Chapter 10
Ravena
Suot ko ang short denim na kulay puti. Ang haba nito hanggang kalahati ng aking mga hita. Pinarisan ko ito ng crop top na may kulay pastel. Nakasuot din ako ng pares ng sapatos na may kaugnay sa kulay ng suot kong short.
Kagabi pinatayan ko si Elias, ng cellphone dahil hindi ako nakakasabay sa kaniya sa pang-aasar nito sa akin, kaya umagang-umaga pa lang tumawag ito sa akin at sinabi niya na sabay kaming kumain ng umagahan ngayon.
Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang suot ko? Ang alam ko lang gusto ko maging maganda at sexy tingnan. Kahit hindi ko naman dapat itong gawin dahil hindi naman si Jack, ang kasama ko.
Sinuot ko ang kula brown kong sun glasses. Wala akong dala maliban lang sa cellphone ko na nakalagay lang sa aking wallet na kulay black. Nandito ang atm ko at ang kagandahan lang sa wallet na ito ay pwede kong ilagay ang cellphone ko sa loob.
Lumabas na ako nang aking silid. Muntik pa akong napatili sa gulat nang buksan ko ang pintuan at nakatayo si Elias, sa labas.
"Bakit ang tagal mong lumabas?'' tanong nito sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo. Halata na para bang naiinis ito sa tagal ng paghihintay sa akin.
''Hindi mo naman sinabi na pupuntahan mo ako rito. Ang sabi mo hintayin mo ako sa roof deck,'' sabi ko sa kaniya.
Para naman akong matunaw sa klase ng mga tingin niya sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Naka-short lang din ito ng kulay gray at naka-white polo na bukas ang butones sa bandang dibdib nito. Kaya litaw ang maskulado niyang dibdib na may kaunting balahibo.
"Let's go,'' aya na nito sa akin.
Humakbang na ako subalit hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagiging abnormal na ang t***k ng puso ko sa tuwing nariyan ito sa aking tabi.
"Gusto ko mag-swimming mamaya sa roof deck, kaya samahan mo ako,'' sabi pa nito sa akin.
"Wala akong dala na pang-swimming. Saka wala ako sa mood mag-swimming. Panunuorin lang kita habang nagsi-swimming, pero hindi ako sasabay sa'yo,'' prangka kong sabi sa kaniya.
Nasa harap na kami ng elevator at siya na ang nagpindot ng button nito. Ilang segundo pa ang hinintay namin bago bumukas ang pintuan ng elevator.
Pumasok kami sa loob. May mga iilang trabahador kaming nakasabay, kaya hindi na ito nagsalit at tahimik na rin ako. Ilang sandali pa ang lumipas nakarating na kami sa roof deck.
Doon kami nagtungo sa isang dining area na malapit sa pool. Ang Dining area na ito ay nag-aalok ng pagkain na inspirado sa mga internasyonal na kusina, tulad ng French, Italian, Japanese and Korean. Ang dining area na ito ay mayroong chef na may karanasan sa mga luxury restaurant sa buong mundo. Mayroon din ditongb inuming alak, champagne, at iba pang mga inumin. Ang mga waiter at waitres nakasuot ng kulay itim na uniform na may halong kulay purple sa mga sidsiran nito.
Mamahalin din ang mga pagkain dito at hindi mawawala ang caviar at trufa.
Nanupo kami ni Eliase sa gilid ng salamin na matatanaw ang karagatan. Kinuha niya ang ipad na roon mag-oorder kung ano ang orderin ng mga taong kumakain rito.
"What do you want to eat?'' malamig nitong tanong sa akin habang nakatingin siya sa ipad na parang namimili ng kaniyang order.
"Egg benedict na lang sa akin,'' sagot ko sa kaniya. Ito ang itlog na may ham at cheese na may hollandaise sauce.
"Ano pa? Ano ang drink mo?'' tanong pa nito sa akin.
"Kape na lang,'' tipid kong sagot sa kaniya.
"Egg benedict lang ang gusto mo?'' tanong pa nitong muli sa akin.
Isang tango lang ang sagot ko sa tanong niya.
Nakatanaw lang ako sa karagatan. Parang napakatahimik ng dagat. Maganda ang panahon dito sa lugar na nilalakbayan namin. Hindi ko na nga alam kung saan kaming lupalop ng karagatan ng mundo.
"Nakatulog ka ba ng maayos?'' tanong nito sa akin.
"Medyo,'' tipid kong sagot sa kaniya na siyang nagpakunot naman ng kaniyang noo.
"Anong medyo? Masakit pa ba ang katawan mo? Mahapdi pa rin ba ang monyetas mo?'' Napakunot noo na lang ako sa tawag niyang iyon sa aking kipay.
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi ako sanay na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Kumibot lang ang gilid ng aking labi.
"Tinatanong kita hindi mo sinasagot,'' sabi pa nito sa akin.
"Bakit ko naman sasagutin kung alam mo naman ang sagot? Winasak mo ito kagabi ano ang gusto mong mangyari na agad-agad mawala ang kirot?'' mahina kong sabi sa kaniya subalit madiin.
Natawa lang siya na siya naman lalong ikinainis ko. Bakit ba kasi iyon ang pinag-uusapan namin?
Ang laki ng lumia niya, ano ang inaasahan niya na gagaling agad ang sugat na tinamo ko sa lumpia niya?
"Eh, bakit parang ang init ng ulo mo? Tinatanong ka lang naman, ah?'' kunot noo pa nitong sabi sa akin.
"Pwede ba iba na lang ang pag-uusapan natin?'' Saan ka ba nakatira sa Pilipinas? Wala ka bang girlfriend?'' nakasimangot kong tanong sa kaniya.
Ilang sandali pa dumating ang waiter dala na ang in-order niya sa may Ipad.
Firstime kong kumain rito sa roof deck kahit na dito ako sa floor na ito nagta-trabaho. Sa dulo kasi nito naroon ang bar island na pinagta-trabahuhan ko kung saan nakasayaw ako na nakahubad sa intablado, habang maraming mga iba't ibang lahi ang nakatingin sa akin.
Inilapag ng waiter ang kape na may ginto sa itaas nito. Nagulat pa ako sa presyo nito nang tingnan ko ang ipad. Nagkakahalaga ito ng 20 dollars.
Kape rin na may ginto ang order ni Elias. Isa-isang inilatag sa lamesa ng waiter ang mga in-order ni Elias.
Pancakes na may caviar at creamng cheese siyang in-order. Steak na may itlog at may kremang chesse din ito at ang in-order ko na egg benedict. May Muffins na may nuts din siyang in-order na dalawa.
"Ang cute naman ng kape. May ginto sa gitna,'' bulas ko at hindi maiwasan na hindi ako mapamangha sa kape at mga pagkain na nasa aming harapan ni Elias.
Hinigop na ni Elias ang kape na may topings na gold flakes. "Hmmm... Masarap. tikman mo,'' sabi pa nito sa akin.
Tinikman ko naman iyon at masarap nga. "Alam mo dito lang ako nakatikim ng kape na may ginto na toppings,'' wika ko sa kaniya at kinain ko na rin ang egg benedict.
"Hindi ka ba dinadala ng boyfriend mo sa mamahaling restaurant?'' tanong nito sa akin.
"Hindi, saka hindi naman namin iyon afford. Kuntinto na kami Jolibbee, Mcdo, at Mang inasal. Minsan nagkakape kami sa Starbucks,'' sabi ko sa kaniya.
Oo, dati madalas kami nila Mommy at Daddy sa mamahaling restaurant, pero bata pa ako noon. Simula noong tumungtong ako sa ikalabing walo kong kaarawan hindi na ako madalas sumasama kina Mommy at Daddy dahil mas gusto ko na lang sa simpleng restaurant kasama si Mandy at si Jack.
"Ano ba ang trabaho ng boyfriend mo?'' nagiging usisador na ito sa akin.
"Sales boy, pero marangal naman na trabaho iyon. Kung hindi lang sana kami minalas hindi sana kami magkakahiwalay at hindi ko sana naibinta ang dangal ko sa'yo,'' wika ko pa sa kaniya.
"Do you regret giving yourself to me completely?''
Napahinto ako sa pagsubo ng kinakain ko sa tanong niyang iyon sa akin.
Nagsisi nga ba ako? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
"Siguro hindi dahil na solve ko ang problema ko. Ikaw, wala ka bang girlfriend? Asawa o anak?'' nag-aalangan ko pang tanong sa kaniya.
"May naging girlfriend ako, pero hiwalay na kami. Kaya iyon ang dahilan kung bakit nandito ako sa cruise ship para mag-relax,'' sagot niya naman sa akin.
Dahan-dahan kong ininom ang kape dahil mainit pa ito.
"Oh, rest in peace sa nasawi mong puso,'' wika ko sa kaniya na siyang nagpakunot naman ng kaniyang noo.
"Iniinsulto mo ba ako?'' napipikon nitong tanong sa akin.
"Ikaw naman masyado kang seryoso. Gusto lang naman sana kitang patawanin. Bakit nga pala kayo naghiwalay ng girlfriend mo?'' tanong ko na lang sa kanya.
Nakakunot pa rin ang kaniyang noo. May pagka-suplado talaga ang Elias, na ito.
"Pwes hindi nakakatawa ang joke mo. Ano naman ang silbi kong sabihin ko sa'yo ang dahilan ng hiwalayan namin?'' masungit pa nitong sabi sa akin.
"Kung sabagay, siguro wala nga naman talagang magtatagal sa'yo dahil maliban sa womanizer ka suplado ka pa, kaya siguro hindi natiis ng girlfriend mo ang ugali mo, kaya hiniwalayan ka na lang,'' wika ko pa sa kaniya.
Tumawa siya ng pagak sa sinabi kong iyon. Halata naman na pikunin siya.
"Ganiyan ba ang tingin mo sa akin? What if kung aalukin kita ng kasal para malaman mo kung talagang womanizer ako at suplado?''
Ako naman ang natawa sa sinabi niyang iyon. "Huwag mong sabihin na in love ka sa akin? Ang tao na nag-aalok ng kasal ay sa nobya niya lang,'' sabi ko pa sa kaniya.
"Hindi naman lahat na inaalok o pinapakasalan ay nobya nila. Minsan depends on the situation. Katulad sa nangyari sa atin. Ako ang unang lalaki na umangkin sa'yo, kaya handa kitang panindigan dahil gusto ko magpakalalaki at panindigan ka,'' seryoso pa nitong sabi sa akin.
Medyo na touch ako sa sinabi niyang iyon, subalit iisa lang ang gusto kong makasama si Jack at wala ng iba.
"Oo, ikaw nga ang naka-virgin sa akin, pero hindi naman ikaw ang nagmamay-ari ng puso ko. Alam mo rin kung bakit ako pumayag na magtrabaho bilang pole dancer dahil sa nobyo ko,'' wika ko sa kaniya.
"Paano kung hindi ka na tatanggapin ng nobyo mo kapag nalaman niya ang trabaho mo at ako ang kasama mo sa kama habang hindi kayo magkasama?'' taas kilay pa nitong tanong sa akin.
Napakibot ako ng aking labi dahil sa tanong na iyon sa akin ni Elias. "Kung mahal niya ako tatanggapin niya ako kahit ano pa ang karanasan ko,'' malungkot kong sabi sa kaniya.
"Ipokrita! Kahit ako ang nobyo mo hindi na kita tatanggapin kung pinagsawaan ka na ng iba,'' sabi pa nito sa akin na siya naman nagpapantig sa tainga ko.
"Ikaw 'yon! Hindi naman siya ikaw!'' naiinis kong turan sa kaniya.
"Okay, sabi mo 'yan, eh! Sabagay wala naman akong pakialam kung tanggapin ka niya o hindi. Basta siguraduhin mo lang na habang narito tayong dalawa sa barko. Pagmamay-ari kita at ayaw kong lumalandi ka sa iba.''
Napataas na naman ang isa kong kilay sa turan niyang iyon. Akala naman niya pati kaluluwa ko nabili niya na.
"Mahiya naman ako kung maglandi ako sa iba,'' sarkastika kong sabi sa kaniya.
"Dapat lang dahil malaki ang ibinayad ko sa'yo,'' sabi naman nito sa akin sa sarkastikong boses.
"Hindi ka naman lugi sa akin dahil sariwa pa ako nang angkinin mo. Iyon nga lang baka pagbaba mo sa barko hanap-hanapin mo na ako. Baka hindi mo makalimutan ang mga pinagsaluhan natin sa cruise ship na ito,'' sabi ko pa sa kaniya.
"Tsss... Kapag nangyari iyon hindi na kita ibabalik sa boyfriend mo. Dadalhin na kita kung saan man ako magpunta. Damn it, umaga mo pa pinapainit ang katawan ko,'' sabi pa nito sa akin.
Napapailing na lang ako sa kaniya at muli akong uminom ng kape. Ilang sandali pa may tumawag sa cellphone niya. Tiningnan niya ito at pagkatapos tumingin naman siya sa akin.
"Excuse me, sagutin ko lang ang tawag ni Mommy,'' paalam nito sa akin.
Tumango-tango lang ako sa kaniya at ipinagpatuloy ko ang aking pagkain. Tumayo siya at sinagot ang tawag ng kaniyang ina.
"Yes, Mom?'' wika niya sa kabilang linya. Lumabas siya sa dining area at nagtungo sa gilid ng pool. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ng kaniyang ina.
Hindi ko maikakaila na gwapo si Elias. Iba ang kagwapuhan niya kay Jack. Paano nga kung totoo ang sinabi ni Elias, na hindi na ako tatanggapin ni Jack, sa pagbaba ko ng barko? Paano kung pandirihan niya ako? Subalit umaasa ako na maiintindihan ako ni Jack, kung bakit ko ito ginawa. Lahat gagawin ko para lang sa kaniya. Ayaw ko masira ang mga pangarap niya.