata akong nilagdaan," wika ko sa kaniya.
"At bakit hindi ako ang masusunod? Binili kita sa halagang 520,000 pesos. Idagdag mo pa ang binigay ko kay Glenda na php100,000. Kung tutuusin ang halagang iyon sakto lang sa bayad ko sa'yo na aliwin ako hanggang sa pagbaba ko sa barko. Subalit mabait naman ako huwag kang mag-alala dahil bibigyan pa rin kita kada buwan kung magkano ang sinasahod mo sa bar," wika niya sa akin.
Kung tatanggapin ko ang offer niya parang tuluyan ko ng ibinaba ang dangal ko sa kaniya. "Paano kung hindi ako papayag? Paano kung ipagpatuloy ko pa rin ang trabaho ko sa bar? Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya para may pagpipilian ako.
Bumuntong hininga siya ng malalim at hinaplos ang aking pisngi.
"Pwede kitang ipatanggal sa trabaho mo. Pwede kita gawa ng kasalanan para magkaroon ka pa ng penalty sa kompanya. Ano ba ang gusto mo? Ang manilbihan sa akin habang narito ako sa barko o tuluyan kang mawalan ng trabaho?"
Napabuntong hininga ako ng malalim sa sinabi niyang iyon. Wala na nga talaga akong mapagpipilian kundi ang manilbihan sa kaniya.
Hindi na rin siguro masama kung tanggapin ko ang alok niya dahil may sasuhurin pa rin ako. 'Yon nga lang malaking kataksilan ang gagawin ko kay Jack.
"Ano pumapayag ka ba sa gusto ko o gusto mo tuluyang mawalan ng trabaho?" Sarkastiko pa nitong tanong sa akin.
"Sige, pumapayag ako. Basta siguraduhin mo lang na tutuparin mo ang sinabi mo na sasahuran mo pa rin ako kung ano ang sahod ko sa bar," paninigurado ko rin sa kanya.
Ngumisi siya ng nakakauyam. "Sure, basta huwag ka lang pasaway. Ayaw ko kasi na makita ng iba ang buo mong katawan lalo na at tinuturing na kita na pagmamay-ari ko."
Napalunok na lang ako ng sarili kong laway sa sinabi niyang iyon.
Bahagya pa akong napakagat sa pang ibabang bahagi ng aking labi. "Paano 'yong damit na gusto mong pabayaran sa akin? Sisingilin mo pa ba ako?" tanong ko sa kaniya.
Nagkibit balikat siya. "Depende, kung magiging mabait ka sa akin patatawarin kita sa bagay na iyon, pero kung magmamaldita ka malaking halaga ang sisingilin ko sa'yo," sabi pa nito sa akin.
"Okay, pasensya ka na sa ginawa ko. Ang arogante kasi ng dating mo. Saka may isa din akong kondisyon sa'yo," sabi ko pa sa kanya subalit nahihiya pa akong sabihin iyon.
Tumaas ang dalawa niyang kilay. "At ano naman ang kondisyon mo sa akin?"
Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya. "Gumamit ka ng condom kapag ginagamit mo ako. Mahirap na at magkaroon ako ng sakit lalo na paiba-iba ang babae mo." Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko. Mahirap na baka mahawaan pa ako ng nakakamatay na sakit.
Ngumisi pa siya sa akin. "Don't worry, sweetheart. Simula ngayon ikaw lang ang babae na gagamitin ko. Ikaw lang ang babae na magbibigay sa akin ng aliw. Kaya wala kang dapat ikatakot dahil maingat din ako. Kaya nga binili kita para makasigurado din ako sa kalusugan ko," sabi pa nito sa akin.
Napalunok pa ako ng aking laway ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Mukhang may binabalak ito sa akin.
"Masakit pa ang katawan ko pwede sana bukas na lang," pakiusap ko sa kaniya.
Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Okay, pasamahan kita kay Glenda sa silid mo. At huwag kang pakalat-kalat kung saan-saan lalo na sa 10th floor at dito sa floor na ito. Naintindihan mo ba ako Ravena?"
Parang pinagpapawisan pa ako sa tanong niyang iyon at pagbigkas ng pangalan ko. Agad naman akong tumango-tango sa kaniya. Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang na maging kaaliwan ng lalaking ito habang narito ito sa barko.