Chapter 66 Ravena Nagising ako ng tumunog ang aking cellphone. Kinakapa ko pa ang cellphone ko sa kama dahil medyo inaantok pa ako. Nakapikit pa nga ang aking mga mata. Nang makapa ko na ang cellphone ko ang isa ko lang mata ang dumilat para sagutin kung sino man ang tumatawag sa akin. "Hello?" Paos na boses kong sagot. "Saan ka ba?" Boses ni Brian ang narinig ko sa kabilang linya. "Nandito sa bahay ng asawa ko, bakit?" tanong ko sa kaniya. "Anong bakit? Halos dalawang oras na ako dito sa airport kahihintay sa kaibigan mo na pinapasundo mo sa akin. Hindi ko ma-contact ang number na ibinigay mo sa akin," maktol na sabi ni Brian sa akin. Nako muntik ko na makalimutan si Joanna. Kanina pa ang flight niya ng ala-una ng hapon. Tiningnan ko ang orasan sa aking cellphone na shock ak

