Chapter 44 Ravena Lumipas ang anim na buwan ayos naman ang pagsasama namin ni Elias. Masaya kaming dalawa at maganda rin ang takbo ng salon na pinatayo ko. Ngayon sister company na ang RB at EJA Company. Nagpasalamat si Elias sa RB Company dahil sa tulong sa kompanya niya. Si Brian, ang madalas niyang kausap. Mabilis din akong natuto sa pagpapatakbo ng negosyo dahil maliban sa business ang kinuha kong kurso noon ay magaling din si Brian sa pagtuturo sa akin. Domoble ang kita namin at natutuwa naman ang mga magulang ko sabi ni Brian dahil mabilis akong natuto. Sa anim na buwan na lumipas wala na akong balita kay Mandy at Jack. Busy na rin kasi ako sa salon. Kasalukuyan nagbibihis ako dahil sasabay na lang ako kay Elias papunta sa BGC. Pupunta raw kasi siya sa office sa RB Comp

