Episode 11

2065 Words
Chapter 11 Ravena Lumipas pa ang mga araw at ilang linggo palagi na nga kaming magkasama ni Elias. Madalas din na may nangyayari sa aming dalawa. Minsan parang nature niya na talaga ang pagiging masungit subalit pagdating sa pagkain hindi siya maramot. Lumipas pa nga ang isang buwan mas lalo pa kami naging close sa isa't isa. Minsan kapag tumatawag si Mandy, nakokonsensya ako na kausapin si Jack dahil sa pagtataksil ko rito. Parang wala na akong mukha na iharap sa kaniya. Kasalukuyan narito ako sa silid ni Elias. Katatapos lang namin magtalik. Inaamin ko na gusto ko ang ginagawa namin ni Elias, nasisisyahan ako kapag kasama siya. Si Elias kasi ang tipo ng lalaki na akala ko sa una hindi ko makakasundo, subalit mabait din siya sa akin. Palagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako. Maaalahanin siya at palaging inaalala ang nararamdaman ko. "Gusto mo mag-shopping?'' tanong nito sa akin habang naghihithit ng segarilyo. Ibinubuga niya iyon sa labas ng bintana. Sa isang buwan namin na palaging magkasama ngayon ko lang siya nakita na naninigarilyo. "Nag-shopping na ako noong isang araw. Perahin ko na lang ang ipang-shopping mo sa akin,'' sabi ko sa kaniya. "Para ano? Ipadala mo na naman sa nobyo mo?'' taas ang isang kilay nitong sabi sa akin. Kailangan pa ni Jack ng gamot. Pagkatapos niya kasing operahan sa paa hindi pa roon natatapos ang gamutan niya. Sabi sa akin ng doktor ni Jac,k may dugo na namuo sa utak ni Jack. Kinausap ko kasi ang doktor niya. Ang namuong dugo ang naging dahilan kung bakit palagi sumasakit ang ulo nito. Akala ko nga makakauwi na sila ni Mandy, subalit lalo pa lumala ang sitwasyon niya. Kung hindi malusawmsa gamot ang dugo na namuo sa utak niya kailangan niyang operahan sa ulo. Minsan gusto ko na ngang panghinaan ng loob dahil sa walang katapusan na problema. Ang gusto ko lang naman ang tuluyang gumaling si Jack. Kaya, ang pera na binibigay sa akin ni Elias bilang allowance ko iniipon ko iyon at pinapadala kay Mandy, para sa gamot at gastusin ni Jack sa hospital. "Huwag mo na lang kasi pakialaman ang buhay ko. Ang obligasyon ko lang naman sa'yo ang paligayahin ka sa kama. At kung may ibibigay ka sa akin na pera, salamat. Ang totoo malaking tulong iyon sa akin,'' sabi ko kay Elias. subalit napikon ako sa tanong niyang iyon kanina. Humithit ulit siya ng sigarilyo habang nakakunot ang kaniyang noo at muling ibinuga ang usok nito sa labas ng bintana ng kaniyang silid. "Ang sa akin lang magtira ka para sa sarili mo. Wala akong pakialam kung ano ang gawin mo sa pera na binibigay ko sa'yo. Pero minsan hindi lahat ng pera mo ipadala mo sa lintik mong boyfriend na iyon at baka pagbaba mo ng barko wala ng matira sa'yo pati ang pera na pinaghirapan mo,'' sabi pa nito sa akin. "Kaya ako nandito para sa boyfriend ko. Nagta-trabaho ako para sa pangarap naming dalawa, kaya nanatili ako sa tabi mo dahil sa kaniya. Lahat ng ginagawa ko para sa kaniya. Kaya huwag mo malintik-lintik ang boyfriend ko dahil hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan niya, samantalang ako narito sa tabi mo nagpapakasarap!'' Bigla na lang nag-iba ang mood ko, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi siya mataasan ng boses. Kanina puring-puri pa ako sa kaniya, subalit ngayon binabawi ko na. Masama niya akong tiningnan habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay. "Eh, ano kung sabihin kong lintik 'yang boyfriend mo? Totoo naman, ah! Dahil sa kaniya nagpapakahirap ka at nagawa mo pang sumayaw na nakahubad sa maraming tao. Pasalamat ka pa nga dahil binili kita at pinatulan. Siguro kung hindi kita binili kung kani-kanino mo na siguro ibinigay ang katawan mo dahil disperada ka magkaroon ng malaking pera, para lang sa inutil mong boyfriend!'' Umawang ang labi ko sa huli niyang sinabi tungkol kay Jack. Mabilis ang akinig kamay na dumapo sa kaniyang pisngi. "Wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganiyan! Katawan ko lang ang binili m o, pero hindi ang buong pagkatao ko, kaya wala kang karapatan na insultuhin ang boyfriend ko!'' garalgal kong panunumbat sa kaniya dahil hindi ko matanggap ang sinabi niyang iyon kay Jack. Ano ang karapatan niya na pagsalitaan ng ganoon ang boyfriend ko? Nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin siya akin. Umangat ang gilid ng kaniyang labi at pinatay niya ang kaniyang sigarilyo. "How dare you to slap me again? A '' galit niyang sabi sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Aray, ano ba nasasaktan ako!'' pagpupumiglas ko sa kaniya, subalit lalo niya lang ako idiniin sa kama at dumagan siya sa akin. "Alam mo ba na masama ako magalit?'' sabi nito sa akin at hinawakan niya na ang dalawa kong kamay at inangat niya ito sa aking ulohan. "Wala akong pakialam kung demonyo ka man magalit, pero huwag mong insultuhin ang nobyo ko dahil hindi mo alam kung gaano siya nahihirapan ngayon. Wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng masama!'' lakas loob kong sabi sa kaniya. Nagtatagisan ang kaniyang mga ngipin habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. "Talagang mahal na mahal mo ang lalaking iyon? Baka nakalimutan mo na akin ka na simula nang pumayag ka na bayaran kita sa malaking halaga. Kaya, huwag mo akong sampalin dahil sa inutil mong boyfriend. Sa tingin mo ba tatatnggapin ka pa niya pagkatapos kitang pagsawaan?'' mariin pa nitong sabi sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng kaniyang loob para ipamukha sa akin na parang pagmamay-ari niya na ako. "Hindi inutil ang boyfriend ko! Ikaw ang inutil! Kahit paulit-ulit mo man pagsawaan ang katawan ko at paulit-ulit mong angkinin, subalit ito ang tandaan mo! Hinding-hindi mo makukuha ang puso ko dahil wala ka pa sa kalingkingan ng boyfriend ko!'' sigaw ko sa kaniya na siyang lalong ikinagalit niya. "Talaga? Wala pa ako sa kalingkingan ng boyfriend mo? Tingnan nga natin?'' Pagkasabi niya ay marahas niya akong siniil ng halik sa aking labi. Halik na mapag-angkin at may kasamang panggigil. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas hindi ko magawa dahil malakas siya. Bumaba ang halik niya sa aking leeg. Marahas niya akong hinahagkan sa bahaging iyon ng aking katawan. Nasasakatan ako sa klase ng halik niya sa aking leeg, subalit mas nasasaktan ang damdamin ko sa hindi ko alam kung ano ang dahilan? Kung sa pang-iinsulto niya sa akin o sa marahas niyang paghalik ngayon sa aking leeg at sa marahas niyang pagpisil sa aking dibdib o sa kawalan niya ng respeto sa akin? "Nasasaktan ako, Elias,'' umiiyak kong sabi sa kaniya. Tuluyan na nga gumilid ang aking mga luha. Huminto siya sa paghalik sa akin at dahan-dahan niyang binitiwan ang aking mga kamay. Umalis siya sa ibabaw ko at naupo sa kama. Napahilamos pa siya ng dalawa niyang palad sa kaniyang mukha. "s**t!'' mahina niyang mura at sinuntok ang kama. "I'm sorry.'' Iyon lang ang narinig ko mula sa kaniya at tumayo siya at dinampot ang nakakalat niyang damit sa sahig at isa-isa iyon sinuot. Tinakpan ko naman ng komporter ang hubo't hubad kong katawan. "You can stay here or you can go shopping. Use this card of mine if you want to go shopping,'' sabi pa nito sa akin. Inilapat niya sa kama ang black card niya. HIndi ako umimik at hinayaan ko na siyang lumabas ng kaniyang silid. Iniyak ko na lang ang sama ng loob na nararamdaman ko. Ang sama ng loob ko kay Elias dahil sa pang-iinsulto niya kay Jack. Mas lalo pa ako naging determenado na mag-ipon upang makapadala kay Jack, para gumaling na ito at walang tumawag sa kaniya ng inutil. Pinakalma ko muna ang sarili ko at pagakatapos, nagbihis ako. Tiningnan ko lang ang black card ni Elias. Hindi ko iyon kinuha sa kama. Lumabas ako ng kaniyang silid. Parang gusto ko magrebelde kay Elias. Naiinis ako sa kaniya. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya kay Jack. Hindi inutil ang boyfriend ko. Ang sipag nga ni Jack dahil masipag siya magtrabaho. Naalala ko pa sa tuwing pumupunta siya sa apartment ni Mandy, para bisitahin ako palagi siya may dala sa aking pagkain. Nami-miss ko ang mga masasaya naming mga sandali na magkasama. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko habang patungo ako sa elevator. Pagdating ko sa harap ng elevator pinunasan ko ang aking mga luha dahil may mga kasabay akong sasakayr. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko malibang na lang ako para saglit ko makalimutan ang sama ng loob na nararamdaman ko para kay Elias. Pumasok na kami sa loob ng elevator. Bahala na kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Ang nasa isip ko, kung anong floor ang unang bumukas ang elevator doon ako lalabas at masmasyal. Parang chinallange ko na lang ang sarili ko. Bumukas ang elevator sa 9th floor. Lumabas ang dalawang babae. Napakagat labi pa ako kung lalabas ako o hindi. Subalit naco-curios talaga ako sa floor ma ito. Lumabas na lang ako dahil nakakahiya naman sa mga nakasabay ko na naghihintay kung may lalabas pa o wala. Sinundan ko ang pinuntahan ng dalawang babae na kasabayan ko. Ilang sandali pa napaawang ang mga labi ko nang makita ko ang mga kababaihan at mga kalalakihan na nagsasayawan habang ang iba nakikipagtalik sa mga kapareho nila. May salamin naman na nakaharang subalit kitang-kita naman dito sa labas. Paglingon ko sa kabilang salamin nakita ko rin ang mga lalaki na nakikipagtalik sa iba't ibang butas kung saan naroon ang kalahating katawan ng babae. Hindi ko alam kung saang mundo ako napadpad. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang lugar na ito na napuntahan ko? Ang lalaswa ng mga naririto dahil nakita ko na sa isang babae dalawa ang lalaking tumutuhog rito. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Para tuloy akong na-curios kung ano ang pakiramdam na may tumutuhog sa pwet mo at may tumutuhog sa kweba mo? Nagkamali yata ako ng floor na napuntahan. Minsan na rin ako nakakita na may nagtatalik sa 10th floor subalit hindi naman ganito kalaswa sa lugar na ito. Mayroon naman na nag-iinom lang habang nanunuod sa mga nagtatalik. Ito yata ang tinatawag nilang orgy party at s*x on hole. Gano'n pa man hindi maiwasan na hindi mang-init ang katawan ko dahil sa s*x live na nakikita ko. Pero hindi ko kaya makipag-s*x sa dalawang lalaki. Ew, nakakadiri. Aalis na sana ako nang masulyapan ng mga mata ko si Elias. Nakaupo ito sa isang gilid na tanaw ang karagatan habang may babae na nakakanlong sa kaniya. Kitang-kita ko hinalikan siya ng babae. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng selos at galit. Marahil dahil sinabi niya sa akin na habang narito siya sa cruise ship ako lang ang babae niya tapos makikita ko siya sa lugar na ito na nakikipaghalikan sa babaeng nakakandong sa kandungan niya? Sa halip na aalis na sana ako sa malaswang lugar na ito patay malisya na lang ako na pumunta malapit sa kinaroroonan nila at naupo. Nag-aabang ako na may lalaking lalapit sa akin. Hindi ako nagkamali isang Italiano ang lumapit at nakipagkilala sa akin. "Can I join your table?" tanong pa nito sa akin. Tumango-tango lang ako habang ang mga mata ko naroon sa animal na Elias. Walang hiyang lalaking ito, matapos akong gamitin kanina mayroon ng nakakandong sa kandungan niya? Akala niya siguro siya lang ang marunong? "What is your name? And what country do you live in?'' tanong pa sa akin ng banyaga na nasa harapan ko. "Just call me Ena. I live in the Philippines,'' sagot ko sa tanong nito. "Great! I want to go to the Philippines someday. Do you want to drink wine?" malambing pa nitong tanong sa akin. "Thank you, but I don't drink alcohol,'' tanggi ko sa kaniya, subalit ang mga mata ko hindi umaalis kay Elias. "What are you doing in this place? Do you want to have fun?" tanong pa nito sa akin. "Wala, lang. Nanunuod lang ako ng bold. Live nga lang,'' wala sa sarili kong sagot sa banyaga, kaya napakunot ito ng noo. Ilang sandali pa sa wakas ang hinayupak na Elias, nakita ako at nagkunwari ako na hindi ko siya nakita. Nagpa-cute ako sa banyaga na kaharap ko, para makita ni Elias na hindi lang siya ang gwapo sa paningin ko kundi pati ang banyaga na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD