Episode 9

2178 Words
Chapter 9 Ravena Nasa aking silid ako nang pinuntahan ako ng kasama kong pole dancer na si Joanna. "Hindi ka na raw magsasayaw sa club? Naka-jackpot ka yata ng costumer, Ena,'' nakangiting sabi sa akin ni Joana. Sampo kaming pole dancer sa cruise ship na ito, subalit si Joanna, lang ang madalas kong kausap. Bukod roon magkatabi rin ang aming silid. "Hindi ko alam kung naka-jackpot ako Joana. Hindi na nga ako sasayaw sa bar na nakahubo't hubad, subalit magiging bilasa naman ang katawan ko pagbaba ko sa cruise ship na ito,'' wika ko kay Joana. "Okay, lang iyon. Hindi ka naman magiging bilasa dahil iisang tao lang naman ang paulit-ulit na gagamit sa katawan mo. Bukod sa masarapan ka na busog pa palagi ang bank account mo. Gwapo ba 'yong bumili sa'yo? Parang gusto ko na rin tuloy ibinta ang katawan ko,'' sabi pa nito sa akin. "Huwag mo ng pangarapin. May boyfriend ka sa Pilipinas, kaya huwag mong tularan ang ginagawa ko,'' payo ko pa kay Joana. Bumuntong hininga naman siya ng malalim subalit naging malungkot ang mga mata nito. "Oo, may boyfriend ako noong umalis ako ng Pilipinas at sumakay sa barko na ito. Subalit uuwi ako na wala ng boyfriend dahil nilandi na ng pinsan kong malandi. At ang hinayupak kong boyfriend, ex-boyfriend pala ay binuntis pa ang pinsan ko. Kaya maghanap na lang ako ng mayaman dito sa cruise ship,'' sabi pa sa akin ni Joana. Bahagya akong nalungkot sa sinabi niyang iyon. Ang kwento niya sa akin limang taon na sila ng boyfriend niya, subalit tingnan mo naman nagawa pa siya nitong lokohin. "Baka hindi lang talaga kayo para sa isa't isa. Makatagpo ka rin ng lalaki na magmamahal sa'yo ng tapat," sabi ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya sa sinabi kong iyon. Day off niya ngayon kaya niyaya niya ako na mag-inom kahit kaunti lang. Wala naman akong hilig sa alak subalit sinamahan ko lang siya. Kaunti lang ang inilagay ko sa aking kopita. Ilang sandali pa tumunog ang aking cellphone at napangiti ako ng si Mandy ang tumatawag. Nagvi-video call ito. Agad ko rin sinagot ang tawag niya. Mas lalo pa lumawak ang mga ngiti ko ng si Jack, ang nakita ko sa kabilang linya. Subalit agad napalitan ng lungkot ang mga ngiti ko dahil nakikita ko ang sitwasyon ni Jack. ''Kumusta ka na, babe?" tanong ko sa kaniya. Nilokob ako na guilt dahil sa pagtataksil kong ginawa sa kaniya. "Kailan ka uuwi? Bakit umalis ka?" tanong nito sa akin. Tahimik lang na umiinom si Joanna. "Boyfriend mo?"mahinang tanong pa ni Joana sa akin. Tumango-tango lang ako sa kanya at pagkatapos sinagot ko ang tanong sa akin ni Jack. "Kailangan kong umalis at magtrabaho para may panggastos sa pang hospital mo. I'm sorry babe kung kailangan kitang iwan. Anim na buwan lang naman ako rito. Limang buwan na lang makakauwi na ako. Nagpadala na pala ako ng pera kay Mandy, para sa operasyon mo. Huwag mo akong alalahanin dahil ayos lang ako rito," naiiyak kong sabi kay Jack. "Hindi mo naman kailangan gawin iyon dahil hindi mo ako obligasyon. Pwede akong humingi ng tulong sa mga magulang ko. Sana hinintay mo ako na magising," sabi pa nito sa akin. "Pero ayae ko naman na ibinta o isanla ng mga magulang mo ang sakahan nila para sa pagpagamot mo. Hayaan mo pagbaba ko hindi na ako aalis, basta ipangako mo lang sa akin na magpagaling ka," wika ko pa sa kaniya. "Umuwi ka na. Kailangan kita. Nahihiya na ako kay Mandy dahil siya na lang palagi ang nagbabantay at nag-aalaga sa akin," sabi pa nito sa akin. "Hayaan mo uuwi rin ako. Sadyang ibinilin kita kay Mandy dahil wala na akong ibang mapagkatiwalaan maliban sa kaniya," wika ko pa kay Jack. ''Ano ang trabaho mo riyan sa cruise ship?" Napakagat labi ako sa tanong niyang iyon sa akin. "Tagalinis ako ng mga silid dito, babe. Magaan lang naman ang trabaho ko rito," pagsisinungaling ko sa kanya. Mas lalo pa akong na guilty sa pagsisinungaling ko sa kaniya, subalit hindi ko naman pwede sabihin sa kanya kung ano talaga ang trabaho ko rito sa sa cruise ship. Bahagya pa ang napa smith si Joanna, nang marinig ang pagsisinungaling ko kay Jack. "Sige, mag-ingat ka riyan. Alagaan mo ang sarili mo," sabi pa nito sa akin. Tumango-tango ako sa kaniya. "I love you, babe," sabi pa nito sa akin. "I love you rin, babe. Miss na miss na kita," tugon ko naman sa kaniya. Ilang sandali pa si Mandy, na ang nakita ko sa kabilang linya. "Pasensya na, best. Pakainin ko muna si Jack. Mag-ingat ka riyan, ha? Sa susunod na araw na pala ang operasyon ni Jack," wika pa sa akin ni Mandy. "Salamat, best," pasalamat ko sa kaniya at pinatay ko na ang cellphone. "Best friend mo ang nag-aalaga sa boyfriend mo?" tanong sa akin ni Joana, na para bang my malisya iyon sa kaniya, kaya tumango-tango lang ako bilang tugon. "Nako, day! Huwag kang magtitiwala. Paano kung darating ang araw na magkagusto sila sa isa't isa? 'Yong si girl na fall sa boyfriend ng kanyang best friend, si boy naman dahil sa pangungulila kay girlfriend pinatulan si best friend," sabi pa sa akin ni Joanna. Alam ko ang ibig niya ang sabihin. "Hindi ganoon si Mandy. Alam ko na hindi niya ako aahasin. Para na kaming magkapatid. Mas nagi-guilty nga ako dahil alam ko nagtataksil ako sa boyfriend ko. Hindi ko nga alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya pagbaba ko rito sa cruise ship na ito," pagtatanggol ko kay Mandy, sa malisyosang pag-iisip ni Joanna. Nagkibit balikat siya at muling uminom. "Sabagay hindi naman lahat ng tao pare-pareho. Subalit tingnan mo, ha? Pinsan ko na nga inahas pa ako, subalit kong malaki naman ang tiwala mo sa best friend mo wala namang problema. Oh, inumin mo na ito at kwentuhan mo ako kung ano ang ginawa ninyo ng kasama mo kagabi. Yummy ba siya sa kama? Malaki ba ang alaga niya? Dali, kwentuhan mo na ako!" Kinikilig pa na utos sa akin ni Joanna. "Hindi ko alam. Pero ganoon pala ang feeling. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Nasisiyahan ako sa ginagawa niya sa akin subalit no'ng una ang sakit. Parang nawasak 'yong kipay ko. Hanggang ngayon nga mahapdi pa." Natatawa pa si Joanna, sa kwento kong iyon sa kaniya. "Hahaha... Huwag mo sabihin ang customer mo pa ang naka-virgin sa'yo?" Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin. Tumango-tango ako sa kaniya at nanlaki pa ang kanyang mga mata. "Hindi nga? Totoo ang customer mo kagabi ang naka-virgin sa'yo? Ilang taon na ba kayo ng boyfriend mo?" tanong pa nito sa akin. "Mag-apat na taon na kami. Ang gusto ko kasi kapag ikinasal kami malinis ako kapag nakaharap ako sa dambana. Subalit hindi ko sukat akalain na ipagpalit ko ang prinsipyo ko sa pera. Ang totoo may kompanya ang Daddy, subalit pinapili nila ako kung si Jack ba o sila? Subalit pinili ko si Jack. Alam mo lumaki ako na may sarili akong yaya. Gigising na lang ako sa umaga at kakain," maluha-luha ko pang kwento kay Joanna. "Ibig sabihin mayaman ka pala. Paano ka napadpad dito?" tanong pa sa akin ni Joanna. "Ang Daddy ko ang mayaman hindi ako. Pero ako lang din ang nag-iisang tagapagmana ng mga ari-arian nila kapag nag-retired na sila. Paano kasi ayaw nila kay Jack dahil isang sales boy lang si Jack sa EJA Constructions Supplies. Gusto ng mga magulang ko n ipakasal ako sa kaibigan nila, na hindi ko nga nakilala at nakita. Imagine mo ipapakasal ako sa isang matanda para lang sa pera? Kaya hindi ko maintindihan ang mga magulang ko. Natiis nila ako. Gusto nilang kunin ng kaligayahan ko, kaya pinili ko si Jack at tinalikuran ko sila," sabi ko pa kay Joanna. Naluluha na ang mga mata ko habang kinukwento ko iyon kay Joanna. "Grabe naman pala ang mga magulang mo. Siguro kung ako, gagawin ko rin kung ano ang ginawa mo. Hindi ko rin ma-imagine na may kasal ako sa isang matanda dahil lang sa pera. Pero alam ba nila na nagta-trabaho ka rito bilang isang pole dancer?" tanong pa sa akin ni Joanna. Umiling-iling ako sa kaniya. "Hindi nila alam dahil hindi ko pinaalam at wala na silang contact sa akin. At mas gustuhin ko pa magtrabaho bilang isang pole dancer kaysa magpakalimos ako sa kanila para sa gastusin ni Jack sa hospital," wika ko pa kay Joanna. "Pero sana sinubukan mong humingi sa kanila ng tulong. Hindi ba sabi nga nila walang magulang ang makakatiis sa anak? Malay mo at natanggap na nila si Jack, para sa'yo. E 'di, sana hindi ka pa napunta sa pagiging pole dancer at ngayon s*x slave ka na ng isang guest dito sa Tempted Cruise," wika pa ni Joanna sa akin. Hindi niya alam na ang naging customer ko ay isang share holder ng cruise ship na ito. "Bakit ko pa susubukang humingi sa kanila ng tulong kung alam ko naman na wala akong tulong na mapapala sa kanila," sabi ko pa kay Joana. "Kung sabagay," tugon naman nito sabay kibit ng kanyang balikat. Ipinapatuloy niya ang kaniyang pag-iinom. Tama na ako sa isang shot at, baka kung malasing ako ano pa ang magawa ko? Nanatili si Joanna, sa aking silid buong araw. Kinahapunan ay hinatid ko siya sa silid niya dahil naparami na siya ng inom. Pagkatapos ay bumalik naman ako sa aking silid subalit ilang sandali pa may naghatid sa akin ng pagkain. "Ma'am Ravena, right?" tanong sa akin ng isang delivery boy. Tumango-tango ako. "What can I do for you?" tanong ko sa kaniya. Tulak tulak niya ang isang cart na may laman ng mga pagkain na may mga takip ang lalagyan nito. "This is your dinner, Ma'am. From Mr. Altamerano," sabi pa sa akin ng delivery boy. Ngumiti lang ako rito. Salamat pakipasok na lang," wika ko pa sa kaniya. Pinasok niya naman ang cart sa loob at umalis na ito. Sinara ko ang pintuan at tiningnan ang mga pagkaing ibinigay sa akin ni Mr. Altamerano. Ang kagandahan sa cruise ship na ito ay may delivery boy din na maghahatid sa'yo ng pagkain kapag gusto mo sa silid mo ikaw kumain. Pwede ka mag-request sa kanila na magpa-deliver lang sa silid mo. Subalit sa pagkakataong ito hindi ako ang nag-request kundi si Elias. Para tuloy ako nasa isang hotel. Tiningnan ko ang pagkain na pinadala sa akin ni Mr. Altamerano. May appetizer ito na seared scallops sa mga sariwang gulay at citrus-herb sauce. Ang main dish ay grilled filet mignon na may sariwang mushrooms at redwine reduction. May dessert din na chocolate lava cake at may sariwang strawberry at may vanilla ice cream. May note pa na nakasulat sa gilid ng lava cake. Binasa ko iyon. "Hope you like it. Wishing you a great evening! See you tomorrow!" Napangiti ako matapos kong mabasa ang notes niyang iyon sa akin. May pa note pa itong nalalaman. Siguro nakonsensya sa ginawa niya sa akin kanina sa pagpapakulong niya sa akin sa madilim na silid, kaya naisipan niya akong padalhan ng dinner. Balak ko pa naman sana na huwag ng kumain at baka manaba ako. Subalit nakakatakam ang mga pagkain na nasa aking harapan. Umupo ako at kumain. Subalit sa bawat pagsubo ko ng pagkain si Jack, ang naiisip ko. Naalala ko sa tuwing kumakain kami sa labas ang lava cake ang paborito niyang panghimagas. Minsan naiisip ko na sana ako na lang ang napuruhan noong naaksidente kami. Siguro naman hindi ako pababayaan ng mga magulang ko kapag nalaman nila na nasa bingit ako ng kamatayan. Hindi katulad ni Jack, na ako lang ang pwede niyang makapitan. Sana mapatawad niya ako kung nagawa ko man siyang lokohin. Gusto ko pa sanang kumain subalit nawalan na ako ng gana. Kaunti lang ang kinain ko at pagkatapos humiga na lang ako sa aking kama. Ilang sandali pa ang lumipas tumunog ang cellphone ko. Napakunot ako ng aking noo ng iba ang number na lumalabas sa aking screen. Si Mama Glenda, lang ang nakakaalam ng number ko dito sa loob ng cruise ship. Subalit sinubukan ko pa rin sagutin kung sinuman ang tumatawag sa akin. "Hello?" sagot ko sa kabilang linya. "Nagustuhan mo ba ang dinner mo?" Isang baretonong boses ang narinig ko sa kabilang linya. "Sino 'to?" Kunwari hindi ko kilala ang boses niya. Narinig ko ang buntong hininga niya ng malalim. "Kahihiwalay lang natin kanina nakalimutan mo na kaagad ang boses ko?" sarkastiko nitong tanong sa akin. "Pasensya na pero hindi kasi ako interesado sa mga tao na nakaharap ko kanina. Kaya, hindi ko alam at hindi ko matandaan ang mga boses nila!" Mataray kong wika sa kaniya. Natawa lang ito ng pagak sa kabilang linya. "Oh, come on, sweetheart. Ikaw nga kilala ko kahit ungol mo tapos ang boses ko hindi mo kilala?" Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niyang iyon at napataas pa ang isa kong kilay. Marahil binigay ni Mama Glenda, ang number ko sa Elias na ito. Dedemonyihin na naman ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD